Chapter 20: The Decision and The 2nd Mission

15.6K 524 3
                                    

        ***Samara's Pov***

"Im not joking around,Sam. I love you!"seryoso nyang sabi.

Ano na naman ba toh?

Grabe bakit ba sunod-sunod silang umaamin. Pagkatapos ng isa meron na naman, hayyyssss! Tama na to magdedesisyon na ako. Marami na masyadong masasaktan.

"Hmm...Ice ano kasi...alam mo naman siguro na hindi lang ikaw yung...yung umamin pero kasi ayaw ko na kayong paasahin,ayaw ko na...na dahil sa akin masira pagkakaibigan. Sana maintindihan mo kung tatanggihan kita. At para hindi unfair kakausapin ko na rin yung iba na itigil na nila yung panliligaw nila."mahabang sabi ko sakanya hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko habang nagsasalita ako. Si Ice naman ay nanatiling tahimik na nakatingin sa akin.

"Ice...sorry...ayaw ko lang na masaktan kayo ng todo kaya sana maintindihan kung ano ang desisyon ko. Sorry!"umiiyak na sabi ko sa kanya. Napayuko na lang ako dahil feeling ko wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Hanggang sa naramdaman ko ang bisig nya na bumalot sa akin. Somehow I felt comfortable.

"Shh...naiintindihan kita. Sayang lang dahil hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na ligawan ka."pag-aalo nya sa akin sinubukan pa nya na magbiro pero alam ko na nasasaktan sya.

Bumalik na kami sa academy dahil baka mapansin pa nila wala kami at baka maparusahan pa kami. Mabutu na lang at natigil aki sa pag-iyak pero halata parin dahil namumula ang ilong at mata ko. Nasa loob na kami ng academy nang makasalubong namin ang mga royalties bakas sa mukha nila ang pag-aalala.

"Sam, saan ka ba nanggaling?"puno ng pag-aalalang tanong ni Light.

"Oo nga! Hinanap ka namin sa buong academy pero wala kayo."sabi naman ni Walter.

"Atsaka bakit kayo magkasama ni Ice?"parang batang tanong ni Sky dahil nakasimangot at nakapout pa hahaha cute.

"Bakit parang galing kayo sa gubat? Anong ginawa nyo don?"tanong naman ni Cloud

"Hep! Hep! Hep! Sandali nga! Paano naman makasagot si Samara sa inyo eh sunod-sunod ang tanong nyo pwede ba isa-isa lang mahina ang kalaban eh."pag-aawat sa kanila ni Aria.

"Oo nga makinig nga kayo sa munchie ko dahil sa inyo nahi-highblood sya eh."sabi naman ni Earl nakita ko naman ang pamumula ni Aria. Hahaha ang sweet nila sa isat-isa.

"Hahahaha ano ba kayo...nagpahangin lang kami  medyo napasarap ang kwentuhan kaya di na namin namalayan ang oras pero guys thank you sa pag-aalala."sabi ko sa kanila.

"Teka Sam,umiyak kaba?"napuna pa rin pala ni Walter kaya medyo kinabahan ako.

"Ah a-ano ka-si...wala lang toh napuwing kasi ako kanina, oo tama napuwing ako hehehe."kinakabahang sabi ko.

"Tsk! Stupid! Lets pack our things for the mission tomorrow."aba buhay pa pala itong firen nato. Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad susunod na rin sana ang royalties ng may maalala ako.

"Sandali!"pagtawag ko sa kanila kaya naman napatigil sila sa paglalakad. Nakita ko namang tumingin sa akin si Ice na parang nagtatanong at alam ko na ang ibig sabihin non kaya naman tumango na lang ako." Light, Walter, Sky, Cloud pwede ko ba kayong maka-usap saglit."sabi ko.

"Ay sila lang! Ako Sam di mo ba ako kakausapin. Ako ang unang naging kaibigan mo ah!"nagtatampong sabi ni Aria kaya napatawa na lang ako. Nagunahan namang lumapit sa akin ang apat na parang batang nag-uunahan.

"Pasensya na Aria ah...kailangan ko kasi silang makausap eh!"tumango na lang ito at nagsimula na ulit silang maglakad palayo. Hinarap ko naman ang na ngayon naman ay nagbabangayan na.

"Tara sa garden!"sabi ko sa kanila at nagsimula ng maglakad.

Pagkarating namin sa garden ay agad ko naman silang hinarap bakas sa mukha nilang apat ang kaba.

"Ah Sam, bakit nga pala gusto mo kaming maka-usap."tanong ni Light,hayy sa kanila talagang apat si light ang pinakamatino.

"Ahm...ito na ba yung portion na pipili ka na sa amin hahaha sigurado ako na ako ang pipiliin mo hahahaha!"nang mapansun ni Walter na dya lang mag-isa ang tumatawa tumigil ito at agad umayos ng tayo.

"Hmm...bakit mo kami gustong makausap."napansin ko ang pagiging seryoso ni Cloud. Si Sky naman ay tahimik lang na nakatingin. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Hmm...kasi...kasi gusto ko na tumigil kayo sa panliligaw sa akin"diretsang sabi ko at nakita ko naman ang pagkabigla nila.

"Sabi ko na eh! Gusto mong tumigil ba kami sa panliligaw dahil may napili ka na hahaha"sabi ni Walter.

"Hindi! Gusto ko na tumigil na kayo sa panliligaw sa akin dahil ayaw ko na kayong paasahin pa at ayaw ko na mas lalo kayong masaktan ng dahil sa akin."sabi ko ayan naman ang mga luha ko gusto na namang tumulo

"Ano ba yang sinasabi mo,Sam? Handa naman akong maghintay kahit kailan eh"sabi ni Sky

"Sorry...sorry talaga dahil pinatagal ko pa kaya nga ngayon sinasabi ko na dahil ayaw ko na kayong masaktan,ayaw ko rin na masira ang pagkakaibigan nyo ng dahil sa akin. Sorry talaga! Sana maintindihan nyo."sabi ko sa kanila habang umiiyak na naman. Lumapit naman sila sa akin at niyakap ako.

"Naiintindihan ka namin. Pero kahit ganon pwede parin naman tayong maging magkaibigan dba."sabi ni Light. Humiwalay ako sa yakap nila at masayang tumango.

"Oo naman!"masayang sabi ko.

Sabay-sabay kaming bumalik sa kanya-kanya naming dorm inimpake ko na ang dadalhin ko bukas para sa mortal world. Pagkatapos ay nahiga na ako. Hayy so much for this day.

.
.
.
.
.
.
.
.

Alas dos ng madaling araw ng magising ako. Agad akong bumangon para makaligo na at makapaghanda.

Pagkatapos kong gawin lahat ng dapat gawin ay lumabas na ako sa dorm para pumunta sa lugar kung saan kami nagkita noong unang misyon.

Pagkarating ko doon ay kumpleto na pala ang lahat ako na lang ang hinihintay. Nandto na rin pala si tanda(headmaster)

"Sorry nahuli ng dating hehehe"sabi ko sa kanila.

"No! Its ok you are just in time!"sagot ni tanda. Ngumiti na lang ako sa kanya.

Tumalikod sa amin si tanda at nagcast ng spell pagkatapos nyang magcast ay bumukas ang isang portal. Isa-isa na kaming nagpaalam kay hm at pumasok na sa portal.

Nakaramdam ako ng konting hilo kaya naman pinikit ko na lang ang mga mata ko. Pagkaraan ng ilang minuto dumampi sa balat ko ang isang pamilyar na atmospera kaya naman iminulat ko na ang mgga mata ko.

Sa wakas nandto na ako sa mortal world!

......

PLS.

VOTE

AND

COMMENT

THANK YOU!!


The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now