Kabanata 16.

37.7K 958 61
                                    


GUIA:

PINILIT kong pakalmahin ang sarili kahit na sa totoo lang ay para na akong hinahabol ng kabayo dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. Nagmadali akong bumalik sa'king desk at napatulala saglit sa pinto. Hindi ko alam ang mararamdaman, sa pinapakita sa'kin ni Fabian ay wala itong pakialam pero ano ang nakita ko? Bakit niya ako pinapanood habang abala sa pinapagawa niya?

Malalim ang iniisip ko nang biglang bumukas ang pinto at siya ang iniluwa nito. Inayos niya ang mamahaling tuxe habang ako nama'y tahimik lamang siyang pinapanood.

"Are you done?" Tanong nito sa'kin nang mahuling nakatingin ako sa kanya.

"No, but I'm almost there." Napayuko na ako at nagmamadaling tapusin ang trabaho. Hindi na rin ito nag salita at naupo na sa kanyang swivel chair at kinuha ang relaxing ball niya na palagi niyang pinipisil.

"How's the meeting with Mr. De Alegre?" Tanong ko para naman maiba ang ihip ng hangin sa loob. Nakakailang na kasi ang katahimikan.

"It's fine." Kaswal lamang na sagot nito. Hindi na ako muli pang nag tanong dahil halata sa boses niya na tinatamad siyang kausapin ako.

Matapos ko sa kanyang pinapagawa ay lumapit na ako dito at inilapag dahan dahan ang mga papels.

"I'm done Sir, pirma mo na lang ang kailangan." Kaswal lang din na sabi ko. Mukhang nagulat pa ito nang tawagin ko siyang Sir.

Tumikhim ito at inutusan akong kunin ang susi ng cabinet sa mesa. Doon ko kasi ilalagay ang mga papeles kaya't sinunod ko ang utos niya.

Matapos kong isa isahin ang mga folder na may lamang proposals ay isinara ko na ito at ibinigay sa kanya ang susi.

"Marunong ka bang umuwi mag isa?" Biglaang tanong naman ito habang nakatingin sa kanyang orasan.

"Oo bakit mo natanong?" Pabalik na tanong ko sa kanya at tinignan ang orasan sa wall clock. Ang bilis ng oras, pasado alas otso na pala ng gabi.

"Okay." Tipid niyang sabi at kinuha ang pera. Bumunot ng isang libo at iniabot sa'kin.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.

"I have a dinner date with someone, mag taxi ka nalang." Parang pinunit ang puso ko sa binitawan niyang salita. Gusto ko siyang murahin ng malutong, para naman kasing wala kaming pinag samahan at gan'on na lang kadali para sa kanya ang makipag date sa iba. Pero magtataka pa ba ako? He's Fabian Devonscott, the womanizer.

"Okay." Walang gana kong sagot at kinuha ang pera. Sinikap kong maging maayos at hindi ipahalatang nasasaktan na ako. Kinuha ko na rin ang maliit na bag sa desk ko at ilang mga mahahalagang papeles.

"Well I'll go ahead, enjoy your date." Hindi ko na hinintay ang magiging reaksiyon at nag tuloy tuloy na labas habang siya naman ay nakasunod lamang ang paningin.

Inis na inis ako habang tinatahak ang hallway ng kumpanya. Ume-echo ang tunog ng takong ko dahil sa bilis at lakas ng pagkakapadyak ko hanggang sa may mabangga ako.

"Sorry Ms. Are you hurt?" Anang nito. Napaangat ako ng tingin at isang lalaking may mala adonis na pangangatawan at maamong mukha ang bumungad sa'kin. Kaagad niya akong hinawakan sa braso at inalalayang tumayo.

"No I'm okay." Hindi naman kasi ako nasaktan sa pagkakatumba at aminado akong kasalanan ko ang pagkakabangga sa kanya dahil hindi ako tumitingin sa daan. Ngumiti naman ito sa'kin bago ako bitawan. Para naman akong na-starstruck dahil sa tagal ng pagkakatitig sa kanya hanggang sa umalis na ito at naiwan lamang akong nakatulala sa hangin.

Pumara na agad ako ng taxi pagkalabas pa lang. Hindi naman ako nahirapan at mabilis na nakauwi sa condo ni Fabian. Lukot ang mukha ko hanggang sa makapasok na ako ng unit nito at pabalang na isinara ang pinto. Inilapag ko sa sofa ang bag at mga papeles saka nag tungo sa kusina. Ano naman kaya ang pwedeng lutuin dahil nagugutom na ako.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon