LISA's POV.
"Hi lili, siguro mawawala ako ng isang linggo, wag mong isiping iniwan kita, kailangan ko lang makapag isip, mahal na mahal kita, wag kang mag alala sakin" --ito ang bumungad saking txt pag gising ko ,sinubukan ko siyang tawagan pero unattended ang number niya.
Naligo ako ng mabilis para alamin ang totoong ngyari, ok na ok naman kami kagabi , kaya di ko maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin to.
"Lisa!, ang aga mo lika na sumabay kana sakin kumain" --pagtawag sakin ni rosie.
"Rosie ,paki sabi kay daddy hindi ako makakapasok ngayon, kung may oras ka pakisabi kay jisoo at kai kung sa tingin nila san pwedeng pumunta si jennie"
"Bakit??, anong ngyayari??"
"Hindi ko rin alam , basta please pakisabi sakanila , mauna na ako" --paglabas ko bahay napansin ko isang lalake sa labas ng gate kausap ang guard ,nilapitan ko ito .
"Lisa!" --ang daddy ni jennie.
"Tito, ano po bang ginagawa mo dito?"
"Si jennie " --naiiyak na sambit nito .
"Kuya pakibuksan , tito pasok ka sa loob tayo mag usap" --sumunod naman siya saakin .
Pumunta kami sa garden at pinaupo ko siya.
"Lisa hindi ako magtatagal dito , gusto ko lang tanungin kung sayo ba pumunta si jennie kagabi?"
"Nag txt sakin si jennie na mawawala muna siya, kaya balak ko din sana sainyong pumunta para magtanong, ano po bang ngyari?"
"Kagabi pa kami nag hahanap kung saan siya pumunta, pero hindi namin siya mahanap, lisa patawari--"
"Tito anong ginagawa mo ?, tumayo ka po" --inalalayan ko siyang makatayo , muntik na itong lumuhod sa harapan ko .
"Kulang pa ang pagluhod ko sayo, sa ginawa ko sainyo noon ni jennie, lalo na sa mga pang iinsultong nasabi ko sayo noon"
BINABASA MO ANG
JENLISA - DEEP INSIDE
FanfictionPaano nga ba pipigilan ang puso ?? . Paano kung ang araw na dapat masaya ka ay ang araw na guguho ang mundo mo ?. Paano kung yung taong mahal mo na akala mo mahal ka ay iiwan ka para sa iba.. Paano nga ba? -Jenlisa Author's Note : 1st time ko po t...