Chapter 4

30.5K 918 52
                                    


MAD


HINDI ako makapagsalita habang nakatingin sa akin si Arco. Nang makalapit ako sa puwesto niya, hinalikan niya ako sa pisngi. "I'm surprised he let you leave," kunot noong sabi niya.


He took my hand to his own. "Let's go?" Tanong niya at akmang hihilain niya ako nang ipatong ko ang kamay ko sa dibdib niya.


He looked at me, confused.


"Babs..." Umpisa ko at napansin ang mabilis pagbago ng ekspresyon niya. He must have hinted what I'm about to tell him.


Nagtagis ang bagang niya. "I'm sorry if I let him have you last night. Hindi ako pumayag pero nagmatigas ang gagong 'yon. And... he has a right now," walang buhay siyang tumawa. "He's your fucking husband," bulong niya.


Natahimik ako. Hanggang sa umayos siya ng tayo. "But that's just in papers. You don't love him"


Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. He's right. I don't love Ansel. I don't even know him!


Pero bakit hinayaan ko siyang halikan ako kanina? Bakit ako tumugon? Why do I like the feeling of his lips on mine? And why do I like his kisses? The way he touches me?


Kabobohan ba 'to? I must be going crazy now.


"Let's go, Iana. You don't need to stay here. If he's forcing you, don't think of him and trust me" Malamig niyang sabi sa akin ngunit umiling ako. His offer is tempting but I cannot agreed to it. I know what a Monterro is capable of. I read the articles.


And Ansel is one lethal man. He can  corrupt your innocent and do whatever his will is just to destroy you and the people you love. At maaaring malaki ang atraso ng mga magulang ko sa kanya. Kaya ba nila ako pinamigay sa kanya ng ganun ganun lang?


This.. everything is just bullshit. At ngayon, ayokong madamay si Arco. I love him. Sapat na dahilan na 'yon para huwag ko siyang idamay sa kaguluhang 'to.


Nginitihan ko siya. "Babs, kahit ayokong tanggapin, naitali na ako sa apilyedo niya. He's now my husband. And I should be responsible for the role I have. My parents might have forced me and I hate what they did. Pero wala na akong magagawa, wala tayong magagawa"


"I can talk to your parents" Walang pagsukong saad niya.


Mapait akong napangiti sa isip ko. Even if we beg, they won't listen. Gusto kong sabihin sa kanya pero umiling lang ako. "Babs please... I'm sorry for calling you to come fetch me but I changed my mind. I'm staying now."


Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. "He forced you, didn't he?"


Mabilis akong umiling. "He did not" May diin na saad ko. "This is my own decision, babs. Now please I'm begging you... alis ka muna please" Kasi kung hindi siya aalis, alam kong magkakagulo.


Pasimple akong tumingin sa may pintuan ng bahay. Nakasara ito pero alam kong nakatingin siya mula sa bintana. Hindi naman malayo ang kinaroroonan namin sa bahay. Parang kahit hindi ko kita ang bulto niya, ramdam na ramdam ko ang maririing titig niya sa amin.


"Iana" Matigas na wika ni Arco.


I hugged him tightly. "Please Arco... tatawagan kita lagi. Just please do me a favor. Leave for now, babs" Mahinang bulong ko. He hugged me back.


"I can't" He muttered.


Napapikit ako sa naging sagot niya ngunit napasinghap ako nang may humigit sa akin paatras hanggang sa bumagsak ako sa isang matigas na dibdib.


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon