Beomgyu | Random

14 1 2
                                    

Binuksan mo ang pinto papasok sa loob ng inyong silid-aralan. Sa hindi kalayuan nakita mo ang isang lalake, ang lalakeng minsan nagpatibok ng iyong puso.

Marahan kang naglakad patungo sa iyong puwesto at umupo. Hindi napagilan ang iyong sarili na titigan ang lalakeng ito.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo?" masungit na bulyaw nito.



Napailing ka na lang at napatingin sa iyong lamesa. Ang sungit naman, masama na ba syang tingnan?


Itinuon mo na lang ang iyong sarili sa pagbabasa ng iyong aklat.




"Pre! Ano tuloy ba tayo mamaya sa laro?" bulyaw ng isang lalake habang papalapit sa kanya.






"Mamaya? Hindi ko pa alam, pero sigurado ako aabangan ako ng isa sa mga loyal kong tagahanga dun." tugon nito habang nakatingin sa'yo.




Alam mo na ikaw ang tinutukoy ni Beomgyu dahil hindi lingid sa kaalaman nito na may lihim kang pagtingin sa binata.





Minarapat mo na lang na hindi pansinin ang patama nyang iyon at nagpatuloy sa pagbabasa.





"Hoy Beomgyu, tigilan mo na nga si Y/n, pag yan naasar sa'yo sige ka." banat ng kaibigan nya.








"Totoo naman diba?" Ani Beomgyu at tumayo mula sa kanyang kinauupuan, papalapit sa lugar mo. "Di nyo ba alam na crush na crush ako ni Y/n?"







Napatingin ka na lang sa taong nakatayo sa gilid mo.










"O bat ganyan ka makatingin? Gusto mo naman talaga ako diba?" natatawa nyang sabi.










Hindi mo alam kung paano mo sya sasagutin kaya wala ka na lang nagawa kundi ang tumayo at tumakbo palayo sa kanya. Hindi mo na din napigilan na mapaluha.









"Y/n!" narinig mong tawag nya habang hinahabol ka nya.








Nagpatuloy ka lang sa pagtakbo ngunit naantala iyon nang may kamay na humawak sa yong braso at napigilan ka.







"Bitiwan mo ko." naiiyak mong sambit.







Iniharap ka nya sa kanya at niyakap.









Nanlaki ang mga mata mo sa kanyang ginawa.







"Sorry, hindi ko naman intensyon na saktan ka... ang totoo..."









tinanggal nya ang pagkakayakap sayo at muli kang tiningnan ng malalim sa iyong mga mata.












"Y/n, mahal kita. Masungit ako sa'yo alam ko yun, hindi ko lang kasi maamin sa sarili ko na gustong gusto din kita. Kaya sinasabi ko na sayo ngayon to. Mahal na mahal kita Y/n... okay lang kahit magalit ka basta mahal pa din kita, maghihintay ako kahit gano ka-"











Pinutol mo ang mga salita nya nang muli mo syang yakapin ng mahigpit.











"Kahit nakakainis ka, kahit masungit ka, kahit mayabang ka... mahal din kita Beomgyu."










Napangiti ang lalaki sa kanyang mga narinig at muli kang hinarap. Hinawakan nya ang magkabila mong pisngi, hindi mo naiwasang mamula dahil dito.











Nagulat ka na lang nang may maramdaman kang dumampi sa iyong noo.











"Ba't namumula ka? Okay ka lang ba, may sakit ka ba?" sunod sunod na tanong ni Beomgyu.











Napailing ka na lang at napayuko sa magkahalong kilig at hiya.










"Wag mo na ulit gagawin yun..." asik mo sa kanya.











"Hindi na talaga kasi susunod dyan ko naman gagawin yun." tugon nya habang nakaturo sa mga labi mo.









💙💛💙
Corny diba? Harot din si Beomgyu eh😂😂😂

-M💜

Imagine, +omorrow x +ogether | ➕✖️➕💛💙💚Where stories live. Discover now