DALAWANGPU'T APAT

725 23 0
                                    

KHENZY POV

Kalahating oras na simula ng umakyat si jared papunta sa kwarto niya. Sinalin ko sa bowl yung dala kong gummy worms.

Umakyat ako sa at tumungo sa kwarto niya. Nakita ko siya doon na nakahiga pero nakatalikod sakin.

Nilagay ko sa side table yung dala ko umupo sa kama niya. Sinilip ko kung gising ba siya or what. Pero nakita kong tulog siya.

Na miss ko tong lalaking to, sa isip isip ko.

Tinitigan ko lang siya saglit ng nakitang kong parang nanginginignsiya.

"Jared," inalog ko siya at may naramdam akong init sa balat niya.
Dinala ko yung palad ko sa noo niya at don ko napag alaman na nilalagnat siya.

Inalog ko siya,

"Jared," tawag ko pa.

"Hmmm," Umungol lang siya at unti-unting dumidilat.  "Bakit?" Namamaos na sabi niya.

"Anong bakit? Nilalagnat ka." Sabi ko. 

Parang wala lang sa kanya yung sinabi ko at nagtalukbong pa siya ng kumot. Hinila ko ito.

"Argh! Ano ba yon? Mawawala din to." Padabog nyang nilihis yung kumot.

"Anong mawawala agad? Tsk tsk." Sabi ko.

"Kukuha ako tubig at bimpo pupunasan kita para bumaba yang lagnat mo. May thermometer ka ba? Nasan?" Tanong ko pa pero no response.

"Kaya ko na ang sarili ko pwede ka ng umuwi." Sabi niya.

Kung sa kanya parang wala lang yung sinabi niya pero para sakin tumagos sa puso ko.

Ayaw niyang nakikita ko siyang ganyan kaya noon pa man mas pinili niyang makipag hiwalay kesa mahirapan ako. Tapos yon nanaman ang ginagawa niya. Pinapaalis niya ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagkalkal na lang sa maliit na cabinet na kayabi nitong kama pero wala akong nakita.

Pumunta ako sa cr at nag baka sakaling mayroong first aid kit don.

May nakita ako sa taas ng cabinet na box kaya kinuha ko ito. Sumampa pa ako sa sink baho makuha ito.

Binuksan ko yung box at nakita kong nandon lahat ng pang first aid kit.

Kinuha ko sa isang lalagyanan yung thermometer at binalik yung box kung saan ko kinuha.

Lumabas na ako at hindi ko inaasahan na hinihintay niya akong lumabas. Wala man siyang sinasabi pero halata sa kaniya.

Tumungo ako sa kanya at naupo sa gilid niya. Nilihis ko yung kumot. Nakasando lang siya kaya madali kong nailagay yung thermometer sa underarm niya.

Nang tumunog ito agad kong kinuha iyon at nakita kong mataas masyado yung temparatura niya.

39.9

"Kukuha lang ako ng pang punas sayo." Sabi ko at tatayo na sana.

"You don't need to do that i can handle myself." Sabi niya pero hindi ko na siya pina kinggan.

Pumasok ulit ako sa loob ng cr at tiningnan ko kung may bowl doon at maliit na towel.

Binuksan ko yung malaking cabinet na nandoon at tulad ng inaasahan meron nga. Kumuha ako ng isang bowl at isang maliit na towel.

Kinusutan ko ito at binanlawan pag tapos nilagyan ko ng tubig yung isang bowl at nilagay don yung maliit na towel.

Lumabas na ako at nakita ko syang naka pikit na. Lumapit ako at nilagay yung bowl sa side table.

Time And Attention [COMPLETED]Where stories live. Discover now