Chapter Eleven

105K 4.8K 252
                                    

Chapter Eleven


All systems data restored.

Nang buksan ni Yngrid ang kanyang mga mata ay nakita niya ang kumikinang na bituin sa kisame ng kanyang kwarto. Naaalala niya kung paano siya tinulungan ng kanyang mga magulang na idikit ang mga glow in the dark stickers na 'yon.

Tumingin siya sa paligid. It was exactly ten in the morning pero madilim sa labas dahil sa patuloy na pag-ulan. Tumayo si Yngrid mula sa kama at doon lamang niya napansin ang kable na nakakabit sa paa niya.

Nakita niya sa sa gilid ng mga mata niya ang mga salitang; Plugged in, charging. 50%

Muli siyang napaupo sa kama. Tama. Isa nga pala siyang android. Isa siyang makina. At ang alaala ng glow in the dark stickers ay hindi sa kanya kundi sa totoong Yngrid.

Humiga siya sa kama at muling pumikit.

'Yngrid'

Nilingon ni Yngrid ang pinagmulan ng boses. Nakita niya ang isang lalaking nakatalikod sa kanya.

'Yngrid'

Naririnig niya ang boses nito ngunit tila nasa ilalim siya ng tubig. Hindi malinaw kung pangalan nga ba niya ang binibigkas nito.

'Yngrid.'

Nang sa wakas ay humarap na sa kanya ang lalaki, nakaramdam siya ng kakaibang emosyon. May hawak na baril si Noah Alonzo at itinutok nito ang baril sa sarili nitong ulo.

'Yngrid'

Hindi makagalaw sa kinatatayuan niya si Yngrid. May lumabas na usok sa mula sa likod ni Noah at nabuo ang isang hugis tao. Nakahawak ang isang kamay nito sa kamay ni Noah na may baril. Tila ba ito ang nagkokontrol sa binata upang barilin ang sarili.

Gustong puntahan ni Yngrid si Noah. Gusto niya itong tulungan. Gusto niya itong sagipin.

'Yngrid'

At kasunod non ay isang malakas na putok ng baril.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!"

"Ate Yn! Ate Yngrid!"

Nang muling buksan ni Yngrid ang mga mata ay nakita niya ang mukha ni Andrew.

"Ate Yngrid, okay ka lang ba? Bakit ka sumisigaw? May nasira ba sa system mo?" bakas ang pag-aalala ng binata sa kanya.

Pag-aalala; isang uri ng emosyon ng mga tao.

Charging complete. 100%

"Wala. Maayos ang system ko Andrew."

"Kung ganon ba ka sumigaw?"

"May nakita ako."

"May nakita ka?" Lumingon si Andrew sa likod nito at sinuri ang kwarto. Nang wala itong makitang ibang bagay o tao sa loob ay ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Saan? Ano'ng nakita mo?"

"Si Noah Alonzo."

Saglit na natigilan si Andrew. Umupo ang binata sa gilid ng kama niya habang pinagmamasdan siya. Tumingin pa itong muli sa paligid ng kwarto.

"Pero wala naman dito si Noah, Ate Yn."

Tumingin din sa paligid niya si Yngrid.

"Nakita ko siya. Madilim ang lugar."

"Naalala mo ba ang nangyari sa iyo sa beach?"

"Hindi iyon sa beach. Sa isang silid 'yon at madilim. May kumokontrol sa kamay ni Noah, may hawak siyang baril. Pinatay niya ang sarili nya gamit 'yon."

"Pero hindi pa patay si Noah," sambit ni Andrew. "Hindi kaya..." Tinitigan nang mabuti ng binata ang pinsan. "Hindi kaya nanaginip ka, Ate Yn?"

Panaginip; isa iyong karanasan kung saan gumagawa ng samut-saring imahe ang isip ng tao tuwing nakakatulog ang mga ito.

"Imposible 'yon. Hindi ako tao."

Nahapit ni Andrew ang kanyang hininga. Naikuyom nito ang mga kamao. Pumikit ito nang mariin.

"Magpahinga ka na, Ate Yn. Lalabas na muna ako." Tumayo ang binata at diretsong lumabas ng kwarto.

Panaginip. Imposible.

Tumayo si Yngrid upang alisin ang kable na nakakabit sa kanyang paa. Nakabukas ang isang bahagi ng balat nya kung saan isinuot ang kable sa loob nya. Ito ang patunay na hindi siya tao. Isa syang makina.

Narinig ni Yngrid ang tunog ng isang sasakyan. Sumilip siya sa bintana at nakita si Andrew na nakasakay sa sasakyan ng Mama niya. Saan kaya ito pupunta ngayong ang lakas ng ulan?

Binuksan niya ang bintana ng kwarto at tumalon sa labas. Susundan niya ito.

Project: YngridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon