CHAPTER 3 (Jamming down to heartaches)

42 3 1
                                    

CHAPTER 3

RG's POV

*Lately I've been I've been loosing sleep*

Here we go again.

*Dreaming about the things that we could be
Lately I've been I've been prayin' hard
Said no more counting dollars we'll be counting stars .. yeah we'll be counting stars*

Naku! Basta talaga nagsasama ang tatlong anghel eh kantahan na agad! Panigurado pasimuno na naman ito ni Emerald. Naku, naku!

Pinakinggan ko lang sila. Nagtago ako sa likod ng malaking vase na may halaman dito sa garden. Nasa garden kasi sila at nagkakantahan ang mga magkakapatid.

Maya maya ay nagpakita na rin ako. Gustong lapitan eh.

"Oh well, ang tatlong anghel sa bahay na ito ay nagiingay ..." Parang galit na ewan ko sinabi yan..

"So mag ingay kami?! Kuha ka na lang ng gitara tapos tugtog ka daliiii" Hay naku Emerald! Binabara mo na ako!! Buti na lang talaga ma------kaibigan kita. Kaibigang mahal...

Dali dali akong pumunta sa kwarto ko para kunin yung gitara. Bumaba at bumalik na rin ako sa garden.

"Eto na po sinyorita" Ngiti ng malapad. Syempre gwapo XD

"Game na! Kantahan na!" Si Bree. Bree na kapatid nila Zai at Emerald. Bree na maganda. Lahat naman sila magaganda. Pero isa lang talaga ang nangingibabaw.

"Ge anong kanta?" Tanong ni Emerald.

"Kung Ikaw lamang ng Silent Sanctuary?" Zai.

"Osige"

Nag umpisa na akong maggitara.. Habang nakatitig sa kanya. Nakatitig sa kanyang magandang mukha.

*Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso Tuwing magkahawak ang ating kamay*

*Pinapanalangin lagi tayong magkasama Hinihiling bawat oras kapiling ka*

Lahat kami kumakanta. Sabay-sabay. Ang ganda nga ng blending eh. Lahat naman kami magagaling kumanta maliban lang talaga kay Gio. Gio na gwapo pero mas gwapo ako. hahaha. Finifeel talaga nila ang pagkanta. Maganda na talented pa. Oh san ka pa?

*Sa lahat ng aking ginagawa Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta....*

*Sana'y di na tayo magkahiwalay, kahit kailan pa man...*

*Ikaw lamang ang aking minamahal.. Ikaw lamang ang tangi kong inaasam.. Makapiling ka habambuhay ikaw lamang sinta.. Wala na akong hihingin pa wala na.. hoowooohh*

"Yun! Ang ganda talaga ng kantang yan!" Si Emerald. Hay. Mahal ko nga, torpe naman yung nagmamahal. Ayoko kasing magmadali. Kapag nagmadali naman ako tsak! Marereject ako at amazona pa itong minamahal ko. Si Emerald na mahal ko matagal na. Highschool pa lang kami mahal ko na yan. Ayoko lang magtapat dahil alam kong hindi pa nahihilom ang iniwang sugat ng ex niya. Ni Gregory. Ramdam ko pa rin kung gaano siya nasasaktan sa mga ginawa sa kanya ng ex niya. Sa mga kilos palang niya.. halata na.

Pusong bato na ata to eh. Ayaw na magmahal. Ayaw sa boys. Eh hindi naman pare-pareho ang mga lalaki? diba? Meron dyan talaga mga manloloko pero neron din naman na lalaking mamahalin ka. Gaya ko. Mahalin mo lang ako. Di kita sasaktan.

EMERALD's POV

Ano bang meron sa mukha ko? ha? Pansin ko kasi kanina pa nakatingin sa akin si RG. What's with my face? Is there something na nakakasuya, nakakatawa, nakakadiri or nakakapangit ng maganda kong face? Hanggang ngayon nakatingin pa rin siya eh. Feeling ko namumula na ako.

"Uhm, guys excuse. Pupunta lang akong cr" Then tumakbo na ako. Nakakahiya kasi. Baka makita pa nila kung paano mamula tong mukha ko.

Tinignan ko yung mukha ko sa mirror. Wala naman madumi sa mukha ko. Ano bang tinitignan niya sa mukha ko? Siguro... may gusto siya sakin? Ha! No way! Hindi niya ako magugustuhan. Imposible. Sa tagal na naming magkakabarkada. Wala talaga. Wala---

*TWEET TWEET TWEET TWEET TEXT MESSAGE*

Sino naman kaya toh?? Unregistered number. Binuksan ko ito.. Pero ....

~I miss you Chi :(~

Dafudge! Hindi siya toh. Hindi siya toh .... Nagtext na naman.

~I miss you so much Chi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka. Mahal na mahal kita. Maniwala ka hindi kita niloko.~

Nangingilid na mga luha ko. Hindi ko alam kung rereplayan ko ba siya o hindi. Bigla bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko. Nakakainis toh.

Ayoko neto! Ayoko! Niloko niya ako. Niloko niya ako! Wala pa ngang taon na pagmomove on ko, guguluhin niya ako? Da fudge siya.

~Please Chi. Magpapaliwanag ako. Mali yung nakita mo. Namiss interpret mo lang yun. Please Chi. Let me explain~

Hindi ko siya pinagexplain. Tama naman na siguro yung nakita ng 2 kong magagandang mata. Tama na yon! Hindi na niya kailangan magexplain dahil nakita ko silang naghaharutan at naghahalikan.

Nireplayan ko siya.

~Ralph, just fvckin' leave me alone. Tapos na tayo. Matagal na~

And then.. Inoff ko na yung phone ko. Ayoko magpakauto na naman sa kanya. Ayoko na.

Lumabas na ako ng rest room. Bumalik ako kung saan kami kanina nagkakantahan but somewhere here sa bahay lahat tinignan ko na, ang sala, kitchen, sa bawat rooms and sa pool,wala sila. Ganun ba ako katagal sa banyo ha? Sabihin niyo nga? haha. San kaya sila nagpunta? Iniwan nila ako? huhu

"Uhm, manang where is Bree, and the others went? Asan sila?"

"Nako eneng, umales sela. Mamaya pa yata sela uuwe. Akala ko nga eneng na kasama ka ee. Lahat kase sela umales."

"Lahat po? Pati po si Gio?"

"Oo eneng. Lahat sela"

"Ah ganun po ba manang. Sige po salamat. Aakyat na lang po ako sa kwarto"

"Sege eneng"

Kawawa naman ako. Iniwan nila talaga ako. Ano na gagawin ko dito? It's too boring here lalo na at ako lang ang nandito ..

I decided to go home na lang. Actually, I missed my own room kasi. kaya ganun XD I'm on my way na sa bahay namin. Nagtaxi na lang ako. Habang nasa byahe ako, I decided to turn on my phone baka kasi nagtext si dad. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng phone ko, yung number na kaninang nagtext sakin na pagmamay ari ni Ralph ang unang bumungad sa akin. It super dami kayang text! Duh! Ginagalit na naman ata ako netong mokong nato.

Binasa ko.

~Chi. I'm here at your house. Nasa labas ako hinihintay kita.~

Maygahd! Kanina pa ba siya dun? Kanina pa kasi umuulan nakalimutan ko lang sabihin sa inyo XD Nandun pa kaya siya? Maygahd! Pasaway talaga.. Hindi niya pala ako ginagalit ... Pinag aalala niya ako.

"Manong, pakibilisan naman po Salamat"

Your Heart Beats Only For OneWhere stories live. Discover now