Chapter 43: Untitled

2.1M 52.7K 32.1K
                                    

Ice's Point of View


Nagmamadali akong pumunta sa lugar na sinasabi nila Ate Cass. Maabutan ko pa kaya sila doon? Sana nandoon pa sila. Tsk. Kasi naman, Ice, bakit ba ang bagal mo? May nalalaman ka pang pag-iipon ng lakas ng loob. Kakaipon mo, ayan, naunahan ka na.

Pero baka naman hindi ako ganun kabagal? Sadyang mabilis lang 'yung asungot. Pero hindi. Aminado na ako. Mabagal talaga ko.

Bwisit! Saan nga ulit ako pupunta? Ah, sa café malapit sa school. Leche naman.

Aba't kung sweswertehin ka nga naman. Mauubusan pa ata ako ng gas. Tsk.

Ah, hindi 'yan! Aabout pa 'yan. Kung magpapagasolina ako ngayon baka hindi ko pa sila abutan. Baka kung saan pa dalhin ng asungot si Zoe.

Nang makarating ako sa café ay nagmamadali akong pumasok sa loob at hinanap sila Zoe. Nasaan ka na ba?

Inilibot ko ang paningin ko at ayun! Nakita ko na sila ni Jude. Tsk. Nakikiwifi lang ata 'yung asungot dito, e. Sinama pa si Zoe.

Lumapit ako sa kanila at napalingon sila agad sa akin. "Ice? Bakit nandito ka? Di ba may tugtog – "Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at hinila na patayo at palabas ng café.

"Ice, ano ba?! Saan ba tayo pupunta?! Uy! Ano ba ang trip mo?!"

Nang nasa labas na kami ay binitawan ko na siya at binuksan ko 'yung pinto sa passenger seat. "Pasok," utos ko.

"Ayoko. Ano bang – "

"Pasok!"

Napagtaasan ko siya ng boses kaya napasunod siya ng di oras. Tsk. Bakit ko ba siya sinigawan? Ugh! Ice, ano ba?!

Umiling na lang ako at nagpunta sa driver's seat saka pumasok. Nagmaneho lang ako kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Parang hindi na gumagana ang utak ko. Ang alam ko lang, dapat ko siyang ilayo sa asungot na 'yun. Ngayon na nalayo ko na siya, hindi ko na alam kung ano ang kasunod.

Anong lugar na ba 'to? Wala na masyadong sasakyan at tao sa labas.

"Anong trip mo?" kalmadong tanong ni Zoe pero halatang naiinis na siya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagdradrive. "Ano sabing trip mo?"

Hindi ko alam. Anong isasagot ko kung hindi ko alam?

"Ugh! Stop the car!" Napapreno ako bigla dahil sa sigaw ni Zoe.

"Shit." Nilingon ko siya para tingnan ang lagay niya. "Ayos ka lang ba?" Hindi niya ako sinagot at bumaba bigla sa sasakyan.

Hinabol ko naman agad siya. Madilim na. Hindi na safe.

"Zoe!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. "Zoe, ano ba? Saan ka ba pupunta?"

"Sa malayo sa 'yo."

Tsk. Tumakbo na ako at hinawakan siya sa braso saka hinarap sa akin. "Ano bang problema mo?"

"Ikaw?! Anong problema mo?! Nananahimik kami doon tapos bigla mo na lang akong hihilahin at dadalhin kung saan mang lupalop. Kapag tatanungin kita kung ano ang trip mo at ginagawa mo 'to hindi ka naman namamansin!"

Hindi ko na naman nagawang magsalita.

"Oh? Ano? Ayan na naman. Hindi ka naman magsasalita. Lakas din ng trip mo. Hindi na 'to nakakatuwa. Kainis. Iniwan ko pa si Jude – "

"Jude na naman!"

"Bakit ba naninigaw ka?! Ano bang problema mo?! Nakakairita ka na, ha! Kanina ka pa!"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Ikaw at ang sarili ko! Bakit ba kasi kasama mo palagi 'yang Jude na 'yan?! Nililigawan ka ba niya?! Boyfriend mo ba siya?!"

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon