KABANATA 3

8.5K 474 40
                                    

Senda's P.O.V

Kung sino 'yung nagprisinta na tutulungan akong magbitbit ng mga bayong ko, 'yun din ang hindi man lang lumalapit sa akin matapos kong makapamili sa palengke. Pabirong itinutulak ito papalapit sa akin ng kasama nito, ngunit animo'y tutang bahag ang buntot na umaatras ito.

"Ako na..." nagulat ako nang magkasunod na kinuha ng amo ng mga ito ang mga bayong sa magkabila kong kamay.

"Naku," nakipag-agawan din naman ako kahit papa'no. "W-wag na. N-nakakahiya naman sa 'yo. Magaan lang naman ang mga ito.  Kaya ko na ang mga ito."

Sa halip na sumagot ay tinitigan lang ako nito saglit, bago nito tuluyang kinuha ang bayong upang bitbitin ang mga ito sa kanyang magarang sasakyan. Sandali akong natulala habang pinagmamasdan ko ang bandang likuran nito habang naglalakad ito palayo, bagaman napapatingin din naman ako sa drayber at sa kasama nitong patuloy nitong kinakantiyawan.

"O ano ka ngayon?" bulong ng drayber sa kinakantiyawan nito, "'di ka na nahiya sa panginoon. Akala ko ba ikaw ang magbibitbit?"

"Eh bakit ikaw?" pabulong na sagot ng kinakantiyawan, "ba't 'di ka rin makalapit?  Takot din naman kayong mga Tikbalang sa bitbit niya ah!"

"Oh eh at least hindi naman ako epal na nagprisinta." Humagahagikhik na sagot ng drayber, "eh ikaw? Kayabang-yabang mo. May paprisi-prisinta ka pang nalalaman."

"Tumigil ka na nga! Hala, muchaho." Mabilis na pumalakpak ito nang tatlong sunod-sunod na bagsak, "...magmaneho ka na nga lang! Bakit ba ang bagal mo?  Anong petsa na?" nagsimula nang magtulakan ang mga ito na may halong paghaharutan habang naglalakad pabalik sa sasakyan.

"Tado!"  Sabay batok ng drayber sa kaharutan, "'di hamak namang mas mukha kang muchaho sa 'ting lahat dito. Tingan mo nga 'yang suot mo? Ninakaw mo lang yata 'yan sa bangkay so loob ng nitsong hinukay niyo kagabi!"

"Oy anong--?"

"O bakit? Totoo naman ah! 'Yan 'yung suot ng bangkay na hinukay niyo ng bespren mong bal-bal kagabi!"

"Hindi ah...nasa pistahan ako kagabi noh!"

"O eh, kanino galing 'yan?"

"Sa bespren ko."

"Oh 'di ninakaw mo nga sa bangkay!"

"Hoy! Siya lang ang numakaw nito dahil siya lang naman ang naghukay sa sementeryo kagabi. Ibinigay niya ito sa akin kanina kaya bigay ito, hindi nakaw! Tsura neto--" inayos-ayos nito ang suot na pang-itaas.

Humagikhik ang drayber, "ano ba 'yan? Parang money laundering 'yang sistema niyo ah. Ang nakaw, hindi na nakaw kapag naipasa na?"

"Paki mo!"

Pinagmamasadan ko pa ang dalawa nang maramdaman kong may lumapit sa aking tabihan, "hi Miss. Anong hanap mo?"

Nilingon ko ito. Isa itong makisig na lalaking may bitbit na isang sakong bigas sa balikat. Nakabungisngis ito sa akin.

"H-ha?" reaksiyon ko na may halong pagkagitla. "W-wala...b-bakit?"

"Ah, nakatayo ka kasi sa tapat ng puwesto ko." Agad naman akong lumingon sa likuran ko. Nasa tapat pala ako ng daanan patungo sa loob ng isang bigasan, "baka kako, bibili ka ng bigas ko."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Agad naman akong tumabi upang makaraan siya. "Ah, hindi. Marami pa akong bigas sa bahay. At saka, may suki na ako rit--"

"Sino, mas mura ba sa kanya?" ibinaba na nito ang bitbit na sako. "Kung gusto mo, sa 'kin ka na kumuha sa susunod. Kung magkano man presyo niya, tatapatan ko, at dahil maganda ka, babawasan ko pa." Sandali akong napatulala sa maamo nitong mukha. 

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon