Chapter 2

210 8 0
                                    

Asphia Ellue Grande’s POV

HINDI ko pa pala natanong kay Rana kung ano ang Psychic Power niya dahil sa dami ng kwentuhan namin kahapon. Tsaka nabasa ko sa Article dito na may iba’t ibang pangalan pa yung mga Psychic Power.

Nagising ako ng maaga dahil maaga ngayon ang klase ko tapos mamayamang hapon wala na. Nagtungo ako sa dorm ni Rana para sabay kaming pumasok, sinuggest na rin kasi niya kahapon.

Kumatok ako at agad naman nitong binuksan.

“Hi, Asphia! Good Morning!” bati niya ngumiti naman ako.

“Good Morning, din.” bati ko rin at pumasok.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto niya. Pink na pink, at talagang pang girly ang kulay. Pero may ilan rin sa collection niya na mga bears at make-ups.

“Mahilig ka sa make-ups?”

“Actually, Yeah. Iyan ang isa sa mga hilig kong pinapabili sa parents ko sa ibang bansa.” sabi niya. So, spoiled din pala ‘to.

Umupo naman ako sa couch niya. Pink rin ang kulay at may mga maliliit na unan at teddy bears. Na pink pa rin. Pink addict.

“Nakakasilaw lang sa mata ang puro pink.” reklamo ko.

“Duh, so attractive kaya.”

“Okay, attractive na kung attractive.” sarcastic kong sabi.

Hinahanda nito ang bag niya. Pero napansin ko lang na, medyo childish talaga siya, coz her bag is Minnie Mouse na kulay pink. At saka ko naaalala na tatanungin ko pa pala siya tungkol sa psychic power niya.

“Hmm, Rana?”

Tumingin ito sakin. “Bakit?”

“Ano nga pala yung Psychic Power mo?” tanong ko.

“Ah, Isa akong Clairsentience kaya naming makarinig nang kahit nagmula sa nakaraan o sa future at kaya rin namin marinig ang pinaguusapan ng mga tao kahit nasa malayo basta ginagamit lang namin ito ng maayos.” sabi niya. Clairsentience? Makarinig? Kaya pala alam niya ang nangyyari sa war sa labas.

“Pero kung naririnig mo ang usapan ng mga tao na kahit nasa malayo bakit hindi mo subukang dinggin kung ano ang rason?” taka kong tanong.

“Iyan rin ang pinagtataka naming mga Clairsentience dahil kahit anong gawin namin mas malakas parin si Mater Hwa kaya hindi namin kayang marinig kahit na boses niya.” paliwanag niya.

Siguro nga, talagang malakas lang si Master Hwa at sabi nila wala pa ni sino mang makakita at naka-usap sakanya. Nakakapagtaka na nga kung balit ayaw niya magpakilala?

“May sikreto ba sa loob ng paaralang ito?” kinakabahan kong tanong. Oo kinakabahan ako dahil sa Master Hwa na ‘yon dahil may tansya ako na may balak siyang gawin sa mga tao rito.

“Oo, meron at marami.” seryoso niyang sabi.

“Marami?”

“Oo at ni isa walang nakakaalam, maliban nalang sa Pinaka mataas na rangko ng mga studyante dito.” sabi niya.

“Pinakamataas na rangko? Meron bang ganon?”

“Oo, ngayon pero noon wala pa raw.”

“Bakit may ganon.”

“Ewan. Basta ang sabi nila ang may mga rangkong studyante ay hindi pantay sa atin, and let’s call it they higher that us na kahit isa kang anak ng presidente mas mataas pa rin sila dito kesa sa’yo dahil may mas malakas silang Psychic Power at Special ability.” paliwanag niya.

May ganito palang patakaran dito? At bakit wala man lang akong kaalam-alam? Eh andami na kaya akong nasabng article dito sa Quanwei at puro possitive lahat ang nababasa ko.

“Pero bakit sa mga article ng Quanwei parang kabaliktaran ang naisusulat don.” taka kong tanong.

Pero dahil sa usapn naming ‘to nakaramdam ako ng pagsisiryoso ni Rana.

“Ang mga article na nababasa ng mga tao sa labas ay kabaliktaran ng mga mangyayari o nangyayari dito sa loob. All of the student who study here are they victim. Pare-pareho lang tayong mga tangang naniwala sa kanila. Para alam mo lang talaga, nagsisi akong pumasok dito pagkatapos kong nalaman ang lahat ng nangyayari sa war ng gabi. Oo, alam ko ang nangyayari dahil naririnig ko pero dahil sa kakayahan ni Master Hwa wala talaga akong laban. Maraming studyante ang nagsisi pero dahil nakuha nila ang mga Psychic Power nila binalewala nalang nila ang pinagsisihan nilang pumasok dito at marami pa ang tuwang-tuwa na walang kaalam-alam na may sikreto palang hindi nalaaman ng lahat dito sa school na ito.” mahabang paliwanag niya. Sa paliwalag niya konti lang ang naintindihan ko pero may isa akong napagtanto sa Master Hwa na ‘yon.

Dahil alam kong may pakay siya at tiyak ako na idadamay niya lahat ng mga studyante dito sa Quanwei.

Iba na ito. Dapat makahanap ako ng sulusyon kung pa’no ko malalaman ang sikreto dito. Pero mahirap dahil kahit Psychic Power wala pa ako kaya kailangang ko munang pag-aralan ng mabuti bago gumalaw.

Napabuntong hininga ako.

Nakalipas ng ilang minuto, umalis na rin kami at pumunta sa room.

“You know girl, binalita ko kagabi na may bago na akong kaibigan sa mga kaibigan ko and they exited to meet you.”nakangiti niyang sabi. And back to the normal na naman dahil nagmumukha na naman siyang childish, pati pagsasalita.

“Okay?”

“After class, punta tayo don sa tambayan kasi I’m sure na nandoon rin lang naman sila.” paliwanag niya.

“Tambayan?”

“Yeah, may tambayan kami. It’s a secret room malapit sa last building. And we made it.” sabi niya.

“Really?”

“Yeah, doon na kasi kami nagkikita-kita kasi, You know we don’t like in many people around. Tsaka don rin kami minsan nagsasanay. That’s why we called it Small Little House and welcome na welcome ka don.” sabi niya at ngumiti saka tumango.

Nagsimula ang first class namin at nagdiscuss lang ng nag-discuss si prof. Mackson. Hanggang sa matapos.

Pero wala akong naintindihan sa mga tinuro niya dahil naalala ko na naman yung sinabi ni Rana na hindi nila alam ang dahilan kung bakit may war sa gabi. Tsaka nabanggit rin niya sakin niya kahit may kakayahan silng marinig at makita ang mangyayari sa future ang mahirap lang nilang mabasa ay yung sikreto ng Quanwei na iyon. Ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng War. Tsaka sabi rin niya na pag-lumabag raw sa batas ang isa sa mga studyante, may kaparusanhan raw ito na higit pa sa buhay, dahil posible raw itong mamatay kung sakling mahuli nitong lumabas ng bandang alas-otso ng gabi. Ewan ko ba pero hindi ko pa rin naiintindihan, at dahil don gustong-gusto kong alamin ang rason kung bakit.

At isa pa yung sinabi niyang silreto ng school. Marami rami rin yun at hindi ko kayang gawin yun ng mag-isa. Kaya hihingi na rin lang ako ng tulong sa kanila balang araw na makuha ko na ang hinahangad kong Psychic Power.

Ito na yata ang misyon ko kung bakit ako narito. At kung ito nga....

Sana magtagumpay ako.

*****
Chapter ② ✔
ηοτ εⅮιτεⅮ
Short UD

Quánwēi University: School of Psychic PowersWhere stories live. Discover now