CHAPTER 186

2.4M 57.5K 88.6K
                                    

MAX'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAX'S POV

Sa dami ng kanta...ito talaga? Tss.

Emosyonal na kinanta iyon ni Sensui sa harap ko habang isinasayaw ako. Nahihiya ako pero hindi ko maiwasang matawa at ilingan ang mariin niyang pagkanta. Hindi ko maipaliwanag ang bagay na 'yon na sumisibol sa dibdib ko. Pinaulit-ulit niya ang huling linya hanggang sa matapos ang kanta.

Kahit lumalabas ang kaabnuyan niya ay gwapo pa ring talaga siya. Tsk.

Nanatiling nakayakap sa kaniya ang parehong braso ko habang siya ay nakaalalay sa bewang ko.

Natinag ako sa malakas na palakpakan at hiyawan sa paligid. Totoong napukaw niya ang buong atensyon ko at nawala ang lahat ng tao sa paningin ko. Siya lang ang natira.

"Tapos na ang kanta, pwede ka nang himatayin sa kilig." Bigay na bigay na aniya, maaksyon at talaga namang labas ang gilagid sa pagkakasabi habang habol ang hininga. "Ang sweet-sweet ko, 'di ba, baby babe?"

Nabura ang ngiti sa labi ko, napalitan ng pagtataka. Baby...babe? Tss.

Nag-iwas ako ng tingin. Ayaw kong pagtawanan ang kakornihan niya. Mas ayaw kong sirain ang sorpresa niya, siya ang higit na natuwa ro'n.

Umiiling akong nag-iwas ng tingin, at muling natigilan matapos masulyapan si Eerah Anitha.

Ang lakas naman ng pang-amoy nito? Ano ang... Natigilan ako nang makitang kasama nito si Lovemir. Nagtama ang paningin namin. Mukhang hindi niya rin inaasahang makikita kami.

Sinulyapan ko si Eerah Anitha na hindi na yata inalis ang paningin kay Sensui.

Mapaglaro ang pagkakataon. Tsk tsk. At kami ang pinaglalaruan.

"Baby babe?" pagtawag ni Sensui. Nilingon ko siya. "Ang normal na babae ay kinikilig matapos kantahan ng gwapo nilang boyfriend," aniya na nakangisi, tumatangu-tango pa.

"Dinala naman kita dito kaya kwits na tayo," ang tanging naisagot ko, parang nawala ako sa mood.

"Tch! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, Taguro. Nanunumbat ka na naman," asik niya.

Hindi ako nakasagot. Nawala na sa pagiging isip-bata niya ang atensyon ko at natuon 'yon kina Eerah Anitha at Lovemir.

"May bisita ka," pabulong kong sinabi pero dinig niya.

"Ha?" takang tugon niya.

Hindi na ako sumagot. Inginuso ko ang gawi ng mag-asawa. At gaya nang inaasahan ko ay nagulat siya, kunot-noong ipinagtaka ang presensya ng dalawa.

Nang lingunin ko ang mag-asawa ay pareho na silang papalapit sa gawi namin.

Napailing ako at sinulyapan ang mga taong kanina'y masayang nakikikanta kay Sensui. Nakangiti kong tinanguan ang mga ito. Isa-isa silang nagsipagbalikan sa pagiging abala.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon