Let go

2.1K 58 24
                                        

LISA's POV.

Madalas kong sabihin noon na makita ko lang siyang buhay ok na ako, akala ko handa na ako, pero di ko ngayon lubos maisip kung ok nga ba talaga ako, may gf na siya, at ang pinakamasakit na parte dun ay di na niya ako maalala , naisip ko tuloy, totoo nga ba ang mga ngyari 6 yrs. Ago o isang imahinasyon ko lang ,ang nagawa ko nga bang kwento na naging isang libro ay ayon sa naging buhay ko o kathang isip lamang?? , kinuha ko ang box na puno ng mga litrato namin, nilabas ko lahat ng litrato at tinignan ko isa isa, hindi ko naiwasang maluha sa mga alaalang humubog saking pagkatao .

Inayos ko ang mga ito ang binalot ko sa plastik, saka ibinalik sa box, tinignan ko ang suot kong bracelet ang bigay niyang bracelet aalisin ko na sana ito sa kamay ko pero naalala ko ang araw na isinuot niya to sakin mula noon hindi ko ito tinanggal sa kamay ko , lumabas ako ng bahay na dala ang box na itinago ko sa loob ng anim na taon, nilagay ko ito sa loob ng kotse .



"Hello rosie, natanong mo ba kung san sila tumutuloy?" --tanong ko ng sagutin ni rosie ang tawag ko .




"Ou txt ko sayo ang address, bakit ano ba gagawin mo dun lisa?"




"Basta thank you , tawagan nalang uli kita " --pinatay ko na ang tawag at ng maitxt niya na ang address agad kong pinaandar ang kotse .

Ilang araw ko ding pinag isipan to , pero tingin ko ito ang dapat kong gawin, kailangan niyang malaman na siya ang babae sa kwento ko, kailangan niyang malaman ang tungkol saamin , binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse , ng makarating ako sa condo na sinasabi ni rosie, pinark ko ang kotse, palabas na ako ng makita ko silang dalawa, masaya sila at magkahawak kamay, napako ang tingin ko sakanila hanggang sa makasakay sila sa kotse natauhan ako ng umandar ito kaya agad kong sinundan ang sinasakyan nila .

Nakarating kami sa isang hospital, sinundan ko lamang sila at hindi nagpakita, mula sa kinatatayuan ko kitang kita ko kung gano alagaan ni jisoo si jennie , maya maya pa ay nakausap nila ang doctor at pareho silang nakangiti, umalis na ang dalawa kaya sinundan ko uli sila, pumunta naman sila ngayon sa isang park kung saan nag set up sila ng mga pagkain at masayang nag picnic, ang ganda ng mga ngiti niya di ko maiwasang masaktan sa nakikita ko, tinuloy ko lamang ang pag sunod sakanila .

Nang halos mag hapon ko silang sinundan, isa lang ang pumasok sa isip ko, masaya na siya sa buhay niya ngayon, sisirain ko ba ang kasiyahan niya ngayon para lang sa mga ngyari noon?, ako na nga lang siguro ang nagkukulong sa nakaraan, tinignan ko ang bracelet na suot ko at ang box na nasa tabi ko, tinignan ko rin ang nasa harap ko ang kotse kung saan nakasakay ang taong mahal ko, niliko ko bigla ang kotse ko at tinigil ang pag sunod sakanila , binilisan ko ang andar ng kotse kasabay ng pag patak ng mga luha sa aking mga mata .

Huminto ako sa tabi ng dagat , kinuha ko ang dala kong box at tinanggal ang bracelet na anim na taon kong nakasama sa buhay , pinasok ko ito sa loob ng box kasama ang mga litrato namin.




"Ito na ang tingin kong pinaka- tamang gawin ko ngayon, ang kalimutan na ang nakaraan alam kong mahirap ,at matatagalan pero ito na ang sa tingin kong una kong dapat gawin itapon ang mga alaala natin na pwedeng mag balik ng lahat ,ito ang pinanghawakan ko sa anim na taon, sa nakita kong buhay mo ngayon mas gugustuhin mong hindi na maalala ang nakaraan, ako ??, siguro iisipin ko nalang na isang panaginip ang lahat o isang kathang isip na ginawan ko ng buhay sa isang libro, paalam memeng, hindi lahat ng love story , 1st love ay hanggang huli, masasabi kong totoo nga ang once in a life time at tingin ko 6 yrs. Ago ang one shot para satin ,napalampas ko yun ,napalampas natin, wag kang mag alala alam kong may parte sa puso ko na habang buhay kang maaalala .Paalam "

Itinapon ko sa tubig ang box ,at agad bumalik sa loob ng kotse at pinaandar ito.




ROSIE's POV.

Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ni lisa ng bigla niyang itanong sakin kung saan tumutuloy si jisoo at jennie, nang tanungin ko siya hindi niya ako sinagot, sa pag aalala ko, iniwan ko ang rehearsal ko at agad akong nag drive papunta sa address na binigay ko kay lisa, nakita ko ang kotse niya na nasa parking area di ako lumabas para hindi niya ako makita, mas isang kotseng lumabas, at sumunod dito si lisa, siguro si jisoo at jennie to, sinundan ko din ang kotse ni lisa, sa pagsunod ko sakanila ako ang sobrang nasasaktan para kay lisa, nakikita ko siyang umiiyak ang hina ng loob ko sa ganito kaya pati ako naiiyak narin .

Halos maghapon na kaming sumusunod sakanila, paano nakakaya ni lisa tignan ang dalawa, pinapatay niya ba ang sarili niya sa ganitong paraa?!, sa susunod na hihintuan nila jisoo ay lalapitan ko na si lisa para tanungin kung ano ba talaga ang ginagawa niya .

Nagulat ako ng bigla niyang iliko ang kotse niya, tinignan ko sa unahan ang kotse nila jisoo, hindi niya na ito sinundan, niliko ko din ang kotse ko at sinundan si lisa, ang bilis ng pagpapatakbo niya, kaya nahirapan akong habulin siya, pero dahil natatanaw ko pa naman ang kotse niya nakita ko kung saan siya huminto bumaba ako ng kotse para lapitan siya ng makita kong may hawak itong box, ang box na lagi kong nakikita sa kwarto niya, mula dito nakita ko ang pag iyak niya habang hawak ang box, nagsasalita ito pero di ko alam kung ano ang sinasabi niya dahil sa distansya ko sakanya, maya maya pa ay nagulat ako sa pagtapon niya nito sa tubig , agad siyang umalis at mabilis na pinaandar ang kotse ,tumakbo ako sa tabing dagat ,at tinanaw ang box ,nakalutang pa ito, napalunok ako sa taas nito, lisa natanggap mo nabang dapat mo na siyang kalimutan ?, sana ito nga ang magpalaya sayo sa nakaraan . . .

JENLISA - I'm Inlove with a STRANGERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora