Chapter 14: Their Good Side

242 39 18
                                    

Ray's POV

Kahit saan pumunta si Rochelle sinusundan ko siya. Gusto ko lang na pag may ginawa siya, alam ko. Para agad akong makasaklolo kung mapahamak lang siya.

Kanina nakita ko siya sa labas ng library, inaway na naman niya si Kate. Di pa siya nakuntento, tinulak pa niya ito.

Kawawa! Tsss. Buti na lang may lumapit sa kanyang babae. Tinulungan siya nitong makatayo.

Pinagtanggol pa siya nito. At inaway si Rochelle. Saka niya hinila si Kate palayo.

Ang swerte talaga niya, madaming nagmamahal sa kanya. Deserve naman niya ito.

Nagi-guilty tuloy ako sa ginawa ko sa kanya. Walang sekretong hinding nabubunyag. Pag nalaman niyang ako ang may kagagawan ng pagkahamak niya, alam kong magagalit siya, pero sana mapatawad niya ako.

Sana maintindihan niya ako, na ginawa ko lang yun para sa taong mahal ko.

Handa naman akong pagbayaran lahat ng mga kasalanan ko.

---

Tenext ako ni Rochelle kanina, magdala daw ako ang soccer ball. Sinunod ko naman.

Paparating na siya.

"Ray, where's the ball?"

"Here. Ano bang gagawin mo dito?"

"Wag ka ng magtanong!"

Pagkakuha niya, umalis agad siya. Tsk! May gagawin na naman 'tong hindi maganda!

Kaya napagpasyahan kong sundan siya. Para bang may hinahanap. Matagal-tagal ko din siyang minanmanan. Hanggang sa nakita niya si Kate.

At tama nga ako, may gagawin na naman siya. Matiim niyang tinitingnan ito.

Maya- maya pa binato niya ito ng bola! Pero nakakagulat. May lalaking bigla nalang humarang sa kanya, kaya yung lalaki ang natamaan.

Niyakap ito ng lalaki at may sisabi. Nagsigawan naman ang mga nakakita at nagbulung- bulungan.

"Si Troy? Sila na ba? Bakit magkasama sila?"

Tanong ko sa sarili ko.

"Ah kuya excuse me, kilala mo ba yung lalaki?"

"Ha? Ah hindi."

Pagsisinungaling ko. Nilingon ko si Rochelle, nagmamadali siyang umalis.

(Note: Maiiksi lang ang POV ng mga kontrabida/kontrabido dito. Panggulo lang haha)

Rochelle's POV

Pagkatapos kong ibato ang bola, padabog akong umalis!

"Bwesit!!! Ang daming savior ng babaing yun!!! Anong bang meron sa kanya ha???"

"Babe."

Isa pa tong si Ray, panggulo! Argh!

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya.

"Ano na naman???"

"Stop doing it, mapapagod ka lang!"

"Wag kang makialam!!!"

"Tama na! Andito naman ako."

"No! Stay away from me!"

"Ayoko! Kahit ilang beses mo man akong ipagtabuyan, hinding-hindi ako lalayo sayo."

"Please leave me alone, kahit ngayon lang??"

Tumango lang ito at tinalikuran ko na siya.

Gusto ko lang talaga mapag-isa! Kinuha ko ang kotse ko at sumakay. Magpapalamig lang ako ng ulo.

Nag-drive ako papuntang QCMC. Dun muna ako. Gusto kong maglakad-lakad.

After an hour nakarating na ako. Pagpasok ko pumunta agad sa may food bazaar.

Namili ako ng kung ano-anong mga pagkain. Pagkatapos kong mamili pinuntahan ko na yung mga bata na nanlilimos.

Instead of money, pagkain ang binibigay ko. I really love kids. Pangarap ko magkaroon ng maraming anak.

Madalas ako dito dati. Pag may free time ako, pinupuntahan ko sila.

"Ate, thank you po ha?"

Sabi sakin ni Icay. 6 years old lang siya. Palaboy-laboy kung saan-saan. Wala na siyang mga magulang, nalunod daw nung bagyong Undoy at siya na lang ang natira.

"Walang anuman. Kain lang kayo."

"Ate ate, bakit ngayon ka lang bumalik?"

Tanong naman sakin ni Jepoy. Tulad ni Icay ulila na rin siya.

"Ah pasensya na kayo, busy na kasi ako sa pag-aaral ko."

"Ah ganun po ba."

"E si kuya Adrian po, nasaan?"

"Busy din."

Oo kilala nila si Adrian. Pinakita ko sila sa pictures. Lagi ko kasing nakukwento sa kanila ang tungkol dito.

"Bakit para po kayong malungkot?"

Tanong naman sakin ni Ebyang.

8 years old na siya. May mga magulang pa siya. Yun nga lang tinakasan niya kasi lagi daw siyang pinapagalitan at binubugbog.

"Wala 'to, okay lang ako. Namimiss ko lang kasi kayo."

Tapos nag fake smile ako.

"Wag ka na po malungkot, mahal na mahal ka po namin."

Napaluha naman ako sa sinabi ni Icay. Kaya niyakap ko na sila, niyakap din nila ako.

Buti pa sila mahal ako. Buti pa sila walang love problems. Ang sarap siguro maging bata ulit.

Kung may time machine lang sana, babalik talaga ako sa pagkabata. Pero napaka-impossible.

---

Maiksi lang ba? Hayaan niyo na bawi na lang ako sa next chapter. Hihi

Pero wait, bigyan niyo muna ako ng 10-20 votes para i publish ko yung next chapter. Game? ^___^

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon