Volume 2 CH 31: Pitch Black

1.5K 34 4
                                    


Raven's Pov

May isang malaki makinang maroon sa loob ng silid at isa isang dinadala roon ang mga bata at may sinusuot sa ulo nito. At pagnasuot na ito ay magiilaw ang makina at ang susunod na mangyayari ay nakakahabag dahil bigla na lang hihiyaw ang bata at unti unti itong pumamayat at kumukulobot ang balat habang matuyot ito na parang dahon.

'May mga civilian nakapasok! ' bulalas ng mga tao na nagooperate nung machine. Hindi sila katulad ng mga nilalang na dumukot samin kung di katulad namin silang mga tao.

At dahil sa pagsigaw nung tauhan na yun ay may lumabas na mga kasamahan nya at nagpanic para makaalis. Ngunit may dalawang lalaki ang biglang humarang samin. Kapansin pansin na hindi lang sila normal na tauhan dahil may kakaibang bato na nakabaon sa noo nila.

'Padaanin nyo kami, ililigtas namin ang mga bata' imik ni Ashton na hinahanda na ang pagtanggal ng kanyang maskara. Ngunit ngumisi lang yung dalawang lalaki sabay tingin sakin nung isang kulay puti ang buhok.

'Mukhang nagmamadali kayo, bakit hindi muna tayo maglaro' Ani nito.

'Wala kaming oras sa laro nyo. Kaya padaanin nyo ko kung hindi magiging abo kayo pareho' wika ni Zack at nagpalabas ng isang fire ball sa kamay nya.

'Ow Ladros mukhang nagmamadali sila dahil nanganganib ang buhay ng babaeng yun' Ani nung kulay yellow ang buhok sabay turo sakin kaya naramdaman kong hinarangan ako ni Silver.

'Tumabi na lang kayo sa dadaanan namin pede ba. Dami nyo satsat' Ani ni Zack at nakita kong sabay silang sumugod ni Ashton. Si Zack dun sa yellow yung buhok then si Ashton ay dun sa puti.

Ngunit parehas silang mabilis kumilos dahil Lahat ng atake Nina Zack at Ashton ay walang kahirap hirap nilang naiiwasan na parang naglalaro lang sila parehas. At ang ikinagulat ko ay nagawa nung kulay yellow na buhok na hawakan ang apoy ni Zack at ibalik ito Kay Zack dahilan Para matamaan si Zack sa braso nya.

'Masyadong malamig ang apoy mo pano mo ko gagawin abo nan haha' komento nung yellow yung buhok. At nagpalabas ito ng apoy sa kanyang kamay na kulay dilaw. Nakita kong nanlaki ang mata ni Zack dahil gumagamit din ng apoy ang Kalaban nya.

Kala ko ba sa bawat isang henerasyon isang user lang ang nabibiyayaan ng kapangyarihan ng apoy?

'Mukhang nagulat ka. Kala mo ba ikaw lang ang may kakayahan controlin ang apoy?' Ani nito at tinagis ang bolang apoy sa kinalalagyan ni Zack ngunit nakita ko naman na nakailag ito. Ngunit yung sahig na natamaan ng apoy ay agad agad na nabutas.

Isang sigaw naman ni Ashton ang umagaw sa atensyon namin ng makita naming na sasaksak ito ng itim na Espada. Pupuntahan ko dapat ito ngunit hindi ako pinayagan ni Silver.

'Dito ka lang, masyadong delikado' Ani nito.

'Ano bayan Ladros tinapos mo agad yun isa. Edi nabawasan na ang paglalaruan natin' preskong sabi nung kulay yellow ang buhok.

'Andros alam mong Ayoko ng mahihinang tulad nya' sagot naman nung puti ang buhok. So Ladros ang pangalan nito at yung yellow ang buhok naman ay Andros. Pero sino sila? Bakit kakaiba ang kapangyarihan nila.

Nakita kong lumapit si Silver dun Kay Ladros at Tinabi ang katawan ni Ashton na may saksak, ako naman ay agad agad itong nilapitan. Kita kong nasa tagiliran nya pa ang itim na patalim na yun kaya sinibukan ko itong tanggalin ngunit napaso ako ng hawakan ko ito.

'Hindi mo matatanggal ang black blade na yan dahil si Ladros lang ang pede magtanggal nan at another bad new kinukuha nan ang natitirang lakas ng matamaan nito' Ani nung Andros habang nakatingin sakin. Ngunit sinibukan ko parin itong tanggalin ngunit hindi ko man lang ito mahawakan.

'Galing kayo sa Linford academy?' rinig kong tanong nung Ladros.

'Wala na kayong pake dun' sagot ni Silver at akmang susugod kaya inalis ko na lang ang tingin ko roon at tinuon ang atensyon ko kay Ashton at lalo pa ko nagpanic ng makita kong unti unting nangingitim yun part ng may saksak na tagiliran nya.

'R-Raven' tawag nya sakin. Nanghihina na ko dahil siguro sa lason ngunit kaelangan kong matanggal ang blade na yun sa katawan ni Ashton dahil nanganganib sya dahil dun. Pero pano?

Sunod Sunod na pagsabog ang mga narinig ko at nung tignan ko Sina Zack at silver na nakikipaglaban ay halos hindi ko masundan ang mga galaw nila dahil sobrang bilis ng mga kilos nila. Idagdag pa ang pagtatama ng mga kapangyarihan nila. Ngunit pansin ko halata Kay na Zack at Silver na nahihirapan sila sa pakikipaglaban.

Dahil aminin namin o hindi sobrang lamas nilang dalawa

Umiling iling ako at huminga ng malami at hindi muna nagisip at muli kong sinibukan hawakan yung blade na nakatarak Kay Ashton at talagang pagkahawak ko nun ay parang sinusunog ang kamay ko ngunit hindi ko ito binitawan at pilit ko itong tinanggal sa natitira kong lakas.

'W-wag wag R-Raven' Ani ni Ashton ngunit mas lalo ko pang sinagad ang lakas ko at dahil dun ay napahiyaw na ko. Narinig kong tinawag ako Nina Zack at Silver ngunit hindi ko ito pinansin at pinilit kong hugutin ang blade kahit unti unti na nitong nababahidad ang kamay ko ng kulay itim.

At sa ilang sigaw at pagpipilit ay nahugot ko ito ng tuluyan at agad itong naglaho. Subalit nagulat ako ng biglang lumitaw sa harapan ko yung kulay puti ang buhok at bigla akong inangat habang sakal sakal ako.

'Pano mo natanggal?' tanong nito habang hindi makapaniwalang sa ginawa ko.

'B-bita-wan mo k-ko!' Ani ko habang pinipilit na tanggalin ang pagkakasakal nya sakin. Sinubukan ni Silver na tulungan ako ngunit nagulat sila ng may itim na mahika na pumalibot sa amin nung Ladros na kahit ano gawing ni Silver ay hindi sya makalapit sakin.

Si Zack naman ay hindi makaporma dahil iniilagan nya ang mga atake nung Andros. Si Ashton naman ay nakita kong gumagapang papalapit samin.

'S-sino ka?' tanong nito. Ngunit hindi na ko makasagot dahil nauubusan na ko ng hangin sa aking baga. Sobrang lakas nya at nakakatakot rin. Ngunit naramdaman kong nabasag ni Silver ang nakapalibot saming itim. Kaya binitawan ako nung Ladros at sinalag ang atake ni Silver.

'Ang mahihina at papatayin ng malalakas' Ani nung Ladros at inatake si Silver ngunit naiwasan ito ni Silver.

Ako naman ay nanlalabo na ang paningin at nahihirapan ng huminga. Nanghihina na ang katawan ko at wala ng natitirang lakas sa akin. Pilit ng pumipikit ang mata ko ngunit pinipigilan ko ito para mapagmasdan pa ang mga kasama ko.

Pero sa gitna ng paglalaban nila ay isang liwanag ang umagaw ng atensyon namin. May nakita akong mga tao na dumating dadapwat may isang babae ang kumuha ng atensyon, kakaiba ang suot nyang damit at may hawak itong espadang gawa sa dugo.

Ayaw ko man ipikit ang mga mata ko ay hindi ko na kinayang labanan ito. At naghari na ang dilim sa aking sistema.

XXX

LEGAL WIFE MI KIM TAEHYUNG V

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon