Kabanata 39

933K 36.2K 13.9K
                                    

Kabanata 39

Fire

Despite the sudden adrenaline rush, hindi ko naiwasan ang hilahin ng antok pagkatapos ng mahigit isang oras na pagdating sa opisina.

Hindi ko gustong mang-istorbo kahit kay Nan man o kay Leandro lalo na at hatinggabi na, siguradong tulog na ang mga ito. I couldn't take it. I couldn't stay and hear more of Daddy's words. Pakiramdam ko mas magkakasakitan lang kami kung humaba pa ang usapan kaya mas mabuting ganito muna.

Mabuti na lang at may sofa sa opisina ko. Kung hindi ay sa swivel chair ako matutulog, ihihilig lang ang ulo sa malawak na desk. Wala akong kumot dahil hindi ko naman tinutulugan ang opisina. Siguro ito pa ang kauna-unahang beses na natulog ako rito ng gabi.

Hindi ko napansin kung ilang oras na ako natulog. Basta't nagising na lang ako dahil hindi makahinga. Ilang ubo ang pinakawalan ko nang magising at dahil sa dilim ng paligid, hindi agad nakita kung ano ang nangyayari.

I remembered my phone. Kinapa ko sa naaalala kong pinaglagyan pero hindi ko agad nakuha. Ang tanging alam ko lang, bago ako natulog, bukas ang aircon at ilaw, pero ngayon, mainit na, amoy usok, at madilim!

Kasabay ng pagkapa ko sa cellphone ko ay ang pagkakamalay ko na ang usok na naamoy ay galing sa sunog. I screamed immediately when I heard a loud boom from the outside of the office.

"Sunog?!" natataranta kong sinabi.

Mabilis kong inisip ang buong building. Ito ang pinakaluma sa lahat ng building namin at ang opisinang ito, opisina pa ng mga ninuno ko noon. Gawa sa kahoy pero sa ilang renovation, nilagyan na rin ng konkretong pundasyon. We installed a fire alarm system, pero walang sprinkler gaya sa mga bagong building namin!

Mabilis kong pinindot ang alarm na nasa opisina dahilan kung bakit umingay. Naisip ko rin ang mga fire extinguisher, may isa sa pintuan ng opisina. Mabilis kong tinakbuhan ang pintuan at napaigtad nang pagkahawak sa doorknob ay mainit na!

Nanginginig ang kamay kong sinubukan ulit at matagal bago ko tuluyang nabuksan iyon!

Kasabay ng pagbukas ko ay ang pagguho rin ng ceiling ng mismong katabi ng pintuan ko, sinusunog ng apoy ang bawat nahahawakan nito. Bumagsak ang cabinet ng extinguisher kasabay sa pagbagsak ng ceiling kanina. Nakita ko ang extingusher nasa ilalim ng apoy. Mabilisan ko sanang kukunin nang natantong masyado nang mausok at pumapasok na iyon sa opisina ko!

Mabilis kong sinarado ang pintuan, then it's pitch black again with the smell of burning wood, the loud noise of the fire alarm, and me trapped in my office.

Kinalma ko ang paghinga ko, nag-iipon ng lakas na makasilip ulit sa labas at mapulot ng tuluyan ang fire extinguisher. Sa kisame ng opisina ko, naririnig ko ang bayolenteng pagkalat ng apoy kung saan. Sa taas galing? Sa wirings? Shit! Oo nga pala at may problema ang wirings dito noon pa man!

I jumped when my phone rang. Mabilis kong sinagot iyon.

"Chayo!" si Manang Lupe.

"Manang! Nasa opisina po ako!"

"Ano?! Katatawag lang ng guard at... Chayo nasusunog diyan!"

"Opo! Lalabas po ako. Saglit lang po. Tatawag ako kapag nakalabas na rito."

"Chayo!!!"

Before she could speak again, I put the phone down and started to concentrate on my breathing. Nang kumalma, ginamit ko ang cellphone bilang flashlight para kunin ang isa sa mga unan. Hinubad ko ang punda at itinabon sa ilong, para hindi maapektuhan sa makapal na usok sa labas.

I forcefully opened the door again and noticed the smoke is thicker, the fire burned more. Naririnig ko ang ingay sa labas ng building, hudyat na nariyan na siguro ang mga bumbero.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon