Chapter 1

1K 36 3
                                    


Chapter 1 - Lost Stars


"Please don't see just a boy caught up in dreams and fantasies

Please see me reaching out for someone I can't see..."


Napahinto ako sa paglalakad.


"Take my hand let's see where we wake up tomorrow

Best laid plans sometimes are just a one night stand..."


Whoa, ang ganda ng boses! Tiningnan at pinakinggan kong mabuti ang paligid. San nanggagaling 'yon? Sino 'yong kumakanta?

"Bes!"

Siguradong hindi recorded tape ang naririnig ko... merong kumakanta at malapit lang siya dito. Whoa, gusto ko siyang makita. Punong puno ng feelings ang pagkanta niya, nagmula talaga sa puso.

Napangiti na lang ako.

"Bes!"


"God, tell us the reason youth is wasted on the young

It's hunting season and the lambs are on the run..."


Umihip ang hangin at napapikit ako sa mabangong amoy na nalanghap ko.

Alam ko ang pabango na 'yon! Naamoy ko na 'yon dati! Sa kanya ko pa lang naamoy ang pabango na 'yon! Nasa malapit lang kaya siya—

"June! Andrea June!"

Napa "Aray!" ako ng malakas sa lakas ng tapik sakin ni Roxy, matalik kong kaibigan. "Bakit?"

"Anong bakit? Late na tayo, nakatunganga ka pa diyan!" hinawakan niya ko sa braso at kinladkad,

"Wait lang bes!" pigil ko sa kanya, "Hindi mo ba narinig 'yong kumakanta?"

"Kumakanta? Bakit naman may kakanta sa ganitong lugar? Class hours na bes! Nag-ha-hallucinate ka naman."

"Hindi ako nagha-hallucinate! May kumakanta talaga!"

"Hay nako bes, alam mo ba kung nasan tayo?" hinawakan nya ang baba at iniharap ang mukha ko sa gilid. "Nasa tapat lang naman tayo ng Pyxie Point, panong may kakanta? Tambayan 'to ng mga gwapong third generation heirs!"

Tinitigan kong mabuti ang lugar sa harap ko. The famous Pyxie Point, kung saan naglalagi ang pitong lalaking sikat at hinahangaan dito sa Luxford High.

"Bes ano? Titig pa? Hindi mo ba nagets? Tambayan 'to ng Pyxis. Tambayan 'to ng Jacin mo!"

"Bakit kaya walang tao?

"Ano ba naman bes! Malamang nasa klase sila! Tara na kasi!"

Hinayaan ko nang hatakin ako ni Roxy.

Habang naglalakad kami, nasa isip ko pa rin 'yong magandang boses na kumakanta. Hindi ko talaga hallucination 'yon! Hindi pwedeng hallucination ang gano'ng kagandang boses.

Pero si Roxy, pinipilit na wala siyang narinig at baka daw multo 'yong narinig ko. Pero hindi talaga. Totoong boses 'yon at hindi 'yon galing sa multo.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon