CHAPTER 8

549 6 4
                                    

ANGEL ON FIRE

by rj Nuevas

CHAPTER EIGHT

Nakakahiya!

            Hindi siya nakapagtrim! Bakit hindi siya nakinig kay Cathy? Totoo pala ang sinabi nito na importante sa mga lalaki ang malinis down there. Yung walang buhok. Parang bata.

            Mabilis niyang dinampot ang mga damit niya.

            “Hey,” sabi ni Bed. “What’s the matter?”

            Paano niya ipapaliwanag na nahihiya siya dahil hindi siya nakapagtrim ng pubig hair? Gusto niyang maglaho. Lamunin ng lupa. Magtago. Pero saan siya magtatago? Alangan namang sa harap ni Bed siya magsuot ng panty at bra, ng kanyang uniform?

            Pero saan siya pupunta? Sa bedroom? Sa comfort room?

            Mabilis siyang tumakbo sa comfort room sa kitchen area ng penthouse. Hawak sa kanyang harapan ang mga damit, hoping na kahit paano’y maisalba niyon ang kanyang kahihiyan.

            Nagkulong siya sa comfort room. Ini-lock niya ang pinto. Saka dali-daling nagbihis. Nagsuot ng panty. Ng bra. Ng palda. Ng blouse.

            Habang sa labas ng pinto ay kumakatok si Bed. “Hey, what’s the matter? Tell me.”   

            Pero hindi niya ito sinagot. Tumingin lang siya sa salamin. Nabakas niya sa mukha ang matinding kahihiyang nararamdaman.

            Paano siya ngayon nito lalabas?

            Tumigil sa pagkatok si Bed.

            Noon niya binuksan ang pinto. Nasa labas si Bed, nakahalukipkip.

            Ni hindi niya makuhang tumingin dito. Lumabas siya ng comfort room at nilagpasan niya ang lalaki.

            Pero humarang ito sa kanya. “What did I do wrong?”

            “Nothing, sir. Nothing,” mahina at nanginginig ang boses na sagot niya, hindi pa rin niya makuhang tumingin sa lalaki. Saka niya binilisan ang paglakad palayo. Palabas ng penthouse.

            Hindi na siya sinundan ni Bed.

            Isinara niya ang pinto ng penthouse paglabas niya. Halos patakbo niyang tinungo ang elevator. Panay ang pindot niya sa buttons pero nakita niya na nanggaling pa sa ground floor ang elevator.

            Bilis! Bilis! bulong niya sa sarili niya.

            Pero ano’ng ikinakatakot niya? Hindi naman siya sinundan ni Bed.

            Bumukas ang elevator. Pumasok siya. Nagmamadali niyang pinindot ang close button. Sumara ang elevator door. Nag-iisa siya sa elevator. Pero feeling niya, may kasama siya.

            Ang kanyang pagkapahiya.

Sinarili niya ang kahihiyang iyon. Hindi niya sinabi kay Erich na napansin ang kanyang pamumutla nang bumalik siya sa Housekeeping; hindi rin kay Ma’am Rose na napansin ang ilang beses niyang pagkakamali sa pag-aasikaso sa mga guests sa front desk; hindi rin kay Cathy na sigurado niya ay pagtatawanan lang siya.

            Pero laging nakadikit sa isip niya ang expression sa mukha ni Bed nang makita ang kanyang pubic hair. Ang malago niyang pubic hair. Ang pagkagulat. Ang amusement. Ang pandidiri?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANGEL ON FIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon