LABING WALO

61 2 0
                                    

Nung matapos kami mag-browse sa mga year book, binalik namin ang mga yun sa shelves. We sat para magpahinga. Nangalay ang balikat at batok ko sa ginawa naming yun. Nakuha naman namin ang kailangan namin.

"Ginagawa niyo dito?" Tanong samin ng papalapit na si Kyril. Umupo siya sa tabi ko. I looked at Bogs dahil hindi ko alam kung anong kasinungalingan ang sasabihin kay Kyril.
"Nag-aaral," sagot ni Bogs. I saw that Kyril was weirded out by that. Wala naman kasing libro sa table na nasa harap namin e at parehas kaming hindi library person ni Bogs.

"Alam niyo, lagi kayong magkasama at parang ang layo niyo lagi samin. May hindi ba kayo sinasabi samin?" Tanong ni Kyril. Nakakahalata na pala sila. Kami na lang kasi ni Bogs ang laging magkasama e.
"Wala, we just kind of missed bonding with each other." That's what I told Kyril. Kasinungalingan na naman. If only my soul could come out of my body right now, I would slap myself.

"Kung makapagsalita ka, kala mo naman magkakahiwalay kayo after college. Baka nakakalimutan niyong nasa iisang street lang kayo nakatira since pagkabata." Sabi pa ni Kyril, natawa na lang kami ni Bogs.
"Ikaw, bakit di na yata kayo nagkakasama ni Gina?" Tanong ko pa.
"Kasama ni Jom," sagot niya.
"E kayo ni Kiyo, kamusta?" Tanong ni Bogs sa kanya. Just by hearing Kiyo's name, Kyril smiled. They love each other, yes.

Nakalimutan ko na yata kung paano magmahal. Parang nawala na yung kung ano mang nararamdaman ko para kay Fred. Ngayon na hiwalay na kami, I realized that we only love each other when we're together. I feel nothing for him now. Hindi ko alam kung bakit ganun. Maybe I won't be capable of loving after what happened to me.

"Okay kami, we just respect each other's personal space." Sagot nitong si Kyril at ngumiti pa. She seems so happy being in a relationship with Kiyo. I wonder when I'll find that kind of happiness again or if I'll ever find it again.

Nag-usap itong sina Kyril at Bogs habang ako, natahimik. Umalis rin si Kyril nung mapansin niyang malapit nang matapos ang break time niya.

"So ano na?" Tanong sa'kin ni Bogs kaya napatingin ako sa kanya.
"Pagod na ako e," sagot ko.
"Akin na lang yang pagod mo," pagbibiro ni Bogs. Nako, kung pwede ko nga lang talagang ibigay sa kanya yun ginawa ko na.

"We continue this today o bukas na lang?" Tanong ni Bogs, I just shrugged my shoulders. Kumalam naman ang tiyan ko. Hinila ako ni Bogs papunta sa cafeteria. Siya na rin ang pumili ng pagkain para sa'kin. Aangal pa sana ako kaso gutom na talaga ako.

THIRD PERSON'S POV

"Tangina, may bantay ang prospect natin." Sabi ni Drake sa mga kasama niyang maputi at kayumanggi nung makita nila mula sa malayo sina Bogs at Ziana na kumakain.
"Sila na ba niyan?" Tanong ng kayumangging lalaki kay Drake, nagkibit balikat naman ito.
"Mga gago, may plano ako para sa birthday ko." Nakangising sabi ni Drake sa dalawang kasama niya.

"Alam na 'to nung dalawa pa. Makakaisa pa tayo sa prospect nating yan. Sila na ang bahala sa drugs, sa alak, and I'll just send her an invitation." Sabi pa ni Drake habang nakatingin kay Ziana.

"Paabot nga nung ketchup," sabi ni Drake sa maputing lalaki. Inabot naman niya yun kay Drake gamit ang kanang kamay niyang may yang tattoo.
"You still part of the Sheng Tu?" Tanong ni Drake sa maputing lalaki. Tumango-tango ito. But in the back of the fair skinned guy's mind, iniisip niya na ang pwedeng mangyari kapag nalaman ng Sheng Tu ang tungkol sa ginawa niyang panggagahasa. Paniguradong kicked ako sa frat nito. Yun na lang ang nasabi niya sa sarili niya.

Z: The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon