Chapter 12: Magical Flower

19.3K 678 5
                                    

          ***Samara's Pov***

Ala una pa lang nang madaling araw ay gising na ako,kaya naman naghanda na ako para sa mission namin. Hindi ko muna ginising si Aria dahil masyado pang maaga kaya nag-iwan na lang nang note para sabihing nauna na ako,hindi ko rin naman ina-aalala na baka hindi sya agad magising dahil alam ko na naka-oras sya.

Lumabas na ako sa dorm ko at dumiretso sa lugar kung saan namin napag-usapan na magkita-kita at dahil sobrang aga kaya naman wala pa sila. Umakyat muna ako sa puno na malapit dito para dito umidlip. Diba ang weird ko hahahaha!!

"Nasaan na ba si Samara? Anong oras na? Late na sya!"Nagising ako dahil sa boses ni Light na narinig ko. Pero hindi muna ako bumaba.

"Ewan ko ba dun! Ang aga umalis sa dorm nya hindi nga nya ako ginising eh nag-iwan lang sya ng note na nauna na daw sya. Tapos ngayon wala sya dito"reklamo ni Aria.

"Eh kasi po masyado pang maaga ng magising ako kaya naman hindi na muna kita ginising."sabi ko habang pababa ako sa puno.

"Andyan ka lang pala Sam"sabi ni Sky

"Tsk let's go!"sabi ni Mr. Sungit(Firen). Wala na lang nagsalita sa amin at sumunod na lang sa kanya.

Nakita namin si HM sa tabi ng gate na parang guard kung makatayo. Hahaha!!

"Sa wakas at nakarating din kayo akala umatras na kayo eh!! Bakit ang tagal nyo?" Tanong ni Tanda

"Eh kasi po yung isa dyan ang aga umalis ng dorm tapos nakumpleto na kami wala parin sya,yun pala nasa puno at doon natulog"pagpaparinig ni Aria. Mukhang may tampo pa ata sa akin to

"Sorry ok?"yun na lang ang sagot ko.

"Osya tama na yan! Ang importante nakarating na kayo. Sige na umalis na kayo dahil kailangan nyong makabalik dto bago magdilim."sabi ni HM.

Nagsimula na kaming lumakad papunta sa gate at automatiko itong nagbukas kaya naman nagtuloy-tuloy na kami sa paglakad.

"Ano malayo pa ba?"tanong ni Aria.

"Malapit na!"sagot ni Firen.
.
.
.
.
.
"Malayo pa ba?"tanong ulit ni Aria

"Malapit na!"sagot ni firen pero bakas ang pagka-irita.
.
.
.
.
.
"Malay---"hindi natuloy ni Aria ang sasabihin nya nang sumigaw na si Firen

"Will you please shut up!!"sigaw nito.

"Itatanong ko lang naman kung malayo pa ba kasi sumasakit na iyong paa ko."pabalik na sigaw ni Aria.

"Tumigil nga kayo! Mabuti pa magpahinga na muna tayo dahil medyo pagod na rin ako"sabi ko. Nakita ko naman na lumapit si Earl kay Aria at hinilot ang paa nito.

Nagulat na lang ako ng may biglang 5 tubig ang nasa harapan. Tumingala ako para tigna kung sino yun, yun pala ang limang lalaki na kasama namin na si Sky,Cloud,Walter, Light at Ice? Parang may kulang hindi naman si Earl dahil kasama sya ni Aria ngayon. Ah alam ko na kung sino si Firen pala hinanap sya ng mga mata at nakita ko syang nakasandal sa puno habang nakapikit hindi ko alam parang disappointed ako. Tinignan ko ulit sila.

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now