Volume 2 CH 29 : Poison

1.5K 44 2
                                    


Raven's Pov

Ilang minuto lang ang tinaggal ng aming biyahe kaya tama ang hinala nina silver at Ashton na malapit lang sa tribo ang kuta ng mga nilalang na ito.

Ngunit gawa ng nakataling tela sa aking mga mata ay hindi ko magawang makakakita at idagadag pa ang nakatali kong paa at kamay.

Paghinto nung sinasakyan namin ay hindi tumigil ang mga iyak at daing ng mga bata at mga kababaihan na kasama ko sa loob. Gusto ko sana silang pakalmahin ngunit wala akong kakayahan ngyom dahil sa aking kalagayan.

'Dalhin na sa piitan ang mga yan. Siguraduhin nyo lang hindi magagalusan ang mga yan. Ayaw ni capitan Vermillion ang mga produktong may sira' rinig kong ani ng isang boses bago bumukas ang kinalalagyan naming karwahe.

At sa ilang segundo lang ay naramdaman ko na isa isa ng kinukuha ng mga nilalang na yun ang mga kasama ko at dahil dun ay lalong lumakas ang daing ng mga ito. Natatakot ako na baka magnainis ang mga nilalang na yun ay saktan nila ang mga ito. At sa Kasalukuyang kalagayan ko ay wala akong magagawa para ipagtanggol sila.

Hanggang maramdaman ko ng may mga kamay na dumampot sakin at kinarga ako sa kanyang balikat na parang sako. Ilang minuto lang ang tinagal ng paglalakad nito hanggang basta basta na lang ako nitong binato sa loob ng isang silid.

Tinanggal nito ang takip sa mata ko at pagkakagapos ng aking kamay at paa kaya malaya na kong makakagalaw ngunit pagtanggal din ng piring ko ay bumungad sakin ang mga kababaihan at mga Bata na kasama ko sa loob.

'Pagdating ni Master Vermillion mahihiwalay na natin ang mga high quality sa mga walang silbi' rinig kong ani nung nagbabantay samin sabay sarado ng pinto. At dahil naman dun ay nagsimula ang hikbi ng mga bata kaya nilapitan ko ang mga ito.

'Ssshh wag na kayong umiyak maliligtas rin tayo nakakasiguro ako dun' wika ko dahilan para mapatingin sakin ang lahat.

'Kalokohan, wag mo nga paasahin ang mga batang yan. Wala ng magliligtas sakin dito' rinig ko pagsasalungat ng isang babae na nasa sulok. Mahaba ang buhok nito at mukhang may kaya ito dahil sa kanyang kasuotan.

'Isang linggo na kaming nakakulong dito at ngyon gabi dadalhin na ang ilan satin sa iba't ibang lugar para ibenta at maging alipin' ani naman nung katabi nito na kaparehas nya ng damit.

Kaya dahil dun ay nagsimula na naman na umiyak ang mga bata at ibang kababaihan.

'Habang humihinga tayo may pagasa. Hindi ibig sabihin na walang paraan para makatakas tayo dito wala na tayong gagawin. Kung walang paraan edi gumawa tayo ng sarili nating paraan' sabi ko sabay punas ng luha nung isang batang babae at dahil dun ay napayakap ito sakin.

'At sigurado akong makakatakas tayo. May tutulong satin ang kaelangan lang natin gawin ay maging handa pag may nakita na tayong oportunidad para makalaya' dagdag ko pa sabay tingin dun sa dalawang babaeng nasa sulok.

Kaelangan ko lang mabigyan ng signal sina Ashton para malaman nila kung nasan ako ngunit kahit anong linga ko sa pinagkukulugan samin ay wala akong makitang bintana o anu pa man na butas na pede kong paglabasan ng aking silid.

At kung hindi ako makakaisip ng paraan ay hindi ko maliligtas ang mga kasama kong ito. Kung tama ang sinabi nung dalawang babae na pinapadala ang mga nadadakip na bihag sa iba't ibang lugar para maging alipin at mangyayari na ito mamaya ay kaelangan ko ng magmadali bago mahuli ang lahat.

Hanggang sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas at may tatlong lalaking tao ang bumungad samin na pawang kinikilatis kami isa isa. Ngunit yun nasa gitna lang ang kumuha ng buo kong atensyon.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon