8

1.8K 82 4
                                    

Theo

Hindi ako mapakali. Aish!!

Bakit hindi maalis sa isipan ko ang bubwit na iyon?? Urgh! Asaan kaya siya? Ano na namang kabulastugan ang pumasok sa isip nun?!

Anong oras na nga ba?

It's 8 in the evening. I need to refresh my mind. Inabot ko ang aking cellphone at tinawagan si Leo.

[Ano bang kailangan mo?!] Wow wala lang mang 'Hello?'

"Bar?" I want to loosen up.

"Not now dude, my parents are here. We're having a 'Family Talk'." Nandidiri niyang saad. Walang paalam na pinatay ko na ang tawag.

As you all don't know, we are from rich family. Yet, ang iba sa amin ay itinatago ang katotohanang iyon. Ang iba naman ay tumakas sa kanilang mga responsibilidad at ang iba naman ay malapit ng itakwil bilang taga-pag mana.

Nag papanggap kaming katamtaman lamang dahil maraming kalaban ang pamilya namin. Hindi kami pwedeng matunton nang kalaban.

I am Theodore Marx. The Heir of the X Group of Companies.

Nahihiwagaan pa rin ako sa pag-katao ng bubwit na iyon. Isa siyang Kershaw. Ang Kershaw ang pinaka-mayamang angkan. Pero bakit pagiging guro ang kanyang pinili?

Lahat naman ay may dahilan..

Stephanie

Ano bang ginagawa ng teacher na to dito? At may hawak pang sandata! T-teka.. pamliyar sa akin ang hawak niya..

"Hey." Wow. Binati niya pa ako.

I really hate her. She's the reason why Lolo disowned me.

Hindi daw kasi ako responsable. Big word. Porket ba mas matanda ako kailangan kong bantayan ang paborito niyang apo? Eh hindi ko naman yan kapatid ah!

"What are you doing here?!" Halata sa mukha ni Mark na siya ay nagtataka. He doesn't know anything about me. Kaya't malilintikan ako nito pag nagkataon.

"Kinukuha ko lang ang dapat na sa akin." Nakatutok pa rin ang Katana kay Mark. Wala bang ibang gagawin itong mga alagad niya?!

I need to do something. Itinuon na niya ang pansin kay Mark.
Nahagip naman ng mga mata ko ang baril na hindi kalayuan sa akin.

Dahan dahan akong humakbang papalayo pero bago ko pa maabot ang baril ay napahiyaw na ako sa sakit!

Shit! Tinamaan niya ako ng shuriken niya!

"Balak mo bang putulin ang kamay ko?!" Galit na saad ko sa kanya.

Nag-salita naman siya subalit kay Mark pa rin nakatingin. May gusto ba to sa boyfriend ko? Well bitch, he's mine.

"Hindi. Pero balak kong putulin ang ulo ng nobyo mo. Wala rin namang kwenta ang utak nito. Ginagamat sa maruming paraan, kagaya mo. Lumihis na ng daan." Minamaliit mo ata ako.

Sa sobrang galit ko'y ininda ko ang sakit at inabot ang baril. Swerte at naka-kasa na ito. Mabilis kong kinalabit ang gatilyo.

Walang ka-effort effort na iniwasan niya ito at tumama sa isang alagad namin. I don't care, ito'y mas nagpagalit pa sa akin kaya't sunod sunod ko itong pinaputok sa direksyon niya. At panay naman ang iwas niya.

Mabilis na paparating sa akin ang isang matulis na bagay. Wala ng oras para ito'y iwasan at bumaon sa braso ko.

Tiningnan ko ito at napagtantong, i-to'y dagger..

The Badass TeacherWhere stories live. Discover now