Chapter 43

162K 5K 1.1K
                                    

Sumapit ang dilim ngunit hindi nila matagpuan kung nasaan sina Hannah at Jake. Kinukutuban na sila sapagkat maaaring nadali na sila ng killer.

"Oh this can't be! We can't find jake, my bestfriend!" Aligagang wika ni Tin habang alalang-alala sa kaniyang kaibigan.

"Nawawalan na ako ng pag-asang makita pa siyang muli ng buhay. I hope, makausap ko man lang siya kahit sandali." Dagdag pa niya habang along-alo siya ni Xiara at Aaron.

"Me too! I lose hope! I miss my friend." Wika ni Agatha na nakasubsob sa may glass table at pinaglalaruan ang kaniyang buhok.

"Pero guys, kailangan pa rin natin silang makita! Kahit anong mangyari!" Ani ni Roxette na binibigyang lakas at kumpiyansa ang mga kasama.

"Yeah right! Kaklase pa rin natin sila!" Pagsang-ayon ni Mia habang nakayapos sa braso ni Mark. Hinayaan lang ng binata ang dalaga.

Naramdaman ni Arianne at Ginny na kumukulo na ang dugo ni Roxette gayon pa't napag-alaman nilang may pagkahitad itong si Mia kaya inalalayan nila ito na maupo muna.

"Gusto niyo bang ipagpabukas na lang natin yung paghahanap sa kanila?" Singit ni Tom na hingal na hingal.

"Ang taba mo kasi Tom kaya ang bilis mong mapagod! Haha!" Pang-aalaska ni Nikka rito habang nakayakap sa kaniyang boyfriend.

"Pasalamat ka Niks at katabi mo boyfriend mo. Kasi kung hindi, baka mamatay ka sa kiliti kong ipapataw sayo." Aniya at nagpunas na siya ng pawis.

"Exercise rin kasi minsan Tom hehe. Tingnan mo ako, puro muscles hehe." Pagyayabang ni Jerome at ipinakita pa yung muscles niya sa braso.

"Tama na iyan, seryoso ito kaya huwag muna tayong magbiruan." Awat ni Ethan sa mga ito.

"Siguro nga, mas mainam kung matulog na tayo at ipagpabukas na lang natin ang paghahanap sa kanila." Suhestiyon ni Karlo na kinakalikot ang kaniyang cellphone.

"Okay!" Sang-ayon ng karamihan kaya napagpasyahan nilang matulog na.

Akmang tatayo na ang lahat ng biglang tumunog ang door bell.

"Siguro sila na iyan!" Masayang wika ni Kian at dali-daling tinungo ng lahat ang pintuan.

Pagkabukas na pagkabukas ni Kian ng pinto, tumambad sa kanila ang katawan ng isang babae na sunog ang mukha na nakasubsob sa may door bell at may palakol na nakabaon sa kaniyang ulo.

"Ahhhh!" Tilian ng mga babae dulot ng takot at pagkabigla. Hindi na sila nagtaka kung sino ito, malamang si Hannah at isa na rin sa pagkakakilanlan sa kaniya ay ang kwintas na suot nito na mula sa nobya.

Hindi napigilan ni Kian ang kaniyang emosyon at niyakap niya ng mahigpit ang bangkay ng nobya kahit na matigas na ito at malamig na. Ramdam mo ang bugso ng kaniyang damdamin sa pagyakap pa lang. Hindi niya napigilang umiyak gayong nalalapit na ang kanilang monthsary at mahal na mahal niya ito ng sobra.

Napaiyak din ang mga kababaihan dahil naantig sila sa pag-ibig ni Kian para kay Hannah. Lahat at ginagawa nito para sa dalaga. Mas na-touch sila sapagkat nawala man ang kagandahan ni Hannah, hindi naman nagbago ang pagtingin niya rito.

"Hannah! Bakit ngayon pa?" Pagsusumamo niya habang yakap-yakap ang bangkay nito. Wala ni bahid ng pandidiri. Mahal niya nga talaga ito.

"Kian pare, wala na tayong magagawa! Tanggapin mo na lang." Wika ni Dion habang tinatapik ang likod ng kaibigan.

"Ayoko na! Hindi ko maatim ang ganito!" Wika ni Mia at nagtatakbo papalayo. Nagulat ang lahat ng napatid ito at biglang nahila yung washing machine at bigla itong bumuwal sa sahig. Kasabay nito ang pagluwa ng bangkay ni Jake.

"Ahhh!" Pumalahaw ng sigaw si Mia ng bumagsak siya at pumaibabaw sa dilat na bangkay ni Jake na kaniyang ikinasindak.

Dali-daling lumapit sa kaniya si Arianne upang tulungan siya.

"Calm down Mia! Please!" Wika ni Arianne habang inaalo ito dahil sa sobrang takot at panginginig.

"Kawawa naman yung bestfriend ko! Mukhang tinorture rin siya masyado ng killer! Wala siyang awa!" Wika ni Tin habang nakasalampak sa sahig at pinagmamasdan ang bangkay ng kaibigan.

"Sadyang kalunos-lunos ang sinapit nina Hannah at Jake. Walang pakundanggan yung killer!" Sigaw ni Xiara.

"Kalma ka lang Xiara, baka ikaw ang pagbuntunan ng killer." Ani ni Ginny dito.

Dinala nila yung bangkay ng dalawa sa nararapat nitong paglagyan. Hindi makatulog ang lahat dahil sa nangyari. Ngayon, nasa sala sila at nagtipon-tipon.

"Ika-anim na araw pa lang natin dito pero sampu na ang namamatay." Panimula ni Agatha.

"Oo nga eh, paano kaya natin malalaman kung sino yung killer?" Ani ni Ethan.

"Paano natin siya mahuhuli?" Ani naman ni Karlo.

"Putang inang killer iyan! Sana ako na lang yung pinatay niya hindi si Hannah." Sigaw ni Kian na hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob sa sinapit ng nobya.

"Hindi pa siya nakuntento! Sinunog pa niya ang mukha ni Hannah! Pinahirapan pa!" Dagdag pa niya.

"Mas mahirap naman ang pinagdaanan ni Jake. Tingnan niyo, pukpukin daw ba ng martilyo ang kaniyang mga kuko sinong hindi mamamalipit sa sakit nun aber? Nasaan na ang hustisya!" Ani ni Tin na ani mo'y nagpoprotesta.

"Guys, letter H ang nasa noo ni Jake at letter A naman ang kay Hannah. Ano sa tingin niyo ang Death word nila?" Tanong ni Mark na wari mo'y nag-iisip.

"Hindi pa ba obvious? Martilyo ang ginamit sa pangtorture kay Jake at ito rin ang nakatarak sa kaniyang ulo, kaya malamang, ang death word niya ay Hammer." Paliwanag ni Roxette na nagtataray.

"Ang taray mo! Mayroon ka ngayon?" Panunuya ni Mark.

"Tse! Huwag mo akong kausapin!" Anito.

"Uy, LQ yung dalawa! Haha!" Biro ni Jerome.

"Shut up!" Sabay nilang sabi.

"Oh tama na iyang kakesohan niyong dalawa diyan. Huwag muna iyan ang pagtuunan niyo ng pansin." Ani ni Agatha.

"Sa tingin ko naman, mukhang asido ang ginamit ng killer sa mukha ni Hannah para masunog ito pero ang talagang nakapatay sa kaniya ay ang nakatarak na palakol sa ulo niya. Kaya sa tingin ko, ang death word ni Hannah ay Axe." Wika naman ni Tom.

"Aba pareng Tom, mabuti naman at ginamit mong muli ang iyong utak! Hehe!" Pangbubuska ni Karlo.

"Syempre naman! Kailangan eh, hehe!" Panunuya nito.

"Sa ngayon, hanggang dito na lang muna ang ating pag-uusapan. Maaari na tayong magsibalik sa ating kaniya-kanyang silid." Wika ni Agatha at naghiwa-hiwalay na sila at nagsibalik sa kaniya-kaniyang kwarto.

-------------------------------------------

E/N: salamat po sa patuloy niyong pagbabasa! Pasensya na rin kung maikli ang aking update.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon