Maldita 19

1.4K 39 2
                                    

Hindi ko na napigilan at tuluyan ko na siyang niyakap.

Akala ko ay yayakapin niya ako pabalik ngunit nabigo ako.

"Stop!" Tapos ay tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Liah! Marami akong sasabihin sayo... Makinig ka muna..." Nakahawak ako sa kanyang dalawang kamay na nanlalamig.

"I don't need your fucking explanation.." Matigas niyang sabi.

"Please..  Liah... Ano ganon na lang ba y-yon? Itatapon mo na lang ba lahat ha?!" Galit kong sabi. Bakit pakiramdam ko ako lang ang lumalaban. Bakit pakiramdam ko ayaw na niya.

"Y-yes Rb. Ganon na lang yon." Walang emosyong sabi niya.

"N-no!!! Baby nabibigla ka lang sa desisyon mo!! Diba walang iwanan?" Sabay hawak ko sa braso niya.

"Rb! Walang tayo!!" Sigaw niya.

"Walang tayo? Pero paano yung mga nangyari sa atin?"

Nagulat ako ng sumigaw siya. "Shut the fuck up!! Wala lang yon!! Nag-enjoy ka rin naman diba?! Wag kang mag-alala nag-enjoy din ako, pero sana next time galingan mo!" Shit. Ano yung sinasabi niya? Na wala lang lahat ng nangyari sa amin?! Wth!

"Wow! Sabi mo mahal mo ako? Tapos kunwari lang pala yon? Sana ininform mo na laro-laro lang pala to! Kasi Liah! Sineryoso ko eh!"

"Wala ka na bang sasabihin? Tapos ka na ba? Marami pa akong gagawin!"

"Bakit hindi mo man lang ako sinipot kagabi?! Hanap ako ng hanap sayo, tapos hindi mo pa sinasagot yung mga tawag ko!" Sabi ko sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"Bitiwan mo nga ako!" Pinilit niyang kumawala sa pagkakayakap ko pero hindi siya nagtagumpay.

"Please L-liah... I don't give up on you... So don't you dare give up on me!"

"I hate you! You only want from me is my money huh?"

"No Baby.. H-hindi mo kasi maiintindihan. Kaya ipapaintindi k-ko." Nakayakap pa rin ako sa kanya kahit nakatalikod siya.

"No Rb.. Sinabi na sa akin ni Mommy ang lahat pati si Leira! Diba kaya mo lang ako niligawan kase gusto mo akong tumino, para lang naman sa pera diba?!"

"N-no!! Hindi yan totoo! Minahal kita kasi mahal talaga kita!!"

"Liar!! Sa totoo lang hindi naman kita minahal e! Kung nag-enjoy ka sa panloloko sa akin, pwes nag-enjoy din ako.. quits lang tayo!" Habang nariririnig ko ang mga sinasabi niya ay nanghihina ang katawan ko at bibigay na. Yun ang dahilan para makawala siya sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Thats not true! We love each other! Hindi naman kasi tayo magkakaganito kundi dahil sa parents mong mga pakielamera!!"

"Wala akong pake!! At sinabi sa akin ni Leira na may relasyon daw kayo?!! Wow ang galing mo naman napikot mo yung tangang yun?"

Wth! Ano ba yung sinasabi ni Leora kay Liah! Akala ko ba?! Fvck. Sirang sira na ako!

"Sht! Liah ikaw lang ang minahal ko! At yung sinasabi ni Leira, hindi yun totoo.. Wala kaming relasyon.. sayo lang ako diba?.. Pero bakit pakiramdam ko ipinapamigay mo na ako?" Hindi ko na rin napigilan, at tumulo na ang mga taksil kong luha.

Agad naman siyang natameme at nag-iisip ng isasagot.

"W-wala na Rb. Tapos na tayo!" Kasabay non ang pagtalikod niya.

Hahabulin ko sana siya ng pigilan ako ng mga punyetang guards niya!!

"Shit! Papasukin nyo ko!! Mga puta kayo... bitiwan niyo ko!!"

At binitiwan nila ako at yun naman ang dahilan para matumba ako.

Wala na she gave on me. How nice.

Ganito na lang ba kadali yon?

Bakit ganon? Ginawa ko naman ang lahat ah! May kulang pa ba?

Hindi man lang niya ako pinag-explain.

Ang galing nga eh! Kasi ako lang yung nasasaktan, samntalang siya wala lang pala. Akalain niyo yun? Lokohan lang pala.

Nang sumapit ang gabi ay hindi pa rin  ako umaalis sa tabi ng bahay nila.

Nag babakasakali ako na baka labasin niya ako.

Pero pagminamalas ka nga naman, biglang umulan ng malakas.

Aalis pa ba ako? E nanditi na eh.

Nilalamig na ako ng dahil sa ulan pero eto iniintay ko pa rin siya na labasin ako.

**

Nagising ako sa isang malabot na kama.

Napatingin ako sa gilid ko. At doon ay nakita ko si Mat na kumakain ng apple.

"Buti na lang kuya gumising kana.. Akala ko iiwan mo na ako eh"Ay halong pagtatampo sa kanyang boses.

Hinawakan ko na lang ang kanyang buhok at ginulo.

"Oo nga pala kuya... Nandito si Ate Andrea.. Siya yung nagdala sayo.."

Andrea? Wala akong maalala.

"Oh hi Rb! Buti gising ka na!" Agad namang lumapit sa akin yung andrea.

"Siguro nagtataka ka kung sino ako. Well I'm Andrea, Pinsan mo ako. At sa wakas nahanap ko na rin kayo.."

"Ah... S-salamat pala sa pagdala sa akin dito..."

"Nako wala yon.. Uhmm ano kasi eh, may Offer ako sayo.. Since maganda naman yung pangangatawan mo at mat potential ka na maging model ng bench.. Uhmmm may i-ooffer ako sayo about this job.." Job? Tama kailangan ko ng trabaho.

"Eh tungkol saan naman yon?"

"Magmomodel ka lang ng mga shirts, boxers ganon.. Simple lang naman. Tapos kikita ka ng pera. Sabihin natin na 100k per month."

"Sigesige.. eh kailan ba?" Oo tama tatanggapin ko.

"Uhmmm.. Next week na kasi eh. At saka hindi sa pilipinas gagawin, sa Paris kasi eh.." Napakamot siya sa ulo.

"A-ay wag na lang pala.. Wala naman kasi akong pambayad ng ticket para pumunta ng Paris.." Pero nanghihinayang naman ako.

"Don't worry sagot na nila yung pamasahe mo pati yung hotels na tutuluyan mo.. Uhmmm pag tinanggap mo may 2yrs contract ka sa bench, at pagkatapos nun ay makakauwi kana sa pinas. At take note! Pwede ka ng mag model sa pinas, once na nakapag model ka sa paris.. So ano?"

Nagisip ako ng mabuti at napagpasyahan na-um-oo na lang.

Besides kailangan kong mag-move on kay Liah. The who breaks my heart.

"Sige payag na ako..." At sinignan ko na ang Contract.

LIAH ANG DAKILANG SENYORAWhere stories live. Discover now