Chapter 19: Her Dream and Ice Confession

16.2K 536 48
                                    

            ***Samara's Pov***

"Malapit na ang digmaan. At sa oras na iyon sisiguraduhin namin na kami ang mananalo!"sabi niyo kasabay ang pagkawala nya.

Bumalik na kami sa classroom namin ng tahimik siguri katulad ko ay malalim din ang iniisip nila. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang prof namin kaya umayos na kami ng upo.

"Nandto ako para sabihin sa inyo personally na cancelled na ang classes for today dahil sa nangyari kanina. You may go. Class dismissed."pagkatapos nyang sabihin yon ay lumabas na sya sa room.

Isa-isa na kaming lumabas naisipan ko na dumiretso muna aa dorm ko. Narinig ko pang tinawag ako ng royalties di ko nalang pinansin.

Pagkating ko sa dorm ko agad akong dumiretso sa kwarto ko para humiga hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Dugo...

Mga bangkay...

Sira-sira ang academy...

Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakahandusay sa sahig. Si Aria na duguan at nakamulat ang mata pero wala ng buhay sa tabi nito ay si na parang pilit inaabot si Aria, nakita ko rin si Light sa hindi kalayuan na may nakatarak sa dibdib na pana,nakasandal naman sa isang si Walter at duguan din,si Sky at Cloud na magkatabing nakahandusay sa sahig,si ice naman ay may espada sa tyan,at panghuli si firen na nakasabit sa puno na may nakatarak din na espada.

Hindi ko na kaya ang nakikita ko hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko gusto kong sumigaw pero walang akong boses na lumalabas. Hanggang sa may narinig akong boses.

"Nagustuhan mo ba? Hahahahaha!"tanong nang taong nasa likod ko. Gusto kong humarap pero pati ang katawan ko ayaw gumalaw.

"Ganyan ang mangyayari sa mga kaibigan mo sa darating na digmaan! Hahahaha!"sabi nya ni hindi manlang ako makasagot.

Wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak. Hindi ko hahayaan na mangyari kahit isakripisyo ko pa ang buhay ko.

Nagising ako ng humihingal narandaman ko rin na parang may malamig na bagay sa pisngi ko. Hinawakan ko ito at luha pala.

Naalala ko ang panaginip ko kanina. Hindi...hindi ko hahayaang mangyari yon!

Bumangon na ako at nagpunta sa banyo para gawin ang morning rituals. Bumaba na ako pagkatapos pero di na ako nagbreakfast dahil nawalan ako ng gana dahil sa panaginip ko.

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now