Chapter 11 - S. A.

10.5K 475 112
                                    

Eros

"Salamat," sabi ko kay Chris nung makumpleto ang pagpapasa nya sa akin ng series. Nasa may hallway kami, naglalakad palabas ng building upang umuwi.

     Hindi sumagot si Chris. Binalik lang nya ang cellphone sa bulsa at tahimik na naglakad. Simula kaninang umaga pa malayo ang loob nya sa akin. Kahit na balik na ulit sa dati: kapag kasama namin si Zach sa klase sa ibang row sya nakaupo at sa tabi ko si Chris. At dahil dun mas naramdaman ko ang tampo nya buhat ng nangyari kahapon.

     Hindi sya ang nagsisimula ng usapan. Isang tanong, isang sagot sa akin. Hindi sumabay nung lunch.

     Para sa akin maliit na bagay lang naman yung pag-urong ko sa pagpunta sa kanila; una, biglaan iyon at; pangalawa, dahil sa akala kong emergency ni Zach. Ngunit mukhang para kay Chris ay hindi.

     Na naintindihan ko naman. Kilala ko si Chris, ayaw nya sa pabago-bago. Pero magkaibigan kami, may sitwasyon kahapon, hindi ba nya maintindihan yun?

     Ganun pa man, may kasalanan pa rin ako kaya gagawin ko ang parte ko bilang kaibigan. "Kain muna tayo," aya ko kay Chris.

     "Busog pa ako," pagtanggi nya.

     "Okay," tugon ko. "Uwi na lang tayo."

     "Hindi, mauna ka na," sabi ni Chris. "Hinihintay ko lang sila Joel, magdo-dota kami."

     "Chris," sambit ko sa pangalan nya.

     "Ano?" painosente nyang tanong.

     Biglang may bumunggo sa balikat ko. "Tara na?" tanong ni Zach.

     "Dito na ako," biglang paalam ni Chris at naglakad sa ibang direksyon. "Bye."

     "Bakit naghahanap ka pa ng ibang kasabay, eh, tayo dapat ang magkasabay," sabi ni Zach. "Iisang bahay lang naman inuuwian natin."

     Hindi ko alam kung hindi nya nararamdaman na badtrip pa ako sa kanya dahil sa ginawa nya kahapon o nananadya lang talaga sya. "Umuwi ka mag-isa," asar kong sagot kay Zach bago lumiko sa hallway papunta sa Medical Building.

     "Ano? Teka," pag-alma ni Zach ngunit nanatili lang syang nakatayo sa kinaroroonan nya. "Wala akong susi!" Naglingunan ang ibang estudyante sa paligid sa pagsigaw nya.

     Dinukot ko sa bulsa ang susi ko. Hinarap ko si Zach sandali bago ito binato sa kanya. Napalakas ang hagis ko dahil hindi nya ito nasalo at napangiwi nung tumama ang bungkos ng susi sa kanyang dibdib.

     Wala syang sinabi kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palayo.

* * *

     "Bwiset," bulong ko nung muling matigil ang palabas na pinapanood dahil sa pagpasok ng mensahe ni Zach.

     Lumitaw sa itaas ng screen ang 'Asungot' at ang tanong nya kung nasaan ako; ikasampung text na wala akong balak sagutin.

     Hindi pa ba obvious na ayaw kong ipaalam sa kanya? Ayaw ko pa ring umuwi kasi ayaw ko pa syang makasama, siguradong hindi ako makakatutok sa palabas kapag nasa paligid si Zach. At kung sakali man na hindi pa rin sya umuuwi at hinahanap pa ako, may isang lugar na siguradong hindi nya babalaking puntahan.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon