Book2: Chapter 1.

1.7K 34 5
                                    

"Iry, watch where youre going. Wala tayo sa bahay."

Tugon ni Karylle sa anak nyang si Iry na tumatakbo takbo. Sila ay kasalukuyang nasa ABS CBN para iparenew ang contract ni Karylle. Didiretso muna sila sa Showtime Studio na 11 years na nag-e-air.

Isang taon. Isang taon na ang nakakalipas nang ikinasal si Karylle kay Vice kahit patay na ito. Isang taon na rin maluwag ang lahat. Kaya napagdesisyunan ni Karylle na bumalik sa trabaho.

Pagkadating nila sa lounge, napanganga sya sa nakita nya, isang salo salo ang nakahanda at may isang malaking banner na nakalagay 'Welcome Back Karylle!'

Naiyak si Karylle sakanyang nakita. Hindi niya ito inaasahan. "Ang tatanda natin pero puro parin kayo pasabog. 30's na tayo eh." sambit ni Karylle na nakangiti.

"We want this day to be special to you, Karylle." sabi ni Anne na may hawak na mini red velvet cake na favorite ni Karylle. Lumapit sya kay Karylle para iblow ni Karylle ang kandila.

Nagsalo salo na ang lahat. Kahit ilang taon na ang nakakalipas, Hindi parin sila nagkakandasira sira.

Umupo si Karylle sa tabi ni Iry na tahimik na kumakain nang spaghetti. "Iry, do you like it here?" sambit ni Karylle sa anak.

"Of course mommy. Mommy last night I've watched Baba's shows on your laptop. He is so funny." masayang sambit ni Iry.

Ngumiti naman si Karylle sa tugon ng Anak. "Pinakelaman mo nanaman laptop ni Mommy ha?" tugon ni Karylle sabay tawa.

Nagpatuloy lang sa pagsasalo salo nang Showtime Family. Nang matapos ang salo salo ay dumiretso na si Karylle sa ABS CBN Galleria para sa renewal nang kanyang kontrata.

Habang palabas si Karylle sa Showtime Studio, Nadaanan nya ang lumang dressing room ni Vice. Napatigil sya saglit at tinitigan ang pintuan. Nakapaskil parin ang 'Vice Ganda' na patnubay na dressing room nya ito. Dahan dahan nyang pinihit ang doorknob, Pagkabukas ay sumalubong sakanya ang malamig na hangin. Pumasok sya at tinignan ang buong dressing room. Simula nang namayapa si Vice, Ginawa sticky note free wall ang pader nang dressing room nya, punong puno ito at halos hindi na kasya kung gusto mo magsulat. Sa Vanity Mirror naman ay may mga nakadikit na litrato ni Vice na kasama ang iba't iba nyang kaibigan. Sa upuan naman ay may mga Vice Ganda na giant stuff toys. Hindi mapigilang maluha ni Karylle dahil hindi man lang sya nagsulat dito.

Kumuha sya nang sticky note sa lamesa nang Vanity Mirror at nagsulat.

'Hubby, I miss you.

Idinikit nya ito sa isang maliit na bakante nang pader. Nagbasa sya nang onting mensahe dahil maiinteresa ka talaga basahin ito.

'Sissy, I miss you so much and it kills me. -George'

'Magkikita rin tayo bakla. Promise yan. :'( -Liz'

'Love you Asawa! -Kris'

Natawa naman si Karylle sa isang sticky note. Hindi nya inaasahan ito.

'Banban! Haha. Tol, hindi man lang tayo nag one-on-one. Ingat ka! -Terrence.'

Lumabas na si Karylle sa Lumang Dressing Room ni Vice. Dumiretso na sya sa Galleria para sa contract signing.

*****

"Mommy, I know where are we going." tugon ni Iry habang nagmamaneho ang kanyang ina na si Karylle.

"We're going to visit Baba." simpleng sambit ni Karylle.

Ngumiti naman si Iry at pinagpag ang damit nya. "Am I pretty, Mommy? I want Baba to tell me that im pretty!!" masiglang tugon ni Iry.

"Youre delicate like a flower, my angel." sinserong tugon ni Karylle.

Pagkadating nila sa Sementeryo, Napansin ni Karylle sa di kalayuan na may bumibisita sa kanyang asawa. Ipinarke nya ang kanyang kotse at lumabas. Kaso, hindi nya mapagtanto kung sino ang lalaking iyon na naglapag na puting rosas. Dahil nakahelmet ito. Nilapag nya lang ang rosas at sumakay na muli sa kanyang motor.

Lumapit si Karylle sa puntod ni Vice. Nakita nyang may isang puting rosas

na nakalapag sa lapida. Nagtataka parin si Karylle kung sino ang lalaking nagbigay nito sa puntod nang kanyang asawa.

Hindi nalang muna iyon pinansin ni Karylle at nagusap nalang si Iry at Karylle sa harap nang puntod ni Vice.

////

a/n: Una sa lahat gusto kong humingi nang thank you sa 100k reads. Hihi. Tweet me guys (segue pa more) @huskyvice

Btw, kilala nyo ba kung sino yung lalaking binisita si Vice? Choose one:

A. Yael.

B. Mang Ernie.

C. Dingdong.

D. Isang fanboy ni Vice na nagmamadaling umuwi kaya hindi na nagatubiling bumili nang isang basket nang anthurium at pumitas nalang nang rosas sa kanilang hardin XD

Book 2 will be in 20 or less chapters ONLY. Maawa kayo. Sabog na utak ko haha.

The Promise | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon