Chapter 12: Job hunting

1.4M 40.5K 13K
                                    

HINDI PA RIN mawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Parang nasa ilalim pa rin kami ng tubig ni Jeydon. Unti-unting dumadaloy ang malamig na tubig sa mukha ko. Napagtanto ko na hindi pala 'yon panaginip dahil damang-dama ko 'yong lamig. May nagbuhos ng malamig na tubig sa mukha ko. Napaupo agad ako at pinunasan ang mukha ko. Ang lamig. Pagmulat pa lang ng mata ko siya na 'yong nakita ko at hindi ako nagkamali, siya nga ang may gawa.

"Kuya!" sigaw ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangiti lang siya. "Ang tanda-tanda mo na, hindi ka pa rin nagbabago!"

"Manang, kanina pa kita ginigising pero ayaw mong magising. Tulog mantika ka eh, ayan ang napala mo," nakatawang sabi ni Kuya. Abnormal talaga siya. Sana 'wag magmana sa kaniya si Skie. "Bumaba ka na, nandiyan 'yong fiancée mo." Sinungitan niya pa ako bago siya lumabas ng kuwarto. Pambihira talaga. Ang tanda-tanda na, isip bata pa rin.


"Anong ginawa ni Jeydon dito?" bulong ko sa sarili ko. "Shocks!" sigaw ko no'ng maalala ko na ngayon nga pala kami maghahanap ng trabaho.

Nag-ayos agad ako at bumaba.

"Good morning, baby," bungad sa 'kin ni Jeydon at agad niya akong niyakap. "Kumusta 'yong tulog mo?" tanong niya.

"Masama ang gising ko," sagot ko.

"Gusto mo pagandahin natin? Tara, balik tayo sa kuwarto mo," nakangisi niyang sabi. Hinampas ko siya sa braso niya dahil sa kalokohan niya. Tumawa lang siya. "Ikaw naman kasi, tulog mantika ka. Anong oras na o? Hindi ka pa kumakain."

"Sa labas na lang. Tara na baka ma-late pa tayo."

Nagpaalam kami kina Mama at saka kami dumiretso sa Starbucks para mag-breakfast.

"Saan mo balak mag-apply?" tanong ko kay Jeydon. "May naisip ka na ba?" Dalawang ensaymada na ang nakakain ko. Gutom na gutom yata ako ngayon.

"Mag-aapply akong pre-school teacher diyan sa school malapit sa magiging bahay natin," sagot niya.

Saktong umiinom ako ng kape kaya naibuga ko sa kaniya 'yon. "Magiging bahay natin?" Pinunasan niya ang damit ko at damit niya. Buti na lang hindi halata ang kape. Hindi niya mapigilan na mapangiti.

"Bago matapos ang araw, dadalhin kita roon," aniya. Nakatingin lang ako sa kaniya. "Huhulugan ko pa ang bahay na 'yon pero konti na lang naman at mababayaran ko na 'yon. Alam mo naman na hindi na ako mayaman."

"Jeydon, hindi mo naman kailangan akuin ang lahat. Tutulungan kita sa bahay na 'yon, sa magiging bahay natin."

Naging seryoso ang mukha niya. "Hayaan mong akuin ko lahat. Pangarap kong bahay 'yon at masaya ako na ikaw ang ititira ko doon. Sigurado akong magiging masayang pamilya tayo, Candice." Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko napigilan na maiyak sa tuwa. Lahat ng nangyayari ngayon parang too good to be true.

May ganitong lalaki pa palang nag-eexsist sa mundo?

"Hindi pa man tayo ikinakasal pero alam kong magiging mabuti kang asawa, Jeydon," sabi ko.

Tumayo siya at lumapit sa 'kin. Tiningnan niya ako sa mga mata ko. "I'll be the best husband because I'll have the best wife." Pinahid niya ang luha sa mata ko pagkatapos hinalikan niya ako sa noo ko. "I love you, Candice," bulong niya sa 'kin. "Let's go?" Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya ako papunta sa kotse niya.

"I'll pick you up at three," sabi niya pagdating namin sa building na pag-aaplayan ko. May inabot siya sa 'kin na lunch box. "Baon mo, niluto ko 'yan. Ubusin mo, ha? Pinaghirapan kong lutuin 'yan." Napangiti ako ng sobra. Sobrang sweet niya talaga. Kahit maliit na bagay basta para sa 'kin, nilalagyan niya ng effort.

Hinintay ko 'yong tawag ng secretary pagpasok. Kinakabahan ako. Matatanggap kaya ako? Mismong direktor na raw 'yong mag-iinterview sa 'kin. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong interview. Kung sabagay, editior-in-chief kasi 'yong ina-aplayan ko.

"Ms. Gonzales, you're next," sabi ng secretary. Agad akong tumayo at pumasok sa loob.

Nakatalikod sa 'kin ang director habang nakaupo siya sa upuan niya.

"Three years from now, where do you see yourself?" tanong niya. Medyo pamilyar ang boses niya.

Huminga ako nang malalim. Normal na tanong lang naman 'to eh pero parang kinakabahan ako. Ang lakas ng aura niya.

"I see myself here, dedicated and loyal to the company," seryoso kong sagot.

"Are you sure?"

Unti-unti siyang humarap sa 'kin at literal akong napanganga. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Hindi ba nasa States siya? Bakit siya nandito? Siya na ba talaga ang editor-in-chief ng Cosmos? Paano ang Elle's Magazine? Nalilito pa rin ako.

"Long time no see." Napakalapad ng ngiti niya sa 'kin. Kinuha niya ang resume ko, tiningnan niya 'yon, at napangisi siya. "I think you will understand me if I will not hire you."

Natigilan ako. Hindi ko alam ang isasagot ko pero tama siya. Maiintindihan ko kung hindi niya ako tatanggapin. Minsan ko na siyang tinalikuran kaya alam kong wala na siyang tiwala sa akin. Wala na sigurong dahilan para ipagpilitan ko pa ang sarili ko.

"I understand," tipid kong sabi. "I should leave, Sir Tyler." Kinuha ko ang resume ko at naglakad palabas pero bago pa ako makalayo tinawag niya ulit ko.

"Report to me tomorrow." Napalingon ako sa sinabi niya. "You're hired."

Napanganga na naman ako. Tinanggap ba niya talaga ako? Ang laki ng ngiti ko.

"Thank you," sabi ko.

Tumango lang siya at nagpatuloy sa ginagawa niya. Ang lapad ng ngiti ko. Sobrang saya ko na natanggap akong maging editor-in-chief ng Cosmos Magazine.

Bumusina agad si Jeydon sa 'kin paghinto pa lang ng kotse niya sa harap ko. Pumasok agad ako do'n at dumiretso kami sa isang restaurant para kumain. Mukhang seryoso ang mukha niya. Kanina pa kami kumakain pero ang tahimik niya.

"Kumusta ang interview?" tanong ko. Sana maayos lang. "May problema ba?"

"Wala. I'm sorry for my behavior. Natanggap ako." Tinaasan ko siya ng kilay. Alam ko kapag may hindi siya sinasabi sa 'kin at alam kong may tinatago siya. Hindi na ako nagtanong pa dahil kusa na rin niyang sinabi. "Si Dad kasi, gusto niya na magtrabaho ako sa kimpanya. Siyempre ayoko pero sa ngayon hindi maganda ang kondisyon ng kumpanya at hindi ko naman kayang iwan lang lahat kay Jayshin. Masyado pa siyang bata." Kita ko ang frustration sa mukha niya.

"Aalis na ba roon ang Dad mo?" tanong ko.

"He's sick," tipid niyang sagot. Nag-aalala na tuloy ako sa kaniya. Mukhang hindi na siya okay ngayon. "He has heart disease. I just found out."

Hinawakan ko ang kamay ni Jeydon. "Andito lang ako, Jeydon. Huwag mong isipin na nag-iisa ka. Magiging asawa mo na ako kaya lahat ng problema mo, problema ko na rin." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Kaya natin 'to."

"Kaya mahal na mahal kita. You're simply the best." Lumapit siya sa 'kin pagkatapos hinalikan niya ang noo ko. "Ano nga palang nangyari sa interview mo? Natanggap ka ba?"

"Oo, natanggap din ako."

"Buti naman. Masaya ako para sa 'yo, baby. Lahat na pasukan mo 'wag lang doon sa Tyler na 'yon dahil hindi ako papayag."

Napalunok ako sa sinabi niya. Paano ko pa ba masasabi na si Tyler ulit ang boss ko?

"Tara na," aya niya.

"Saan?" tanong ko.

"Sa magiging bahay natin."

Kinakabahan ako pero at the same time excited. Paano ko sasabihin kay Jeydon ang lahat? At mabuti pa bang sabihin ko?

Bahala na si Doraemon. 

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon