Chapter 16

100K 3.4K 827
                                    

Chapter 16 : Beware



Claude's POV



"Mare Lady never post things such like these. Mas gugustuhin pa ng babaeng iyon pasukin ang ibang site kaysa dito." Komento ko habang ipinapakita sa kanila ang article na na tunay nga na nasa listahan ng nangungunang mga balita.




"You sounded like you knew her that much." Sabat ni Drake sa akin.




"I just know how people like me acts and works Drake."




"The question is are we going?" tanong ni Rex na ikinatingin namin kay Armour. Napasulyap lang siya sa amin saglit bago tumayo at ibinulsa ang dalawa niyang kamay.



"Let's go."



Nang makarating kami sa underground ay pansamantala kaming naupo sa dulong parte dito sa arena. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang laban pero wala pa ang ni isa sa grupo ng aming makakalaban.



"They're here." Agad kaming napasunod nang tumayo si Armour at doon ko napansin na nagsimula nang maglakad ang lahat patungo sa battleground. At maski ang maingay na paligid ay naging tahimik.



Looking to these four masked girls. Halatang may iba. Suot man nila ang kanilang mga maskara ay hindi naman nila suot ang kanilang hoods at kung ikukumpara ang mga suot nila ngayon. Ibang iba ang klase ng pananamit nila ngayon kaysa noon.



"Should we introduce ourselves? I'm Mare. They're Ripper, Satan and of course, our only Bloody E. Mabuti naman at nagpunta kayo. Pero we're not here to defeat your gang again Grave King. Isa lang ang gustong mangyari ng leader namin." Lintanya niya na ikinakunot ng noo ko. Maski ang bulungan sa paligid ay rinig na rinig din.




"Let's have a truce. In one condition. Be our boyfriends, man or whatsoever." Bloody E stated na ikinarinig ko ng pagtawa ni Armour.



"You're hella crazy Bloody E." sagot ni Armour. 



Natigil ang rinig kong tawanan rin ng ilan nang biglang namatay ang ilaw sa buong arena. Agad naalarma ang buo kong sistema nang makaramdam ng tensyon bigla. Ilang segundo lang ay nagbukas muli ang ilaw at nakatayo na sa aming harapan ay hindi lang apat na babae kundi walong babae.



"That's so bloody stupid impostor." ani ng babae. 

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon