Chapter 10

47.4K 870 125
                                    

Chapter 10

Hindi pa rin ako makapaniwalang doktor ang lalaking 'to! Tahimik lang akong nanonood sa may tabi habang pinapanood siyang magiliw na nakikipag-usap sa mga pasyente. Totoo nga pala ang iyong sinabi noong bata kanina dahil may dala siyang ilang supply nang gamot na nilikom daw niya sa mga kaibigan din niyang doktor na ngayon ay may mga sarili nang mga hospital.

Base sa pananamit ni Miguel ay makikitang angat din ito sa buhay ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nagtitiyaga siya sa isang barangay na ito. Maganda nga ang turismo rito ngunit napapabayaan naman ang mga tao. 

Hindi ko akalain na totoo nga pala iyong mga tao na gusto lang makatulong sa kapwa kasi honestly para sa akin ay isang malaking kaplastikan kung nasa medical field ka at hindi ka naghangad na mapunta sa abroad. Halos lahat naman ata ng Pilipino ay iyon ang pangarap. Well, except me! Mayaman na ako at kahit hindi ako kumilos ay mabubuhay ako dahil sa shares ko kompanya namin, ganyan ako katalino. Haha.

"Ano latest BP nito Yvette?" nawala lang ako sa pag-iisip nang masungit na nagtanong si Miguel.

"140/80." saad ko. Bago pa lang ako pumasok dito ay alam ko na ang latest BP nila. Hula hula nalang kapag may time kasi naman nakakatamad kuhanan sila nang BP kaya naman pinepeke ko na lang.

"140/80? Hindi naman tumataas BP nito ah?" pasimple akong umirap at ngumisi nalang. Kayang kaya ko 'tong lusutan.

"Siyempre naman galing sa trabaho si Manong diba tapos biglang magpapa BP edi mataas talaga result 'non. Doc naman." ayokong maging sarkastiko ngunit iyon ang naging tono. Nakakainis naman kasi ipapahiya pa niya ako sa pasyente.

"Baka po dahil sa matinding init nang araw ay kaya kayo nahilo, damihan na lang natin 'tay ang inom ng tubig at kung tumindi pa ay pwede niyo naman ako ipasundo sa bahay." matamis akong ngumiti sa huling pasyente at iginiya siya palabas ng center.

Maraming pasyente rito sa health center at karamihan ay mga buntis at mga kababaihan. Sus! Baka naman umaarte lang sila dahil sa gwapo ang doktor. Naku! Mga mapasamantala! Professional sa trabaho si Miguel iyon nga lang siya ang tipo ng doktor na hindi ko makakasundo. Madalas ay marami akong nakakagalit na doktor kaya naman hindi rin ako nakakatagal sa isang hospital. 

Porke't doktor sila at kailangan ng tao ay mahilig silang magpa-importante. Pagagalitan ka pa kung minsan at sasabihang tanga. Sila nga dumadaan lang sa kwarto ng pasyente, magsasalita ng kaunti, magrereseta ng kung ano at may bayad na agad. Sila kaya ang magbantay sa pasyente bente kwatro oras. Hindi naman sila iyong hands on ngunit kung makapag-utos ay akala mo kung sinong Diyos na ibinaba sa langit para makapagligtas ng mga tao.

Pareho lang naman kaming propesyonal at may alam sa medisina, kung nagtuloy lang ako sa med ay baka magka-level na kami. Minsan ay sobrang taas nang tingin nila sa sarili nila, nagkakamali din naman sila. Palibhasa ay mas malaki ang tiwala sa kanila ng mga tao.

"Doc, ano pala specialization mo?" tanong ko sa kanya habang nagliligpit sa center. Ilang oras nalang ay matatapos na ang duty naming dalawa. Baka magka-inlovan kami kung pati sa bahay ay magkasama kami. Mahirap pa namang i-resist 'tong kagandahan ko.

"OB" nalaglag ang panga ko sa huli niyang sinabi. OB siya?! As in yung doktor sa mga buntis?! What the fuck! Bihira ako makakilala ng lalaking OB Gyne!

"Ba't ganyan ka makatingin?" taas kilay niyang tanong sa akin kaya naman itinikom ko na ang aking bibig. Langyang mga babaeng 'yon! Ang swerte nila kung si Miguel ang OB nila! Tuwang tuwa siguro sila tuwing Internal Examination! Shit lang talaga.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon