Volume 2 CH 34: Untold Truth

1.5K 35 2
                                    

Raven's Pov

Pagkatapos kong kumain at matapos akong ayusan ng mga dama ay dinala ako nito sa isang mas malaking kwarto kung saan may isang malaki at mahabang mesa na may sampong silya ata. At sa dulo non ay ang reyna.

Kumakain ito ngunit napatigil ng mapansin ang presensya ko. Dahil dun ay nagkatinginan kami at agad syang ngumiti sakin kaya ginatihan ko naman ito.

'Maupo ka Raven' yaya nito sakin kaya agad ako lumapit dito at umupo sa kaliwang bahagi ng lamesa.

Pansin ko na maraming nakahain na pagkain sa hapag ngunit iisa lang naman ang kumakain. Maraming tanong sa aking isipan na gustong magkasagot. Tulad ng bakit ako nandito? Bakit kaelangan kong magsuot ng isang magarbong damit? At bakit wala dito sina Silver, Zack at Ashton.

'Kung gusto mo ay pede ka pang kumain' alok nito sakin ngunit tinanggihan ko ito. Dahil marami ng hinain sakin kanina.

'Mahal na Reyna nasaan ang mga kasama ko? Bakit pinagbabawal ako ng mga dama na puntahan sila' tanong ko at dahil dun ay tinigilan nya ang kanyang pagkain at nagpunas ng kanyang bibig.

'Bagay na bagay sayo ang iyong suot. Pawang pinanganak ka para magsuot nan' pagiiba nito ng usapan sabay ngiti sakin. Kaya napakunot ang noo ko.

'Kamusta ang pagkain na inain sa iyo? Nagustohan mo ba?' tanong nito na parang di naririnig ang aking tanong.

'Mahal na reyna pakiusap gusto kong makita ang mga kasama ko. Nagaalala na ko sa kanilang lagay' ani ko na bahagyang mas malakas kesa kanina. At napansin ko na biglang naglaho ang matamis na ngiti ng reyna.

'Wag kang magalala Raven maayos ang lagay nila. Mayamaya lang ay dadating na ang susundo sa kanila para maihatid na sila sa kanilang tirahan' sagot nito. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero di parin mawala ang alinglangan ko dahil nagtataka ako sa mga kinikilos ng mga tao dito.

'Makakauwi na kami? Maraming salamat Mahal na reyna' sambit ko. Hindi na kasi ako makapaghintay na makauwi sa arzena at makita muli si kiera. Nakakasiguro akong nagaalala na ito ng hosto sakin.

'Sa kasamaang palad Raven sila lang ang makakauwi sa Arzena kingdom. Sila lang ang hahayaan kong makauwi' sabi nito kaya nagsalubong ang dalawang kilay ko.

Napansin kong dahan dahan itong tumayo sa pagkakaupo nya at naglakad papunta sa kinauupuan ko. Kaya ako naman ay hinanda ang sarili ko para sa mga mangyayari.

'A-anong ibig nyong sabihin?'

Kanina pa ko nakakaramdam ng kakaiba sa trato nila sakin at lalo pa kong nagalala ng husto ng pinagbawalan nila akong makita sina Silver.

'Ang ibig kong sabihin ay mananatili ka dito sa kaharian ko. At kapalit nun ay makakauwi ng ligtas ang mga kasama mo' ani nito na may halong pagbabanta. At dahil dun nanlaki ang mga mata ko at napakuyom ako ng aking kamao.

'Hindi ka bagay sa lugar na yun Raven. Dito ka nababagay, sa lugar na magagamit mo ang totoo mong lakas at mabubuhay ka bilang kung sino ka talaga' dagdag pa nito. Sabay hawak sa sandalan ng aking upuan.

Sa hindi ko maintindihan na dahilan ay hindi ko makilos ang katawan ko. Sumisigaw na ang utak ko na kaelangan ko mg tumakbo paalis sa kwartong ito ngunit hindi sumusunod ang sarili kong katawan.

'Nasa sa iyong desisyon ang kaligtasan ng iyong mga kasama Raven' ani nito. At naramdaman ko na inilapit nito ang bibig nya sa aking tenga.

'Or must better if i address you with your true name. Arlea Venice Luxer' bulong nito na nagpagulat sakin ng husto. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na muli kong marinig ang ngalan na yun.

'H-Hindi ko maotindihan. H-hindi ako si Arlea, a-ako si Raven!' bulalas ko sabay tayo at tulak sa kanyang palayo. Ngunit narinig k0 lang itong tumawa ng bahagya habang pinapagpagan ang kanyang magarbong damit.


'Inaasahan ko ng hindi ka maniniwala sakin. Pero base sa reaction mo mukha di lang ako ang tumawag sayo gamit ang nangalan na yun. Tama ba ko?' ani nito at dahil dun na alala ko nung tinagaw din ako ng ilang beses ni Silver bilang Arlea. At muli ring bumali sa balintataw ko si Crow na pinagpipilitan na ako si Arlea.

' Arlea Is the daughter of the late king Aragon and late queen Ariella. The hidden princess of Arzena kingdom.' paliwanag nito.

Anak ng dating hari at reyna ng Arzena ang tinatawag nila Arlea? Ibig sabihin totoo ang usap usapan na nagkaron nga ng anak ang magasawang luxer at itinago lang nila ito.

Ngunit hindi ako ang Arlea na yun. Nakakasiguro ako di ako yun dahil hindi ako galing sa pamilyang mataas na dugo. Kungdi galing ako sa pinaka mahirap na bayan ng Kaharian,ang Belmoor City.

'Hindi ako ang tinutukoy nyo. Kaya kung pede sabihin nyo na kung nasaan ang mga kasama ko' ani ko ngunit narinig ko lang itong pumalatak.

'Hinding hindi ako magkakamali Arlea. Ikaw ang iniingat-ingatang anak nina Aragon at Ariella at ang Cresent moon na nasa likod mo ang magpapatunay na tama ako' sagot nito at dahil dun naalala ko ang markang yun sa aking likod.

'Hindi totoo yan! Hindi ako si Arlea, ako si Raven na galing sa Belmoor. Impossibleng ako ang tinutukoy mo dahil lumaki ako sa hirap' pagtatangi ko.

Gulong gulo na kasi ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba sya o hindi.

'Talagang lumaki ka sa bayan na iyon dahil dun ka tinago nina Erinna at Cedric. Ang dalawang sundalong pinagkatiwalan ng iyong totoong ina para ilayo ka sa kaharian'

Iyun ang mga pangalan ng aking ina at ama. Na pinatay ng mga hindi ko kilalang lalaki na may sandata.

'Matapos kasing malaman ng mga kalaban ng mga magulang mo na nabuhay ka ay dun nagsimula ang sigalot sa kaharian ng Arzena. Kinailangan tanggalin ng iyong ina ang iyong alaala para mabuhay ka. At yun ang kung bakit litong lito ka' paliwanag ulit nito.

At dahil sa narinig ko ay nanlambot ang mga tuhod ko. Halo halo na ang mga tanong at agam agam sa aking isipan. Gusto Kong takpan ang aking mga tenga dahil ayoko ng marinig ang mga sinasabi nya ngunit di ko magawa dahil biglang nawala ang lakas sa aking katawan.

Tuluyan na kong nabato sa aking kinatatayuan. Nanunuyot ang aking lalamunan at dahil dun ay di ko magawang magsalita kahit naisin ko.

'Alam kong di ka parin kombinsido Arlea. Pero maari kong ibalik ang mga nawala mong alaala kung iyong nanais. At dun ay tuluyan ka ng malilinawan' rinig kong ani nito kaya napatingin ako dito.

'H-hindi, hindi a-ako si Arlea k-kaya iuuwi na ko.' nauutal kong sagot ngunit bago pa ko makalayo ay naramdaman ko ng nasa likod ko muli ang Reyna at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

'Sshhh, don't worry di mawawala si Raven na kilala ng mga kasama mo. Papalitan lang natin sya ng ibang taong willing mabuhay bilang sya. At ikaw naman ay mabubuhay bilang kung sino ka talaga' bulong nito sakin.

'Hindi ba mas maganda kung ganon'Sabay tawa nito.

Xxx

Legal wife ni Kim taehyung V

Super mega sorry guys sa napaka late na UD. Naging busy kasi ako sa paghahanap ng work. Lam nyo naman need din kumayod ng lola gurl nyo para may pangbuhay ako kay bebe Taehyung ko. Pero sana magustohan nyo ang nagawa ko. Labyu 🎉 😊

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon