Chapter TwentyTwo ~The Date II~

24 0 0
                                        

[Lyxz's PointOfView]

Nandito ako ngayon sa mall dahil magkikita kami ng kaibigan kong si Anne.  Miss na miss ko din yung bruhang yon. Almost one year na din simula noong huli naming pagkikita.

Tumitingin-tingin lang ako sa mga damit at accesories na nakikita ko dito. Mamaya na ko bibili kapag andito na ang bruha. Para mas masaya mamili.

Shopahollic kasi kaming dalawa nun e.

"BEESSSSTTT!!!!"

Speaking of the shopahollic.

"Best! Kamusta na?" bati ko sa kanya sabay yakap ng sobrang higpit.

"Oh my gaaad Best! Natatalbugan na kita. Mas maganda ako sayo ngayon." tignan mo tong gagang to, kung ano ano nanaman pinagsasa-sabi, e alam naman niyang mas maganda ko sa kanya.

"Hay nako! Tara na nga. Movie date muna tayo bago tayo mag-shopping."

"Hahaha. Sige best, movie date muna na-miss kita ng sobra e."

Habang papunta kami sa Cinema ay puro kami daldalan about sa school na pinapasukan namin. Siya, as usual reyna na daw doon kaya nga sobra siyang nagpapasalamat dahil wala na ako doon. Aba'y gaga, gusto na pala ako mapatalsik doon para siya na pinakamaganda. Kinotongan ko nga. Pero biro lang daw yon. Gusto na nga niyang lumipat sa school ko para daw magkasama na kami at makita daw si Cloud.

"Ano? Paano mo nakilala si Cloud?" gulat kong tanong sa kanya.

"Ano ka ba best? Madami akong koneksyon pagdating sayo. Kaya kilala ko siya at balita ko nagkaka-mabutihan na kayo." aba bwiset! Paanong nalaman na to lahat yon?

"So, kamusta na kayo? Kayo na ba? Tell me! H'wag mo kong pagsisinungalingan."

Demanding pa.

"Hindi pa, okay? Hindi pa nga nanliligaw e."

"Ay? Ano nang nangyari sayo Best? I thought you can lure all you want in just a single smile?"

"Oo nga e.  Kita na ang bente-kwatro kong bagang, hindi pa din ako nagugustuhan. Pero.. nag-date kami kahapon!" sabay ngiti ko sa kanya.

Haaay. Naalala ko nanaman yung kahapon.

Speaking of kahapon.. dapat pala pumasok ako. May part two nga pala yung date namin.

"Eeeh? Hindi pa nga kayo date na agad? Ni hindi ka nga nililigawan e."

"Hay nako, ewan ko ba dun. Pa-fall lang ata." sabay simangot ko.

Nag-pout naman tong bestfriend ko.

"Ano bang movie papanoorin natin?"

"Eto oh!" Sabay turo niya sa isang local movie na may tatlong doll.

"Ayoko niyan. Nakakatakot yan e!" pagkontra ko. Letse to! Alam naman noyang ayaw ko sa horror e.

"Eto nalang best. Maganda yan. Kahit errr, tagalog!"

"Oh di ikaw manuod mag-isa." sabi ko sa kanya.

Pinaka-ayaw ko talaga yung horror movies e. Feeling ko kasi mangyayari din sa akin yung mga nangyari sa story.

"Sige na best! Eto na please!" sabay pout nanaman niya.

"Oo na. Sige na! Tumigil kana sa kaka-pout, mukha kang goldfish na nawala sa tubig."

"Bwisit ka best. Alam mo yun?" nakasimangot niyang sabi sakin.

"I know, dear." sabay tawa ko nalang.

****

"Ano best? Buhay ka pa?" tanong niya sakin habang natawa. Wag niyo ng itanong kung anong nangyari sa loob dahil kung ako kasama niyo, malamang pinaglalamayan na ko ngayon. Buti nga natya-tyaga ako nitong bestfriend ko e. At naka-ilang batok siya sakin dahil hiyang-hiya siya sa mga katabi niya.

No ! This Can't Be !Where stories live. Discover now