Chapter 61: The Tournament

111K 5.4K 5.3K
                                    

"Ha? Seryoso ka?" Denise exclaimed. Hindi sya makapaniwalang gusto kong sumali ng tournament.

Tumango ako.

"Pero Shea wala kang kapangyarihan. Are you good at wielding any weapons?"

Umiling ako, "May sasabihin ako sa inyo." tinignan ko silang pareho. "You see, my weapon accessory is missing at nandito ako para hanapin 'yun."

"Eh? So hindi ka dito pumunta para umattend ng festival?"

Umiling ako bilang sagot.

"Bakit naman nawala? You know that weapon accessories are very important, right?" Yashiro's brows furrowed.

"It's a long story." sagot ko.

"And then? May clue ka na ba kung saan ka magsisimulang maghanap?" tanong ni Denise.

"Actually nakita ko na sya." Tinuro ko yung Missy na ngayon ay paalis na.  "Yung grand prize ng tournament nyo, 'yun ang weapon accessory ko."

Napatigil silang dalawa. They paused for a second at tinignan ako sabay biglang tumawa ng malakas. Sabay pa talaga sila. Napatingin pa nga sa amin ang iilang tao.

"Hahaha! OMG Shea di ko alam na kaya mo pala mag joke ng ganyan. Hahaha!"

"Hahaha! Damn, ang ganda mo na nga nakuha mo pa ang humor ko." nakangiting sabi ni Yashiro.

"Nice one girl! You really got us there."

Nagtataka ko naman silang tinignan, "Huh? But I'm telling the truth. That ring is the Sword of Destruction."

"Pft! So you're the Queen of the Underworld?" natatawang tanong ni Denise.

"Oo."

At muli na naman silang tumawa. Naluluha na nga si Denise. Well I can't blame them. Alam ko namang di agad sila maniniwala.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon