Chapter 10

35.4K 1.6K 267
                                    




I don't think I've seen him this angry before. Not in the short duration that we have been together. His eyes were burning with hot anger, his nose flared, and the thin line of unsmiling lips made me squirm in my bed. Natatakot ako na baka ibalibag niya ang kama sa sobrang galit, at mukhang kayang-kaya niyang gawin iyon.

"Um... n-nabangga ko sa pinto kagabi." I chuckled nervously. "Hindi ko alam na nagkapasa pala."

He just looked angrier, and he isn't convinced by my bullshits. Napayuko tuloy ako at pinaglaruan nalang ang daliri.

"Hindi ko maintindihan kung bakit nagsisinungaling ka sa akin, Czarina." He said in a restrained tone.

Nag-angat ako ng tingin. Ang galit ay unti-unti nang napapalitan ng pag-alala, ang gigil ng lungkot. I bit my lower lip and sighed.

"I'll tell you when I'm ready."

He slowly nodded. Nawala na nang tuluyan ang galit sa mga mata niya. His tensed shoulders went back to normal. The sudden transition left me speechless. I've never seen anyone who had complete control over his temper, or I've been surrounded with the wrong people in my life. My own mother wouldn't calm down until she hits someone or yells at someone. Max isn't the one to control his temper either. I'd either end up bathing in insults or become his punching bag. Even Sorcha has trouble controlling herself whenever she is angry, but she isn't one to resort to violence. Nagmumura lang siya hanggang sa mailabas ang galit bago pa kumalma.

I don't think I've ever met a man who can control his temper and held his fist back even if his entire body is trembling with anger. I guess he is someone who can also speak the truth even if his voice shakes. He must have good parents. Good for him.

"Hindi ka raw kumain?"

Nag-angat ulit ako ng tingin nang marinig ang pang-aakusa sa boses niya.

"Hindi naman ako gutom-"

"Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom, Czarina." He reached for the sidetable. Doon ko pa napansin ang brown paperbag. "I ordered pasta."

Nanghihina akong tumango. Wala rin namang mangyayari kung makikipagtalo pa ako sa kaniya. Alas tres na ng hapon at ngayon pa ako tinamaan ng gutom.

"Fuck!" narinig ko ang malakas na pagmumura ni Rigor. Binuksan niya ang food package at masamang tinitigan ang pasta na para bang may malaki itong kasalanan sa kaniya. Naguguluhan din akong nakatingin doon. Anong problema? Mukha namang normal na... pasta?

"Sinabihan ko na sila na hindi seafoods ang sahog dito, ampota."

Nanlaki ang mga mata ko. He was about to call the restaurant where he ordered the food when I stopped his hand.

"It's okay..." I said nervously. "Huwag mo na silang pagalitan, Rigor."

He hesitated for a bit, then nodded. Ibinaba niya ang phone at kinuha ang plastic fork. Sa gulat ko ay inisa-isa niyang kinuha ang shrimp mula sa pasta na nakakunot ang noo. Sobrang guilty akong nakatingin sa kaniya at halos hindi na makagalaw sa kama ko.

"This wouldn't take a while..." he even assured me.

Parang gusto ko nalang matulog ulit. Tango lang ang isinagot ko sa kaniya. He was so focused in eliminating the little shrimp bits from the pasta you'd mistake him for performing a complicated surgery.

Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. When he was done, he gently handed the food package to me. Sinikop niya ng tissue paper ang sahog tsaka lumabas para itapon sa basurahan.

Nanlulumo akong kumain. Maybe I could tell him right now that I'm not really allergic in shrimp? Patatawarin niya naman siguro ako dahil maysakit ako? I bit my lower lip. Someone suddenly dragged the curtain away, revealing a young school nurse.

Deceret Series #2: Bleed for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon