Chapter 5 - Collide

12.7K 652 364
                                    

Eros

Naalimpungatan ako dahil sa hanging bumubuga sa aking mukha. Dahan-dahan kong minulat ang mata at sandaling nagulat nung bumungad sa paningin ko ang mukha ni Zach, kasunod nito ay ang mga nangyari kagabi. Kung paano kami nagtalo at napagod hanggang makatulog. At kung paano sya tumingin na humuli din sa mga mata ko.

    Ngayong nahihimbing si Zach, mas malaya ko syang natitigan. Hindi ko na muna sinubukang matulog muli dahil ngayon ko lang sya matitignang mabuti nang hindi nya alam.

    Maraming beses ko nang narinig ang mga kaklase kong babae na nagrereklamo na hindi raw patas ang mundo dahil sa pilik-mata ni Zach, mahaba ito at nakakurba pataas. Hindi raw ito deserve ni Zach dahil lalaki sya, habang silang kababaihan ay kailangan pang maglagay ng pekeng pilik-mata at ilang mahika ng make-up para lang magkaroon nito.

     Ang peklat sa gilid ng kanyang mata ay permanenteng marka dito na imbis makasira ay nakadagdag pa sa kagwapuhan nya. Ang labi nya ay manipis at mapula. Akala ko dati dahil palaging maga sa pakikipag-away nya, ngayon alam ko nang natural ang kulay nito. Parang cherry na laging nakapatong sa icecream sa mga commercial at mukhang kasing lambot ng marshmallow.

     "Sabihin mo lang, Eros," sabi nya bigla. Napabalikwas ako at muntikan pang mahulog sa kama kung hindi lang sa kamay nyang nakayakap pa rin sa akin, na ngayon ko lang napansin, at sa kamay kong nakayakap din sa kanya, na talagang sumorpresa sa akin. Sa sobrang atensyon ko sa labi nya ay hindi ko sya napansing nagising. "Pwede kong ipatikim sayo yan."

     "Suntukin ko yan," banta ko. "Bitawan mo nga ako," utos ko nung mabawi ang balanse.

     Sa wakas, bumitaw na rin si Zach, makakalipat na ako sa kabilang kama. Pero bago ako tuluyang bumangon, pinalo ko ng unan ang mukha nya. Mahina lang para hindi sya masaktan pero sapat ang lakas para tuluyan syang magising.

     "Para sa toothpaste ko," sabi ko bago tuluyang tumayo, iniwan syang nakanganga dahil sa gulat at hawak ang pisngi. Paparating pa lang ang umaga, ang alapaap ay naglalaro sa kulay na itim, asul at puti.

     Humiga ako sa isa pang kama para subukang matulog ulit. Pumikit akong may hindi maipaliwanag na ngiti sa labi.

* * *

     Sa paggising ko muli, ganap na ang sikat ng araw. Ramdam ko na wala na si Zach bago ko pa makita ang bakanteng kama. Katulad ng unang beses na makitulog sya, umalis nang walang pasasalamat at paalam.

     Ano pa nga bang aasahan ko sa lalaking yun?

     Bumangon ako, inayos ang hinigaan kong kama at ang pinagsaluhan namin bago pumunta sa munting kusina para magtimpla ng kape. Ano kayang magandang gawin ngayong araw?

     Humigop ako sa kape matapos haluing mabuti.

     "Ahhh," paglasap ko sa mainit na inumin bago umupo sa may lamesa. Wala talagang tatalo sa sarap ng unang paghipo ng kape sa kaluluwa tuwing umaga matapos ang maginhawang pagtulog. Humigop pa ako ng isa bago pumuntang banyo para umihi.

     Pagbukas ko ng pinto, parang binalot ako ng yelo sa tumambad sa akin. Sa dami ng gusto at dapat kong gawin, wala akong nagawa sa mga ito. Bakit hindi ko narinig o naramdaman man lang na nandito sya? Bakit hindi sya marunong mag-lock ng pinto kung gagamit sya ng banyo? Bakit kailangang mangyari ito?

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon