Chapter 4: Bring it on

826K 17.3K 4.9K
                                    

Nate's POV

Hindi ko alam kung anong problema ng magaling kong bestfriend at nagagalit sa akin. Minsan talaga ang hirap intindihin ng ibang babae. Napakagugulo.

"Hoy, hindi ka pa rin mamamansin?"

Kakatapos lang ng klase namin at nagsi-uwian na ang mga kaklase namin. Kami na lang ni Piper ang natira kaya kinakausap ko na siya. Kaya lang kawawa ako kasi hindi naman niya ako kinakausap. Parang nagsasalita lang ako sa hangin.

"Seryoso ka ba talagang galit ka?"

Sinamaan niya ako ng tingin bilang sagot. Seryoso nga. Sabagay.. tatlong araw na niya akong hindi pinapansin kahit puntahan ko siya sa bahay nila. Ano ba kasing ginawa ko? Wala naman akong sinuggest na idea sa kanya na ikipinahamak niya.

Ah! Alam ko na! Nagagalit 'to kasi ayoko ng sumunod sa rule at dahil sa nakumbinsi ko si Tamara na huwag na rin sumunod. Parang 'yun lang naman. Hindi ko naman kasalanan na ang galing ng convincing skills ko.

"Dahil ba 'to dun sa rule saka kay Tamara? Tagal na nun ha? Tatlong araw na." Ano ba yan. Ayaw naman akong pansinin.

"Oo, Nate. Dahil 'yun dun. Ang galing paano mo nalaman?" sagot ko sa sarili ko. Ayaw niya akong kausapin kaya ako na lang kakausap sa sarili ko.

"Magaling kasi ako kaya nalaman ko."

"Oo nga. Ang galing mo tapos ang gwapo mo pa. Ikaw na talaga."

"Hoy, Pipes! Grabe ka. Hindi mo ba talaga ako kakausapin? Mukha na akong tanga kakasalita dito. Tanong ko sagot ko. Bakit nga kasi?"

Patayo na sana siya at mukhang lalabas na ng room pero pinigilan ko siya kaya napaupo na naman, "Hindi tayo uuwi dito hangga't hindi tayo bati."

"Stop, Nate! Gosh! You're so makulit." Padabog niyang ibinagsak ang bag niya sa desk saka ako tiningnan ng masama.

"Ano ba kasing problema at nagagalit ka?"

"You and your ideas. Nakakainis. Why would you want to create a mess? Okay naman ang Kingdom High 'di ba? Bakit kailangan mo pang magsuggest ng mga ganun? Tapos dumagdag pa 'tong si Tamara. Who the hell does she think she is? She's a new girl tapos umaattitude na. Ikaw naman, ginatungan mo pa."

Inis na inis talaga siya at kulang na lang ata ipakain niya sa akin ang bag niya sa sobrang inis. Hindi ko naman kasi maintindihan bakit kailangan pang sundin ang rule rule na 'yan? Kung tutuusin, wala naman talagang kwenta 'yun. Sabi nila para raw mapanatili ang pagiging maayos ng Kingdom High kaya ginawa ang rule na 'yun. Kaya lang isinasara nila kami sa ibang mundo. Ano ba kasing trip nila sa buhay?

Napabuntong hininga ako sa naging reaksyon niya, "Bakit masyado mong pinapahalagahan ang rule na 'to?"

Napaiwas siya ng tingin sa akin, "I like where I am now. I'm on top."

"Dahil lang dun? Dahil gusto mo lang na angat ka sa lahat?"

Magsasalita na sana siya pero itinikom din niya ang bibig niya. Kilala ko 'to. May ibang dahilan pa, "You wouldn't understand."

"Ayaw mo kasing ipaintindi."

"Nevermind. Kahit sabihin ko naman you wouldn't understand."

"Sa akin ka pa ba talaga magtatago?"

"Fine," huminga siya ng malalim,"It's because I – "

Napahinto siya sa pagsasalita ng biglang may pumasok sa room. Si Hunter. Anong ginagawa niya dito? Uwian na ha? Dapat kanina pa 'to umalis ng school.

"Shit," bulong ni Piper.

Nakatayo at nakatingin lang siya sa amin tapos ay biglang ngumisi. Problema nito? Nababaliw na ata. Pumunta pa siya sa upuan niya at may kinuha. May naiwan pala kaya bumalik.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon