Chapter 9 - Balinguyngoy

10.9K 474 341
                                    

Eros

"Wag magkakalat ng damit," sabi ko kay Zach. Nakahiga na kaming dalawa sa kama. Ang mga gamit nyang dala ay hindi na naasikaso dahil nagpraktis muna kami kanina sa mga panibago naming role; ako bilang si Simion at sya bilang si Mario. "Lalo na brief–brief na gamit na."

     "Okay," sambit ni Zach. Kanina pa ako naglalatag ng mga rules ko sa pagsama nya sa akin. Lahat ng ito ay sinasagot lang nya ng 'okay' o 'oo' kaya nagdududa ako na namememorya nya.

     "Walang gamitan ng gamit ng iba," sabi ko. "Lalo na brief at toothbrush."

     "Oo," tugon muli ni Zach.

     "Hindi ka gagawa ng kabalbalan kahit na anong oras," dagdag ko sa listahan.

     Doon sya napalingon sa akin. Dumapa si Zach sa kama, ang siko ay nakatuon upang umangat sya nang bahagya. "Kabalbalan?"

     Binigay ko sa kanya ang alam-mo-na na tingin.

     "Ahh," sabi ni Zach nung makuha ang ibig kong sabihin. "Sige, kapag wala ka na lang at mag-isa ako."

     "Hindi," sabi ko kaagad. Inunan ko ang dalawa kong kamay. "Nandito man ako o wala, hindi."

     Sinimangutan nya ako. "Hello, si Maslow na mismo ang nagsabi na isa yun sa basic needs."

     "Sex yun," pagtatama ko.

     "So, kapag sex okay lang sayo, pero yung alternative, hindi?"

     Napabangon na ako nang tuluyan. "Lalong hindi," pagbibigay ko ng diin. "Ayaw kong kapag wala ako magdadala ka ng babae dito tapos maririnig ko ang ingay nyo mula sa labas o madatnan ko kayo o kung hindi ko man kayo maabutan ay mag-amoy ang kwarto ko ng ginawa nyo." Aalma pa sana sya nung sundan ko ulit ang litanya ko, "Kung gusto mo sa ibang lugar na lang kayo o wag ka na dito."

     "Hmp," pagbuga nya ng hangin sa ilong, "daming bawal. Yung alternative na lang ang gagawin ko habang naliligo. At," dagdag nya kaagad, "wala ka nang magagawa dahil hindi mo malalaman."

     Bastos talaga nito.

     "Obviously, dito ka na rin kakain kung hindi ka kakain sa labas o magpapa-deliver." Tumango si Zach. "Kaya hati na tayo sa gastos sa pagkain: tubig, bigas, de lata, hotdog—"

     "Pati hotdog? Eh, ikaw lang naman may gusto nyan," reklamo nya.

     "Wag kang kakain ng hotdog ko kapag wala kang ulam, ha," banta ko sa kanya. "Kapag kumain ka, fifteen pesos kada isa."

     "Fifteen?!" gulat nyang tanong. "Ang mahal naman ng hotdog mo!"

     "Hoy, jumbo ang hotdog ko," sagot ko.

     "Eee, parang di naman," asar nya.

     Ulol to, ah. Parang hindi pa nakakain ng hotdog ko nung nakaraan, eh, nakadalawa nga sya. "Nakalimutan mo na kaagad? Tignan mo kaya," gigil kong utos kay Zach.

     "Eros naman, di na mabiro. Tanda ko, syempre. Di ko na kailangang tignan ulit, alam kong jumbo ang hotdog mo," sabi nya na may nakakalokong ngiti.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon