Chapter 7

15.8K 622 296
                                    



Zaparta's POV

"Ngayon ang gagawin natin ay maglaro." sabi ni Stace. Nagdiwang naman kami dahil sa wakas makakahawak na din kami ng bola sa loob ng dalawang buwan namin pagtraining dito.

"Four on four, kami ang mamimili ng team ninyo pero bago yan, kailangan ninyong tumakbo ng ten laps." sabi ni Rian. "Mula dito paikot sa red team tapos dito." sabi nya habang tinuturo ang daan.

"Ang dami pa din nating tatakbuhin." sabi ni Delta. "Ten laps pa."

"Okay girls. Start na tayo. Zap on the lead." sabi ni Stace kaya naman pumunta ako sa unahan.

"By the way girls, kapag nasa Red team na kayo kailangan ninyong sumigaw ng malakas. Ang sasabihin ninyo ay ang panget ninyo red team." sabi ni Sakuno.

"Ano?!" sigaw naming lahat. Gusto nya ba kaming pag-awayin?

"Biro lang." natatawang sabi nya. "Sisigaw lang kayo. Kailangan marinig namin dito. Kapag hindi namin narinig dagdag laps."

"Paano namin malalaman na narinig talaga ninyo?" tanong ko.

"Hindi ka naniniwala samin?" parang inosente pa itong Sakuno na ito.

"Hindi. Walang kati-katiwala sa mukha mo." sabi ko na ikatawa ng ilan.

"Ako magsasabi kung narinig namin." napatingin kami sa dumating. Si coach Ella.

"Okay na, maniniwala na kami." sabi ni Marceline. Napangiti na lang ako.

"Sige na, layas na." sabi ni Sakura.

Nagsimula na kaming tumakbo. Jog lang ginawa namin para hindi masyadong mapagod. Malapit na kami sa red team.

"Zap, bilang ka para malaman namin kung sisigaw na." sabi ni Delta. Nagthumb ups ako sa kanya.

Nakita namin ang red team na nagtra-train magpasa ng bola habang tumatakbo sila. Napatingin samin ang seniors nang makita nila kami pati si coach Avey. May ilan na rookies ang napatingin sa gawin namin.

Bumilang ako tsaka kami sumigaw ng malakas. Nagulat pa nga namin ang ilan tapos napatigil pa sa pagtraining yung mga rookies.

"Bilis, bilis." sabi ni Marceline kaya naman napabilis ang takbo ko. Nung lumagpas na kami sa red team ay natawa kaming lahat.

"Grabe nakakahiya 'yon. Naistorbo natin sila." sabi ni Amaya.

"Sinabi mo pa. Takbo ng mabilis pagkatapos ng sigaw ah? nakakahiya eh." sabi ni Cleo.

"Ang tanong muna, nakarinig kaya ng mga seniors?" tanong ni Justin.

"Sana. Kating kati na akong humawak ng bola. Buti pa ang red team." sabi ni Sierra.

"Kapag hindi, paktay. Lakasan na lang natin sa susunod." sabi ni Marceline.

Malapit na kami sa blue team. Tinignan namin si coach Ella kung narinig nila pero umiling ito.

"Sumigaw pala kayo?" ngising asar na sabi ni Sakura.

"Lakasan nyo girls." sabi ni Lori. Tumango kami sa kanila.

Malapit lapit na ulit kami sa red team.

"Guys bilisan natin pagkatapos ng sigaw ah?" sabi ni Amaya.

"Math lakasan mo boses mo." sabi ni Marceline.

"Kung isigaw kaya natin ay words?" suggest ni Cleo. "Like, blue team fight?"

"Not bad Cleo!" sabi ni Marceline. "Ano Zap?" napatango na lang ako. Siguro mas malakas nga kung ganon ang isisigaw namin.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now