Chapter 11

43.8K 901 78
                                    

Chapter 11

"I want you dead" paulit-ulit iyong bumabalik sa aking panaginip nang sumambulat sa aking mukha ang nakakasilaw na liwanag. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa harapan ko si Miguel na may dalang tray. Mas nakakasilaw pa siya sa araw dahil sa kanyang kagwapuhan at mukhang kakagaling lang niya sa workout.

"Rise and shine!" bati sa akin ni Miguel at inilapag ang tray na naglalaman ng breakfast at isang baso ng juice. Ang thoughtful naman.

"Huwag ka munang bumangon baka mahilo ka" noong isang araw lang ay masungit siya ngayon naman ay todo alaga lalo tuloy lumalakas ang hinala kong may gusto siya sa akin. Ano ba yan! Kahit na buntis ako ay nakakahalina pa rin talaga ako.

"Good morning." paos kong bati sa kanya at dahan-dahang bumangon sa pagkakahiga at sumandal sa may headboard. Mas napagtuunan ko ng pansin ang laman ng tray. Omelet, hotdog, friedrice at slice ng dragon fruit ang laman niyon samantalang may iilang tabletas naman ang nasa gilid ng tray.

"Mamaya reresetahan kita ng vitamins mo at kung gusto mo sasamahan kita sa district hospital para makapagpa-ultrasound ka." pilit kong inilihim ang aking mga ngiti. Sus, halatang-halata naman masyado na may gusto siya sa akin. Wala talagang pinipili ang gandang 'to. Tumikhim ako at umarteng napipilitan lamang sa mga gusto niya. Haha. Kailangan siyempre maging pakipot ako dahil baka sabihin niya buntis na nga ako ay pinapatulan ko pa ang pagpaparamdam niya sa akin.

Akala mo lang masungit itong si Miguel ngunit ang totoo naman pala ay may gusto lang sa akin, siguro'y ginagawa niya iyon para hindi ko masyadong halata. Ako pa ba? Sanay naman na ako na halos lahat ng lalaki ay nagkakandarapa sa akin kaya hindi na ako magugulat kung may gusto siya sa akin. Hmm, kung susumahin ay isang catch din itong si Miguel. Gwapo, matipuno, matalino at doktor pa! Iyon nga lang hindi ko alam kung yayaman ba ako sa kanya dahil mukhang wala siyang balak umasenso at magpakabulok na lamang dito sa probinsya. Aside from that ay may anak pa siya!

Muli kong pinagmasdan ang pagkaing nasa tabi ko. Baka mamaya ay may kakaibang gayuma 'to! Oh my gosh! I have to be careful kahit pa gwapo pa siya at talaga namang sabog ang ovaries mo. Kung ito lang ang taong gumahasa sa akin ay hindi na ako papalag baka nga papanagutin ko pa siya rito sa dinadala ko. Mag-iinarte pa ba ako diba? Iyon nga lang hindi ko man lang nakita ang mukha ng taong gumahasa sa akin. Kung gwapo siyempre ipapahanap ko at kapag pangit naman at manginginom lang pala sa kanto ay ipapatay ko sabay suicide na din. Gosh! I can't imagine na ganoon ang nakagalaw sa akin. Damn!

Matapos kong kumain ay naabutan kong pinapakain ni Miguel ang anak niyang si Bubuy. Ang gwapong tatay naman nito! Sayang! Umupo ako sa harap nila at pinanood si Bubuy na masagana namang kumakain. Okay na sana kaso kasama pa sa package ang batang 'to, hindi pa man din ako mahilig sa kanila. Kapag nakikita ko ang anak ni Janine ay madalas kong tinatakot o pinapaiyak kaya naman ang tawag niya sa akin ay Witch. Kung ganoon ay Monster naman sila sa paningin ko kapag nagsimula na silang mag tantrums!

"May morning sickness ka?" umiling lang ako at kumuha ng saging sa lamesa at kinain iyon. Muli ko siyang pinagmasdan. Damn! Siya ang magiging OB ko at iniisip ko palang iyong I.E ay nakikiliti na ang puson ko pababa. Fck hormones! Akala ko si Nathalia lang ang may hormones issue ganoon din pala ako!

"Kagatin mo yung saging hindi yung nakasubo lang sayo." wwhat?! Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan ang saging na hawak ko at parang napapasong inilapag iyon sa lamesa. What the hell is wrong with me?!! Iba ang naisip ko sa saging. Ugh! Nanlalamig ang mga pawis ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon