CHAPTER 11

1.8M 43K 49.8K
                                    

"MISTER DEL VA...LLE'S...hello!" Magkahawak-kamay, todo ang ngiting bati ng bisita matapos makita ang magkapatid. Hindi niya siguro inaasahang pareho na ang makikita.

Suhestiyon ni Maxrill ay babain na ang mga ito kaysa hintaying ipatawag pa nito ang isa sa kanila. Tuloy ay hindi ko na nakuha ang pakay ko kaya ako nagpunta sa office ni Maxwell.

Sa lobby na sila nagkita, mukhang katatapos lang nitong kausapin ang nasa front desk. May kasama itong apat na bodyguards.

"Mister Venturi," agad na tugon ni Maxwell. Namulsa siya upang iwasan ang akmang pakikipagkamay ng bisita.

"Just call me Montrell." Muli na lamang nitong pinaghawak ang kamay at mas pinalawak pa ang ngiti. "Anyway, I'm glad you're free. Ang hirap hulihin ng swerte."

"Kusang dumarapo ang swerte, hindi hinuhuli," ngisi ni Maxwell. Napakamot ako ng ulo.

"Ah, hahaha! Well, Maxwell, I'm sure you know why I'm here." Tumawa si Montrell na para bang nakakatawa ang sinabi niya.

He looks awkward. I bet the del Valle's can read his actions, too. Nagkakamali siya kung inaakala niyang madadala niya ang magkapatid sa pagpapakitang-tao. Noong una ay napakahangin nito. Kung magsalita ay para bang kaya niyang bilhin ang buong mundo. Ngunit heto ito ngayon at parang negosyanteng nang-uuto. Imposibleng hindi nito nararamdaman ang sarkasmo ng magkapatid. Bukod sa makikita na iyon sa mukha ng dalawa ay naroon din iyon sa kanilang mga salita.

"Basically, you're here to waste our time," tugon ni Maxwell."It's annoyingly obvious."

"And, of course, to discuss things that will never happen," dagdag naman ni Maxrill.

Nagugulat ko silang nilingon matapos sabihin ang mga iyon nang walang hesitasyon. Tulad ko, natigilan din si Montrell at maagap na pinawi ang pagkakakunot ng kaniyang noo. Tiim-bagang siyang tumawa, pinagmumukhang biro ang sarkasmong sinabi ng mga kaharap niya.

"Would you mind sitting while wasting our time?" tinuro ni Maxwell ang cabriole sofa sa bisita. Saka sila sabay na nag-unbutton ng coats ni Maxrill at naupo sa harap nito.

Nakamot ko ang sentido. Ako ang kinakabahan sa mga salita at kilos ng dalawang del Valle. Walang lugar ang pagiging sarkastiko nila, hindi natatapos. Na kahit iyong pinakapasensyosong tao ay mapipikon sa kanila. Natural nila iyong ugali at wala silang pinipili. Basta hindi nila gusto ang pag-uusapan, ganito sila kabastos kausap.

At ang nakakaloko pa ay binibigkas at inaaksyon nila ang bawat sarkasmo sa paraan na para bang normal lang na gawin 'yon, kahit na ang totoo ay hindi.

Napatingin ako kay Montrell na noon ay halatang pinipigilang sumagot nang pabalang sa dalawa. Syempre, kailangan niyang makuha ang loob ng mga ito. Iyon nga lang, hindi lang imposible kundi talagang hindi iyon mangyayari.

"We have fifteen minutes to discuss your whatevers," ani Maxwell habang nakatingin sa relos saka muling tumingin kay Montrell.

Lalo pang nagtiim ang bagang ng bisita ngunit binawi niya iyon sa magandang ngiti, nagtitimpi. Saka niya sinimulan ang usapin na tila hindi naman iniintindi noong dalawa. Tungkol pa rin iyon sa planong pagbili ni Montrell sa isa o ilan sa mga lupaing pag-aari ng mga del Valle-Moon. Paulit-ulit niyang binanggit ang benepisyo ng kaniyang proyekto para sa mga tao ng Palawan, pinababango ang kaniyang plano. Ang magkapatid din ang pinagdedesisyon niya sa magiging halaga ng isla.

Marahil kung ako ang kaniyang kausap ay maeengganyo niya ako at mapapapayag. Napakahusay niyang makipagnegosasyon. Nakakasilaw ang mga pangako at benepisyong binibitiwan niya. May sandali pang na-inspire ako sa kaniyang mga salita.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon