Marupoks

241 9 1
                                    

CONTINUATION

"Ano? Kamusta puso?" Tanong ko. Tumingin siya sakin.

"Eto,wasak...." Sabi niya habang naiyak

"Sama ka sakin?..." Tanong ko

"Saan?" Tanong niya

"Sa bar?" Sabi ko.

"Anong gagawin mo dun?" Tanong niya

"Baka magluluto? Kaya nga sa Bar pupunta eh..." Sarkastiko Kong sabi

"Hindi yun yung ibig kong sabihin!..." Sigaw niya sakin

"Easy lang. High blood ka agad eh. Syempre iinom kami..." Sabi ko

"Anong iinumin niyo?..." Tanong niya

"Baka coffee. Kaya nga magpapakalasing di ba?" Sabi ko

Ineexpect Kong magagalit siya sakin pero tumawa lang siya.

"Yan. Tumawa ka lang. Di mo alam na may napapangiti ka din pag nakangiti ka." Sabi ko habang naka ngiti

"Sino? Si Taehyung?" Tanong niya

"Siguro. Ano? Bubugbugin ko na ba si Taehyung?" Pagbibiro ko

"Wag. Mahal na mahal ko yun. Wag mong bubugbugin yun. Mahal na mahal ko yun." Sabi niya

"Di ka makikipaghiwalay sakanya?" Tanong ko

"Di ko kaya. Mahal ko siya. Ayokong mawala siya sakin..." Sabi niya

Niloko ka na pero mahal mo pa din siya? Tsk. Tumigil ka na katatanong tungkol sa kanila. Masasaktan ka lang.

"Ano? Sasama ka ba?" Tanong ko

"Oo. Gusto Kong makalimutan yung nakita ko kanina..." Sabi niya

Bumalik nanaman yung malungkot na mukha niya. Bwiset yang Taehyung na yan. Pasalamat ka na lang at mahal ka ni Jennie kasi kung hindi baka nilumpo na kita.

"Halika. Gala muna tayo habang wala pang 5. Mag enjoy ka muna..." Sabi ko. Tumayo ako,hinawakan ang kamay tsaka tumakbo kasama siya.

Hinayaan ko lang siyang mag enjoy muna para makalimutan ang nakita niya kanina.

5:00

"Dun tayo sa bahay ko." Yaya ni Irene

"Ayoko. Dun tayo sa Bar." Sabi ko

"Ayoko Dun. May mini Bar naman yung bahay ko kaya dun na tayo. Ang hirap hirap mo kayang buhatin. Lahat kayo mga lasing tas ako lang mag isa nagbubuhat sayo. Ayoko dun lalo na pag ikaw ang kasama ko. Ako nahihirapan sayo eh." Reklamo ni Irene.

"Fine. Oo na." Sabi ko

"Good. Kasi pag dun ka. Kahit mag collapse ka kahit saan okay lang kasi di na kita kailangang buhatin." Dugtong niya.

(IRENE'S MANSION)

Lahat pala ng mga ka tropa ko ay nandito except sa mga lalaki di kasi sila allowed eh.

Inom,dito. Inom,diyan.

After 8 hours.

Bagsak na silang lahat at ako na lang ang gising. Hindi ako masyadong uminom kasi binabantayan ko si Jennie

Dinala ko si Jennie sa Guest Room. Kinumutan ko siya para di siya lamigin. Sakto namang paalis na ko ng biglang hawakan ni Jennie yung kamay ko.

"Don't leave me,pls. Stay with me...." Sabi ni Jennie pero nakapikit pa din. Lasing na lasing na siya.

"I won't. Promise, mananatili lang ako sa tabi mo..." Sabi ko habang nakangiti.

"Mahal na mahal kita....... Taehyung. Wag mo kong iiwanan hah? Kahit pagsabay sabayin mo kami, okay lang. Wag mo lang akong iiwan. I really love you,babe. Akin ka lang ha? Mahal na mahal kita Taehyung..." Sabi ni Jennie at tuluyan ng nakabitaw sa kamay ko. Nakatulog na siya.

Nanatili muna ako sa tabi niya hanggang sa mahimbing na ang pagtulog niya. Lumabas na ko at nagpatuloy ko na ang pag iinom ko.

Nakakainis. "Mahal na mahal kita, Taehyung"

Ilang beses yan umulit ulit sa utak ko.

Ang sakit! Sinampal sakin ang REYALIDAD.

Kung saan, di niya ko magugustuhan.

Kung saan, ako lang ang nagmamahal.

Kung saan, may mahal na siyang iba.

"Mahal na mahal kita, Jennie." Bulong ko sa sarili ko. Di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa aroma ng napakasarap na pagkain. Di naman sa patay gutom ako pero ganto lang talaga ko lalo na pag may hang over ako.

Pumunta ako sa kitchen at nakita ko dun si Jennie, nagluluto. Di ba siya nag ka hang over?

"Uy,gising ka na pala..." Sabi niya habang nakangiti.

"Ay Hindi. Tulog talaga ko kaya nga nakadilat ako at nakikipag usap sayo." Pangbabara ko. Tumawa ulit siya sakin. Buti di siya nainis. Ang sarap talagang magising na ganto yung lagi mong nakikita. Ang nakangiti niyang mukha.

"At,Lisa, pwede bang pahalo nito? May hihiwain lang ako tas baka masunog eh..." Sabi niya. Pumwesto ako sa likod niya at hinalo yung niluluto niya.

"Lagyan mo nga ng tubig yan para di masyadong maalat." Sabi niya.

Kinuha ko yung tubig habang hinahalo yung pinapahalo niya kasi baka nga masunog. Yung tubig ay nasa harapan niya. Kinuha ko yun at ngayon ang init na ng mukha ko. Para tuloy akong naka back hug sakanya.

*ding* *dong*

"Ako ng bahala dun. Pa halo na lang niyan." Sabi ni Jennie.

Pinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko. Tumingin ako dun sa salamin sa gilid para makita ko kung sino ang nasa pinto. And guess what?

It's her one and only love. Her boyfriend of course.

"Baaabe, I'm really really really sorry. Mahal na mahal kita! I don't know what to do without you. Mahal na mahal kita,babe. Pls bumalik ka na sakin. Pangako, magbabago na ko. Mahal na mahal kita,babe. Pls, nagmamakaawa ako sayo. Mahal na mahal kita." Sabi ni Taehyung habang nakaluhod at umiiyak.

Syempre.... Pumayag si Jennie. Napag usapan na namin kahapon ang tungkol dito. Mahal niya si Taehyung eh sa magagawa ko?

Okay na sana nung nakipagbalikan siya eh makakaya ko pa pero bat kailangan pa niyang kiss-an? Ayoko na. Suko na ko. Di ko na kaya.

--------------------------

On going...

•INRFILWY• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon