Volume 2 CH 35: Reflection

1.4K 39 4
                                    

Raven's Pov

Hindi ko alam kung pano ako magrereact o sasagot sa mga sinabi nya. Yun mga sinabi nya sakin na nagsinungaling sakin ang aking mga yumaong magulang ay hindi ko masalungat dahil halos lang ng sinabi nya at alam nya tungkol sakin ay totoo.

'My dear Arlea bakit di ka magsalita? Natahi tahi mo na ba ang lahat ng mga sinabi ko?' salita ulit nito ngunit kahit gustong gusto kong magsalita ay pawang umurong ata ang dila ko.

'Silence means yes, so ipapakilala ko na sayo ang bagong Raven Martell'

Gustong gusto ko ng tumakbo o itulak sya sa harapan ko para mapuntahan ang mga kasama ko ngunit maski katawan ko ay ayaw sumunog sa dinidikta ng aking isip.

Maski ang luha ko ay ayaw tumulo dahil sa pagkagulat. Nalilito na ko sa mga nangyayari at pati ang sarili kong paniniwala ay pinagdadalawang isip ko na.

'Madeline come out my dear' ani nito kaya bigla akong mapatingin sa pinto ng biglang niluwa nito ang isang babaeng kamukhang kamukha ko at suot pa ang aking mga damit.

Naglakad ito papalapit sa Reyna at binunggo pa ko kaya muntikan na kong matumba. Pero dahil dun ay nagising ako sa realidad at dun ay naramdaman ko ulit ang aking katawan.

'Arlea meet Madeline or better to say the new Raven. Sya ang uuwi kasama ang mga kasama mo at mabubuhay bilang ikaw sa mata ng mga tao' rinig kong ani ng reyna sabay hawak sa magkabilang balikat nun babaeng kahawig na kahawig ko.

Ngumiti ito ng kakaiba sakin sabay sinalubungan ako ng kanyang kilay.

'D-di ako papayag sa plano mo! At di ako naniniwala sa mga kasinungalingan mo!' bulalas ko pero bigla akong napatigil ng biglang tumawa ng malakas ang reyna.

'Sa tingin mo ba may choice ka pa dito. Mistulan puppet na lang kita Arlea. Whenever you like it or not i will use your power and you will do whatever i say' sabi nito sabay turo nya sakin gamit ang kaliwang kamay nya.

Ngunit nung nagtagpo ang mga mata namin ay bigla akong napahiyaw ng malakas ng maradaman ko na parang kumukulo ang dugo ko sa loob ng aking katawan. Napahawak ako sa aking ulo at sabay na napaupo dahil di ko na maexplain ang nangayayari sa katawan ko.

Parang unting unting hinihigop kung saan ang dugo ko gustohin ko man gamitin ang kapangyarihan ko Ngunit di ko manlang kayang tumayo o magisip dahil puro hiyaw na lang lumalabas sa bibig ko.

'Stop resisting Arlea wala ka narin naman magagawa dahil hawak na kita sa leeg' rinig kong sabi nito pero pilit kong bumabangon para mqkaalis sa lugar na ito. Ngunit wala ng lakas ang aking katawan dahil sa kung anoman ang ginagawa nya.

'H-hindi h-hin-di ako p-papa-yag' ani ko. Ngunit parang di naman nila ito narinig.

Nagsisimula na kong mahirapan huminga at hindi ko maitindihan ang nangyayari sa katawan ko. Parang gusto kong sumuka ng dugo at parang sasabog ang ulo ko sa sakit.

'Queen can I go to Zack now?' rinig kong ani nung kamukha ko. Nakalupasay na ko sa sahig Ngunit sinusubukan ko parin abutin ang mga paa nila para pigilan ito.

'You can go Mad este Raven. Enjoy your new life'

Pagkatapos ng ilang minutong paghiyaw ko at pagsubok pigilan sila  ay di na kinayanan ng katawan ko ang sakit, tuluyan na kong bumigay nilamon na ko ng kadiliman.

'Just sleep for now my precious puppet'

XXX

Nagising ako ng nakaramdam ako ng kakaibang lamig. Pagkamulat ng aking mata ay wala na ko sa dating silid na pinuntahan ko. Pansin ko na ibang kwarto na ito ngunit mas maliit at ang nakakapagtaka ay walang kahit anong gamit ang nasa paligid ko.

Pinakiramdaman ko ang katawan ko kung kaya ko na bang tumayo. At nung nasiguro ko medyo okay na ko ay dahan dahan akong tumayo.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid pero may narinig akong mga boses kay napatigil ako. Medyo pamilyar sa aking tenga ang mga boses na yun kaya hinanap ko kung san ito nanggagaling.

Naglakad ako ng ilang hakbang hanggang may nakapa akong pader na makinis. Napalunok ako ng napagtanto kong sa kabila ng pader na yun nanggagaling ang mga boses.

Kinapakapa ko ito para humanap ng paraan para buksan ito ng biglang nanlaki yun mata ko sa aking nakita. Yun maitim na pader ay naging transparent at dun ko nakita kung saan nanggaling ang mga boses.

Tinignan kong mabuti ang mga tao sa labas at ganon na lang ang gulat ko ng sina Silver, Zack at Ashton ito ngunit may babae silang kasama. Yung babaeng kamukhang kamukha ko. Nakadikit ito kay Zack at parang magpinaguusapan sila pero di ko masyadong marinig.

Kaya sinubukan kong sumigaw at tawagin sila ngunit mukhang di nila ako naririnig. Ngunit di ako sumuko habang tinatawag ko sila ay hinahampas hampas ko ang pader o salamin na nakaharang sakin.

'Zaaack! Silver, Ashton! Nandito ako di yan ang totoong Raven!' ngunit kahit anong gawin kong sigaw ay di talaga ako ng ririnig. Nanunuyot na ang lalamunan ko pero nagpatuloy parin ako sa pagsigaw.

'Nandito akooo!'

Sa sobrang frustration ko ay napaiyak na ko. Halo halo na ang nasa isip ko at di na ko makaisip ng matino. Halos mabugbog na rin ang mga kamay ko kakahampas ko sa salamin pero walang nangyayari.

Lalo pa kong nanghina ng makita kong tumayo sila at akmang aalis na. Nagpanic na ko at di ko na alintana kung dumugo ang kamay ko at mawalan ako ng boses.

Pero nakaalis na sila at lahat lahat ay walang nakarinig sakin. Naiwan ako roon na umiiyak habang pinapanood kung pano nakawin ng ibang tao ang pagkatao at buhay ko.

At dun ko mas lalong naramdaman ang lamig sa loob ng kinalalagyan ko. Napayakap ako sa aking mga tuhod habang walang tigil ang aking paghikbi.

Hindi ko matanggap ang lahat ng sinabi ng Reyna. Na ako si Arlea ang nawawalang anak ng dating hari't reyna ng Arzena kingdom. Na yung inakala kong mga magulang ay di ko Pala kaano ano. Ayokong maniwala pero may mga ibedensya sya sa kanyang mga sinasabi.

At pati rin ang sarili ko ay di ko na mapaniwalaan dahil gulong gulo na ko. Sobrang sakit ng buo kong katawan pero mas masakit ang aking dibdib dahil sa katotohanan na isa lang palang kasinungalingan ang lahat. Na nabuhay ako ng halos ilang taon sa kasinungalingan.

Bakit kaelangan ko pang malaman ang mga ito? Kontento na ko sa aking buhay, bilang si Raven na isang mababang dugo at galing pa sa Belmoor.

Si Raven na isa lang dukha pero nabubuhay ng masaya. At si Raven na nanalagi lang sa belmoor kasama ang ang kanya Lola at lolo. Sana bumalik na lang sa ganon ang buhay ko. Ayoko na dito.

Kung sinoman ang nakakarinig pakiusap iligtas nyo ko. Gusto ko muling bumalik sa Belmoor. Pakiusap nagmamakaawa ako sa inyo iligtas nyo ko dahil ayoko dito.

Sa gitna ng paghikbi ko ay bigla akong napatigil ng kuhanin ng isang ingay ng pagbasag ng kung ano ang aking atensyon.

Kayang napaangat ako ng aking ulo at sumalubong naman sakin ang liwanag. Yun dating madilim na kinalalagyan ko ay biglang lumiwanag. Pero di sa liwanag ako napatitig.

Kundi sa isang pamilyar na bulto ng lalaki na nakatayo malapit sa mga nabasag na salamin na nagkukulong sakin.

At sa isang iglap ay bigla kumalma ang buo kong sistema. Napalitan ng isang ngiti ang mga luha ko ng magtama ang aming mga mata. At dahil sa presensya nya ay nakaramdam ulit ako ng ligtasan.

'It's okay, I'm finally here' ani nito at dahil dun ay nakahinga ako ng maluwag at dun ko naramdaman na ligtas na ko.

XXX

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon