Chapter 63: The King and the Familiar

184K 6.3K 8.3K
                                    

Author's note: Just as I promise, this one's the edited chapter. Wala pa naman akong halos binago dito.
   
  

👑👑👑
  

-The night before the appearance of Lucifer-

PAXTON'S POV

Nakahiga ako sa sofa ng inn ng tinutuluyan namin ni Shea.

Kung itatanong niyo kung nasan ang babaeng 'yun, nasa Underworld. Pinatawag ng Goddess.

Hindi na ako sumama dahil mabilis lang naman daw siya. Tsaka familiar ako, hindi aso. Masyado akong gwapo para maging aso.

Bigla akong nakaramdam ng ibang presensya kaya kinuha ko ang pana ko at bumangon.

"Anong kailangan mo?"

May puting usok na lumabas sa harap ko at bumungad si Alzena.

"Rendeer.."

Muli akong nahiga. Tsk, siya lang pala. Akala ko kung sino na.

"Gusto kang makita ni Master," sabi nya.

"Wala akong planong makipag-usap sa kanya."

Naiirita na ako sa kinginang hari na 'yun dahil masyadong pakielamero. Panay pa ang lapit kay Shea kahit alam niyang nasasaktan ang Mistress ko. Pero hindi ako galit. Wala akong planong makipagtalo sa kanya. Kung ano ang gusto ni Shea, iyon ang sinusunod ko.

"It's about Shea."

Natahimik ako at tiningnan siya. Pag si Shea na ang nabanggit ibang usapan na 'to.

"Ano bang kailangan niya?"

"I don't know. I guess he figured something important and you have to hear it. Hindi naman siya basta-bastang nagpapatawag lalo na sa familiar pa ng reyna."

--

Prente akong naupo sa sofa dito sa mukhang opisina ng kumag. Pinatong ko ang paa ko sa center table habang siya ay nakaharap sa malaki niyang bintana.

Tsk. Naiirita ako sa presensya niya pati narin sa anim na alagad niya. Sa una pa lang hindi na kami magkasundo, at wala akong planong baguhin 'yun. Kapakanan lang ni Shea ang iniisip ko. At gagawin ko ang lahat maprotektahan lang siya.

"Anong sasabihin mo?" basag ko sa katahimikan.

"Where is she?" tanong niya.

"Underworld."

"I see."

At tumahimik na naman.

"Kung wala ka nang ibang sasabihin aalis na ako," sabi ko at akma na sanang tatayo nang magsalita siya.

"I figured something about Lucifer's weakness. I don't know if that's how you call it but we can think of a plan to counter it."

Tsk. 'Yan naman pala eh.

"Lucifer can unleash his true strength by the blood of the Mistress. A drop of it is enough only if he's the one who injured her."

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon