[97]

934K 17.6K 6.3K
                                    

CHAPTER 97

GAIL’S POV

Pagkamulat ko, tumingin agad ako sa tabi ko. Wala si Kurt. Walang Kurt na nakahiga sa tabi ko. I can’t help myself but to panic. Natatakot ako na baka iwan niya ulit ako. Ayoko ng mangyari yun.

I immediately got myself out of the bed and went directly inside my walk-in closet while still naked. Hindi ko na ininda yung sakit ng katawan ko lalong lalo na sa pagitan ng mga hita ko. Nagmamadali akong kumuha ng damit at isinuot ito. 

 I went quickly downstairs to look for him but he’s nowhere to be found. Nanlulumo akong umupo sa sofa at napahilamos ang sarili kong mga palad sa aking mukha. This can’t be happening!

He promised me.. He promised that he will never leave me again.

Sinipa ko ang center table sa sobrang inis ko. “Noooooooo! He cannot do this to me!”

Napakagat labi ako. Baka umalis lang siya, may binili at babalik rin.

Lumalakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. 

RELAX.

Buzz…

Natigilan ako nang marinig kong may nagbuzz mula sa labas. Nagmamadali akong pumunta sa pinto at inayos nang bahagya ang sarili ko.

Sana si Kurt ito.

Pagkabukas ko ay nakita ko si Kaye Anne na nakatayo sa harapan ko. She’s looking at me seriously. Parang humihingi ng kapatawaran ang mga mata niya.

Pilit akong ngumiti sa kanya ,“Good morning, Kaye Anne. Tara pasok ka.”

Umiling lang siya at bumuntong hininga, “Hindi ako magtatagal, Gail. May ibibigay lang sana ako sayo.” May kinuha siya sa loob ng shoulder bag niya at yumuko siya ng bahagya.

“Ano yan, Kaye Anne?” I asked innocently. 

She handed me the lavender paper. Isang invitation to be exact. Hindi ko pa ito tinitignan. Ewan ko, parang natatakot akong makita kung anong nakasulat dun. Ramdam na ramdam ko ang tension sa pagitan namin. Ang tahimik niya, nakakapanibago.

“..G-Gail, he feels sorry for you. He wanted to apologize personally but... uhm, he fears seeing you cry…”

Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan.

“Kaye Anne, a-ano ba yang… sinasabi mo?”

Tinitigan niya ako ng mariin sa mata, “...He can’t fight for you anymore ‘coz

 

..He doesn’t love you at all...”

I gasped. 

Tell me that I’m dreaming. Hindi ito pwedeng mangyari.

Naramdaman ko nalang na tuloy-tuloy na ang pagtulo ng mga luha ko sa aking pisngi. She pulled me for an embrace. I felt stiffened. Hindi makareact ang katawan ko sa pagyakap niya sa akin. “..Gail, patawarin mo ako...”

Kumalas siya sa pagkakayakap at tinungo na ang elevator. I can hardly breath, sumisikip ang dibdib ko. Mas masakit ito kesa sa nangyari dati.

Wala sa sarili kong sinarado ang pinto at umupo pabalik sa sofa. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Tila nag-uunahan ito sa pagbagsak. Hindi ko maintindihan si Kaye Anne sa sinabi niyang patawarin ko siya. 

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon