Chapter 56

139K 2.5K 195
                                    

Ang bakasyon na hinintay nila Thunder ay hindi natupad dahil sa biglaang nangyari .. kinagabihan ng araw na pinagplanuhan nila ang pag bakasyon ng week end ay inatake si Chin ..

Nawalan ng malay at agad na sinugod sa Hospital ..

But instead na manatili sa Hospital ay nagmamadali syang dumiretso ng Study Room at sinimulan basahin ang mga Medical Books nila ng Dad nya .. lahat ng tungkol sa Heart surgery, Heart Transplant, at Heart failure na konektado sa sakit ni Chin ay sinimulan nyang basahin at siyasatin ..

Ano nga ba ang maitutulong nya kung nasa Hospital sya at nakatunganga lang? gagaling ba si Chin nun? mapapalitan ba ang puso nyang naghihina pag nandun sya?

Pinipigilan nyang panghinaan ng loob .. nilalabanan nya ang takot na nararamdaman ..

Maya maya ay nakaramdam sya ng tapik sa balikat ..

“Son.” narinig nya ang boses ng Daddy nya ..

“Dad ..” He tried to smile but his tears betrayed him ..

Agad nyang inalis ang tingin sa Daddy nya ..

“You better go to her .. kailangan ka nya ..”

“No Dad .. wala akong magagawa para matulungan siya kung nandoon ako .. hindi sya gagaling .. I better start studying her condition malay mo naman may magawa pa ko .. “

“Believe me Son .. ginawa ko na din yan sa Mommy mo .. pero alam mo maraming nasayang na oras dahil sa ginawa ko .. instead of studying, ibigay mo na lang sa kanya ang oras mo, enjoy your time with her, palakasin mo ang loob nya, iparamdam mong kahit anong mangyari hindi mo sya iiwan, mas mabisang gamot yun kesa sa ginagawa mo ..” napatingin lang sya sa Daddy nya ..

“I feel like I haven’t done the right thing .. “

“Don’t say that son .. nothing is wrong .. just be strong for her .. dahil sayo sya kukuha ng lakas para lumaban .. ikaw aNg magsisilbi nyang battery para lalong tumagal .. hahayaan mo ba naman na malowbatt ka?” malaman ang sinabi ng kanyang Daddy kaya wala na syang nagawa kung hindi ang tumango na lang at ngumiti ..

He needs to be strong .. tama ang Daddy nya .. pagdating sa Hospital ay nakita nya ang mga kaibigan na nandoon na .. nagbabantay sa loob ng ICU ..

“Bro kamusta?”

“Are you all right Brotha?”

Tanong nila ..

Ngumiti sya at tumango ..

“Kamusta si Chinchin?”

“Di pa sya pwedeng bisitahin ..” tumango lang si Thunder at napasandal sa wall, hinilamos ang mga kamay sa mukha nya ..

“Be strong Tol ..” tapik ni Elo sa kanya ..

Ngumingiti sya pero nararamdaman nya ang mga matang nababasa na .. kaharap nya ang salamin na bintana at kitang kita nya ang nakahiga na si Chin ..

“Sana ako na lang yung nandun, sana ako na lang yung nahihirapan, sana ako na lang yung may sakit ..” naibulong na lang nya pero dinig na dinig ng mag kaibigan nya.

“Wag mong sabihin yan Thunder .. lahat naman ng nangyayari may purpose diba?” pagpapalakas ng loob na sabi ni Chelsea sa kanya.

“Oo nga .. saka masama na ang lagay ni  Chicnhin .. kung ikaw ang nandun ako naman ang mawqwalan ng kapatid ..” seryosong sabi ni Storm pero kitang kita nya ang pagsiko ni Araya sa kapatid ..

“Because if I we’re on her position .. alam ko .. makakaya ko .. lalaban ako .. para sakanya .. para sa inyo .. kakayanin ko yung sakit .. yung hirap .. just to survive .. but look at her .. alam kong sobra na syang nasasakatan .. baka magsawa na syang lumaban .. baka di na nya makayanan .. If I can just talk to God, hihilingin ko na lang na ilipat nya sakin ang sakit ni Chin .. I love her so much ..” Thunder bitterly smiled while looking at Chin ..

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon