Chapter 14

106K 3.2K 97
                                    

Naglakad lang ako sa kung saan ako mapadpad. Hindi naman siguro ako mawawala sa lugar na to di ba? Derederetso lang ako sa paglalakad. Gusto kong puntahan ang park na sinabi ni Keith kanina. Nagtanong tanong ako sa mga nakakasalubong ko at di nagtagal nahanap ko din iyon.

Hindi naman ako nadisappoint dahil maganda ang park at malinis. Maraming puno at bulaklak. May mga street food at mga tindahan din ng mga laruan. Bumili lang ako ng cotton candy at umupo sa isang bench na nasa ilalim ng isang puno pagkatapos ay pinanood ang mga batang naglalaro. May mga nakikita din akong magnobyo na kay bata bata pa naghaharutan na. Hindi ako bitter, nagsasabi lang ako ng totoo.

"Hi pwedeng makitabi?" Napalingon ako sa taong nagtanong at ngayon ay nakangiti sa akin. Ang gwapo naman niya. Nakakasilaw. "Miss?"

"Ha? Ah o-oo naman. Sige." Umusog ako at tumabi siya sa akin. Medyo mahaba naman ang upuan kaya may space pa kami sa gitna pero hanggang dito amoy ko ang pabango niya.

"Taga dito ka ba?" Tumingin ako sa paligid. Sinisigurado ko lang kung ako ang kausap niya. Narinig ko siyang tumawa. "Ikaw ang kausap ko."

Napataas ang isang kilay ko dahil tinawanan niya ako pero dinedma ko nalang. "Hindi, may kasama akong pumunta dito."

"Boyfriend?" Napiling ako ng sunud-sunod. Hindi ko type si Keith! Asa naman na magustohan ko ang taong yu-- "Relative?" Andito pa pala to?

"Bakit ka ba tanong ng tanong?" Hindi ko mapigilang mairita. Hindi ako magpapalinlang sa kagwapuhan niya. Hindi porket gwapo siya, magtitiwala na ako sa kanya.

"Sorry gusto ko lang makipagkilala. I'm Immanuel Meyer." Inilahad niya ang kamay niya. Teka bakit parang familiar ang pangalan niya?

"Wait, are you related to John Meyer?" Okay ang corny ng joke ko pero in all fairness natawa siya.

"I wish." Tapos tumawa siya ulit. Pati tawa niya gwapo syetee. "Hindi mo rin hilig makipag shake hands ano?"

"Not really." Sabi ko bago tumingin ulit sa harap ko at pinanood ang mga bata. Hindi naman siguro masama kung sasabihin ko din ang pangalan ko total hindi naman na yata kami ulit magkikita. Huminga ako ng malalim at nagdesisyon na sabihin ang pangalan ko sa kanya. "I'm Jaqie."

"Jaqie what?" Sinulyapan ko siya.

"Just Jaqie." Balewalang sabi ko.

"Okay 'Just Jaqie' ganyan ka ba talaga kasungit?" He said jokingly but I just looked at him with a pokerface.

"Ganito ako kasungit sa mga taong hindi ko kilala." Hindi makapaniwalang tinignan niya ako.

"I just told you my name."

"So close na tayo dahil sinabi mo ang pangalan mo sakin ganon? Pano kung ibang pangalan pala ang ginamit mo." Pero imbes na mainis siya sakin ay natawa nanaman siya. Kaya tinignan ko siya.

"Okay you have a point. So I'm Immanuel Gomez, like I told you, and it's my real name. You can call me Nuel. I'm an anesthesiologist. I love to play basketball--"

"Anong tingin mo sakin autobiography book?" And that earned another laugh from him.

Tumunog ang cellphone niya at napansin ko ang pagkunot ng noo niya pagkakita sa screen. "Excuse me but I have to take this call." Tumayo siya at humakbang palayo.

Habang kausap niya ang nasa phone hindi ko mapigilang titigan siya total nakatalikod naman siya kaya hindi niya mapapansin. Ang sabi niya doctor siya, hmm sa itsura niya mukha namang totoo ang sinabi niya dahil desente ang soot, malinis ang itsura niya at mabango pa. Mukha din namang hindi siya member ng budol budol dahil nakita kong mamahalin ang cellphone niya. Nakita ko din na Hermes ang brand ng belt niya. Hindi naman siguro mga fake yun.

Bigla akong nag iwas ng tingin ng bigla siyang humarap at maglakad pabalik sa direction ko.

"I have to go. Bigla kasing nagka-emergency yung isang patient at kelangan ng maoperahan. It was really nice meeting you Just Jaqie. I hope we see each other again."

Hindi na ako nakapagsalita dahil agad siyang tumalikod at naglakad palayo. I just shrugged. What a weird man. Kung makapagsalita feeling niya close na kami.

Ilang oras pa akong nagstay sa lugar na yon hanggang sa maisipan ko ng umuwi dahil baka gabihin ako at napansin ko rin na medyo makulimlim ang langit.

Nagsimula na akong maglakad pauwi pero ilang minuto na ako sa kakalakad hindi ko matandaan kung saang lugar ako dumaan kanina. Hindi ko rin alam ang address ng bahay ni Keith. Bakit ba nakalimutan ko na mahina ang sense of direction ko pagdating sa mga bagong lugar?

Naglakad lang ako ng naglakad. Hindi naman siguro ako mawawala dito di ba? Maliit lang naman ang lugar na t-- I groaned ng makarinig ako ng kulog.

Binilisan ko pa ang lakad, sa sobrang pagmamadali ko na hindi maabutan ng ulan hindi ko na namalayan kung saan ako dumaan kaya ng tumingin ako sa paligid kinabahan ako. Hindi kasi ito pamilyar kahit na konti kaya napatigil ako sa paglalakad. Napatingala ako ng maramdamang may pumatak na tubig sa katawan ko.

"Great. Just fvcking great." Sumabay ako sa iba na tumakbo papunta sa isang waiting shed para may masilungan. Pero hindi maiwasan na mabasa parin ako dahil siksikan kami dito.

Mabuti nalang nagtagal lang ng halos isang oras ang ulan kaya naman nagsimula na ulit akong maglakad pauwi. Sana ay mahanap ko agad kung saan mang lupalop ng mundo napunta ang bahay na uuwian ko.

"Talaga naman Jaqie. Kung hindi ba naman tangaaaa.." Nagulat ako ng biglang may humila sa akin.

"Where the fvcking hell have you been?!" Napanganga ako ng makita ang basang basa na si Kieth. Nagpaulan ba to? Mukhang pagod na pagod din siya.

"Anong nangyari sayo? Nagpaulan ka ba?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin ang tanong ko bigla niya akong niyakap.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Heto nanaman. Nagsimula lang to nung gabing kumain kami ni Keith sa restaurant papunta dito. Ang alam ko lang nakapikit ako at nagwiwish nung 11:11 na sana maging maayos ang buhay namin ni nanay, pagbukas ko ng nga mata ko nakita ko siyang nakatitig sa akin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko na kagaya ngayon.

"I've been looking everywhere for you. Pinag-alala mo ko. Don't fvcking disappear like that again. I might die with worry."

Kinikilig ako. Pinipigilan ko ang sarili ko na kiligin pero kinikilig talaga ako. At dahil sa pagpapakipot ko, isa lang ang lumabas sa bibig ko.

"Ang OA mo Keith Adrian."

--

A/N: Heto update bago ang finals exam ko. Good luck sakin! Hahaha. Please continue voting. Kayo ang dahilan kaya ginaganahan ako mag update. Hahahaha.

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon