9

1.8K 85 4
                                    

Cleo

I'm on my way to school with the bag filled with money. Guess I solved the case. At walang ninakaw ang aking studyante.

Wait? What time is it? 8 am? Whahaha. Napa-sarap ata tulog ko eh. 8 din ang assembly at paniguradong nagsisimula na.

I park my car and went out to go to the gym. Nandoon na kaya ang mga pasaway kung studyante? Baka hindi pumunta yung mga ugok na yun. Whahaha.

Naalala ko pa kagabi, nakita ko pa ang mga studyante ko. Ano bang ginagawa ng mga yun doon? Tambay? Grabe huh. Sana lang at hindi nila ako napansin.

Dumiretso ako sa gym at agaw pansin ang aking pag bukas ng pinto. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang ibang mga studyante. Gusto ata nila makitang mapahiya ang principal nila. Whahahaha.

Nakita ko ang mga studyante ko at kompleto sila. Hindi sila naka-linya at para bang nag-hihintay lang ng masasakyan na pa-ubos na ang pasensya. Mga ulol talaga to.

"You're late, Ms. Kershaw." Right. I know.

"Yes." I said. At pumunta na sa harap. Ramdam ko naman ang titig sa akin ng ibang mga studyante. Live show eh. Hahaha.

"Hoy Cleo! Ba't ba ang tagal mo?!" Nakita ko namang napa-ismid si Mr. Balakubak sa pag-agaw pansin sa akin ni Andrew.

"Mga magnanakaw talaga. Walang respeto." Parang uminit bigla ang ulo ko at walang pasabing tinapon ang bag. Kaya't sapul na sapul sa mukha ang panot.

"Tara na, class. Wag nating sayangin ang oras sa mga walang kwentang tao. Ay bagay pala." Tumalikod na ako upang umalis. Iniwan namin ng tulala ang buong tao sa gym.

Paglabas na paglabas, agad naghiyawan ang aking mga studyante habang inaalog-alog si Gavin. Halata naman ang bumabahagyang tutulo na mga luha ni Gavin, subalit ito'y pinipigilan niya.

Napangiti na rin ako, masaya na akong nakikitang masasaya ang aking mga studyante.. :)

Ang gaan sa pakiramdam.

"Hey. Walang iyakan!" Agaw pansin sa akin ni Theo. Na siya rin ay nakangiti sa akin..

Parte na ba ako ng pag-kakaibigan nila?

"Hindi porket nabalik mo ang pera ay parte ka na sa amin. Wala ka pa ring pwesto sa buhay namin" para akong hinampas ng baseball bat sa sakit na salitang binitawan ni Max.

Narinig naman yun ng iba kaya't natahimik sila, sa totoo lang ay nasasaktan talaga ako.

Pero ano nga bang magagawa ko? Edi tawanan na lang ang problema.

Tumawa lang ako at tumalikod na para pumuntang room, pero habang ako'y pabalik ng aming silid aralan ay tumulo ang aking mga luha.

Ang sakit pa lang isipin na ginawa mo ang nakakabuti pero hindi pa rin nila ako tanggap. Agad kong pinunasan ang aking mga luha gamit ang likod ng aking palad.

Wag kang umiyak Cleo. Dahil alam mo namang hindi ka nila pagkakatiwalaan kailan man.

Masakit isipin pero dapat tanggapin, studyante ko pa rin sila. Kahit na hindi nila ako tanggap, kahit anong mangyari, handa akong ibuwis ang lahat para sa kanila at sa kanilang kaligtasan.

Pa-ulit ulit kong kinukumbinsi ang aking sarili na tigilan na ang pag-asa na ako'y pagkakatiwalaan nila balang araw.

Pero pa-ulit ulit din na naririnig ko ang mga salitang binibitawan nila kung gaano nila kinamumuhian ang mga guro.

Sana, matanggap na nila ako..
Cleo, kaya mo to..

Theo

Ewan ko kung ano ba tong nararamdaman ko. Parang gusto kong manapak ng tao. Gusto kong tamaan sa mukha si Max.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Will he just shut his mouth?!

"Bakit mo yun sinabi, Max?" Naiiritang tanong ni Gavin.

Tumawa naman si Max.

"Porket ba naibalik niya ang pera ay ibibigay mo na ang tiwala mo sa kanya?! Ha?! Baka hindi mo alam na humingi lang siya ng pera sa pamilya niya!"

Ito namang ibang kaklase namin ang balimbing. Sumang-ayon kay Max ang iba.

"That's not true." Saad ni Xavier. Tiningnan naman namin siyang lahat.

"We saw her last night. 9 pm. We were on the Hell Bridge to get some air. On the distance, we spotted a motorcycle. Her speed is unusual, I thought that it's a gangster." Lahat ay natahimik, gustong marinig ang sasabihin ni Trevor

"But then, when it gets near, the vision of Cleo caught my attention. As I examined her, she got the bag." Lahat ay napasinghap.

Kung sila ay nasa Hell Bridge at sa kabila galing si Cleo... Isa lang ang ibig sabihin nito.

"Alam naman natin kung ano ang mayroon sa kabilang bahagi ng tulay. Isa pa rin siyang babae at napaka-delikado, at base sa nakita namin ay nag-iisa lang siya." I look at Gavin. A single tear fell from his left eye. Agad naman niya itong pinunasan at ngumiti. Ambading.

"Austin and I are slowly putting our trust on her. Ewan ko na lang sa inyo." Sabi ni Gavin habang naka-ngiti.

Ngumiti rin si Austin at sinabing "Mga kampon ni satanas, hali na kayo't nag-aantay na ang ating Lucifer sa classroom." Napa-tawa naman ang ilan at nag-simula nang mag-lakad.

Tiningnan ko naman si Max, I can't really read his expression right now. Kaya't kinuha ko ang atensyon niya.

"Max. There's no harm on trusting." At tumalikod na sa kanya upang pumunta sa silid-aralan.

Ako ba? May tiwala na ba ako kay Cleo?

Zen

*Bang!* *Bang!* *Bang!*

"Fuck it!" Magkasunod na bala ang pinakawalan ng kalaban. This is not a training! Nilulusob nila ang bahay!

Ang aga-aga pa lang! Naka-boxers pa ako! Seriously?! Wrong timing naman to eh! Mga letche!

"GIVE THE FUCKIN' KEY TO ME!"
Ano bang susi ang hinahanap niya?! Aba't?! Susi ng kotse?!

Kinuha ko ang cellphone ko't tinawagan si Cleo. Shit! Cleo! Answer my calls! Baka pag-dating mo dito ay bangkay na kami!

Lima lang kaming nakikipag-palit nang bala sa kanila, subalit sila ay nasa isang dosena! How unfair this could be?!

[Ano bang trip mo?!] Isang sigaw agad ang sumalubong sa akin.

"Cleo! I need you---" Hindi ko pa natapos ang aking pag-sasalita dahil pinaputukan na naman kami ng bala.

Armalite na ang gamit nila! Shit!

"Urghhh!!" Impit na sigaw ang pinakawalan ni Pedro. Tiningnan ko siya at nakitang may tama ng bala sa balikat. No!!!!

"Pedro! Hang in there!"

[Zen. What the actual fuck is happening there?!] Isn't obvious, Cleo?! Ang tanga mo naman!

"We're under attacked!" Napa-singhap naman siya at agad na binaba ang tawag. Please be fast! Ayoko pang mamatay!

*Bang!*

Fuck! That was my last bullet!

___________
Vote. Comment. Share. :)
Thank You :)

The Badass TeacherWhere stories live. Discover now