Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae

20.1K 480 139
                                    

Chapter  61

Serene's POV

"No!" Hinawakan ako ni Jace sa balikat. Iniharap nya ako sa kanya para makita sa mga mata ko ang pagbibiro na akala nyang naroon. 

"What are you thinking? Please stop this nonsense."

"Alam mong sa mga bagay na ganito Jace hinding hindi ako magbibiro." 

Tumawa si Julian.

"Seriously? Tayo maglalaban? You are really asking for a death sentence aren't you? Feeling guilty, eh?" 

Totoo ang sinabi ni Julian. Ilang beses na kaming naglaban noon pero wala ni isa sa amin ang nanalo. Siguro yun ang dahilan kung bakit kami ang naging leader ng The Intricate Gang. Pero guilty? Siguro nga may malaking bahagi sa puso ko na guilty. Gayunman, hindi para roon ang buong dahilan para sa dwelo na inaalok ko. Gusto kong maglaban kami para muli kong mapatunayan sa sarili ko kung talaga ngang karapat dapat pa rin ako sa trono ko hanggang ngayon. Matapos kasi ang mga nangyari, parang wala na akong tiwala sa sarili ko. Sa lahat ng nagtangka na kalabanin ako sa kakayahan ko bilang gangster queen, si Julian lang ang pinaka-unang pinaunlakan ko. 

Jace is vibrating with anger beside me. Kanina pa nakatutok ang mga mata nya kay Julian. Pinapanatili nyang kalmado ang sarili pero halata sa mga mata nya na habang nagtatagal ay unti unti na itong naglalaho. 

"You don't need to do this GClef." Pakiusap ni Niel sa akin. Hindi ko sya matingnan sa mata dahil alam kong hindi rin sya pabor ukol dito.

"Wala ba kayong tiwala sa kanya? If Serene said she'll do it, she'll do it. Don't underestimate the power of the queen." saad ni Pietr. Inilihis ko ang tingin sa kanya pero hindi ko mabasa ang mga mata nya. 

Hindi nagpatinag si Jace sa tabi ko. Nakatayo sya sa pagitan namin ni Julian. Pinilit kong humakbang paabante pero hinarang nya ako.

"Ako ang lalaban sayo." 

Nakababa na sa may gilid ko ang katana na hawak. Nakatitig ako sa likod ni Jace. His body is so tense and rigid. Sa bawat pagkuyom nya ay ang marahan na paglabas ng mga ugat sa braso nya. Makikita sa postura nya na kahit hamunin pa sya ng pinakamalakas na bagyo ngayon ay hindi sya papatinag sa kinakatayuan nya.

Ipinatong ko ang isang palad sa likod nya. 

"Jace," 

"Hinahamon kita Julian. Ako, laban sayo. Dito mo ipakita kung ano ang kaya mo."

"Why always so serious man?" tawa nito na akala mo may dapat tawanan kay Jace. "One of the famous Black Savage leader, finally, makakalaban ko na rin. Ang daming natatakot sayo sa Gangster Society. You are a plague to anyone who crosses your path. Wala ka raw kasing kinakatakutan. Wala ka raw kahinaan. Pero ano 'yang tinatago mo sa likod mo? The secret of your greatest downfall?" 

Muling nagbalik sa akin ang nakaraan. Yung mga araw na pag-uusap namin ni Aiden. 

"Dati walang kahinaan ang gang namin. Pero noong dumating ka nagbago na ang lahat. Binigyan mo kami ng butas Serene!" 

Ito ang mga salita na patuloy na umaalingawngaw sa utak ko. Hindi man sinasabi ni Jace pero alam kong isa rin ako sa mga dahilan kung bakit nawala sa kanya ang kumpanya. Nahahati kasi ang oras nya sa akin at sa mga responsibilidad nya. Lahat ng problema ko prinoproblema rin nya. Tinutulungan nya ako kahit hindi ko hilingin. Hindi sya makapagfocus sa mga kailangan na gagawin dahil sa parating pag-aalala sa bawat misyon na pinapasok ko. He worry too much to the point na napapabayaan na nya pati sarili nya. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon