Part 4- Meeting My Idol!

362 10 0
                                    

(Agus POV)

Sobrang hina na ng katawan ko.

Gusto kong magkulong lang dito sa hideout kasama ang lagnat ko pero sakabilang banda gusto kong kasama si Aerin dito.

Nasanay na akong magisa mga taon na. Binabalewala lang ako at nagiisa.

Ayaw kong malaman ng iba kung may sakit ako kung may sugat at malungkot ako. Pero gusto kong kasama si Aerin.

"Aerin." Bulong ko.

Kapag nagkasakit ako mula noon tanging ako lang magisa.

Maraming tawag at text pero kay Aerin lang ang hinihintay ko. As if!

Siya ang laman ng imahinasyon at panaginip ko sa tuwing magisa at may sakit ako.

"Agus? Nagising kita sorry!"

"Aerin."

"Agus."

Napamulat ako.

You are here again in my dreams.

Alam kong panaginip lang to.

Kung panaginip to ayaw ko nang magising!

Sa panaginip lang kita kayang yakapin at halikan.

Sa pagising ko wala kana.

Alam mo bang sa panaginip lang kita kayang angkinin?

Buong buhay ko minahal kita.

Nabuhay akong minamahal ang babaeng di ko dapat mahalin.

Kaya sa panaginip lang kita kayang hawakan.

Sa panaginip lang kita kayang halikan.

Sa panaginip kaya kong lokohin ang sarili ko na mahal mo ako!

*******

(Aerin POV)

Nagising  ako sa lamig ng naramdaman ko.

Di ko agad minulat ang mga mata ko. Tanging tunog ng mga ibon at tubig ang naririnig ko.

Minulat ko ang mga mata ko at nakayakap si Agus saakin.

Natulog siyang kayakap ako pagkatapos niya kong halik halikan.

Bumangon ako ng dahan dahan at kinapa ang noo niya.

Wala na ang lagnat niya!

Salamat naman.

"Bakit nandito ka?" Gulat na tanong nito at bumangon.

"Ah eh nabalitaan ko kay Jai na di ka pumasok at alam kong may sakit ka kaya nagdala ako ng gamot mo." Utal ko.

"Anong kailangan mo?"

"Huh?"

"Hinanap mo ang lugar na to at nagdala ka ng gamot. Inalagaan mo ako. Siguradong may hihingin kang kapalit." Aniya at nasuot na ng damit.

Kinuha niya ang bag ko.

"Ito ba?" Aniya wagayway ang papeles na papapermahan ko sakanya.

"Agus."

Kumuha ito ng ballpen at penermahan agad ang mga papel.

"Siguro sapat na kabayaran na yan para sa pagalaga mo saakin buong gabi. Makakaalis kana!" Ani Agus at pumasok na sa banyo.

Akala ko maayos na kami pagkatapos kagabi pero Mali ako. Nagawa niya lang to dahil may sakit siya.

Nakakaawa talaga ako.

Inayos ko ang sarili ko at ang mga papeles.

Umalis na ako ng hideout ni Agus!

***

( 2 days later

9 pm.

Pababa na ako ng hagdan para puntahan sina Shamia at Atarah sa Kiss Bar para maghangout.

Palabas na ako ng pinto nung nakasalubong ko si Agus.

Nilagpasan niya lang ako.

"Aerin, tungkol sa resort na gagawin mo naginvest na ako ng 2 billion para doon. Kung kulang tawag mo na lang kay Jai." Aniya.

"Salamat."

"Wag kang magpasalamat. Pinagtrabahuan mo yon." Anita at pumanhik na.

Di man lang ako tinanong kung saan ako pupunta.

Ang cold niya talaga.

Chill Aerin. Di lang ikaw ang miserableng asawa sa mundo.

Tinext ko na lang si Shamia at Arah na di ako pupunta dahil maaga ako makipagkita kay Laiza Clesforo. Ang magdedesign ng resort ko!

***
(Kinabukasan)

Papunta na ako sa Crystal Park kung saan usapan namin ni Shamia na magkikita.

Sasamahan niya kase akong kausapin si Laiza at Agus. Si Laiza ang magdedesign ng resort naitatayo ko recommendation siya ni Agus.

Iwan ko kung supportive si Agus dahil sasamahan niya ako at alalayan ngayon sa design.

Ang ganda ng panahon, malaasul na kalangitan at ang sarap ng hangin dito sa park.

Naimagine ko tuloy na ang saya dito makipagdate at tatambay kasama si Agus pero asa pa ko.

Paliko na papunta sa fishpond ng park nung mahagip ng tingin ko si Shamia at may kausap siyang lalaking matangkad na nakashade.

Sino naman kaya to?

Nagtago ako sa may bench malapit sakanila mukha kaseng importante ang pinagusapan nila.

"Diba sabi ko sayo tigilan mo ang kakapakita saakin! Mapapahamak ako sayo ee." Sabi ni Shamia sa lalaki.

"Sham I miss you and I just wanted to be with you for a while. Besides it's my vacation." Sagot ng lalaki.

Teka parang pamilyar ang tindig ng lalaki? Sino ba to ha?

"Hindi ka ba nagiisip. Paano kung may makakitang fans mo dito o press? Ikaw lang inaalala ko at ang reputasyon mo." Sabi ni Shamia.

Teka? Yong lalaki parang si Zheil Varona. Ang isa sa sikat na actor at model ng Cordova City. Ang kaloveteam ni Cristin Clemente! My idol!

Wait? Bakit parang magkakilala sila? Shamia bakit ka naglilihim sakin?

"Don't worry kaya nga ako nagsuot ng shades diba?" Sabi ng lalaki.

Ang boses niya!

"Just go Zheil." Taboy ni Shamia.

Zheil? Siyaaaaa ngaaaa!

(To be continue)

Vote

My Billionaire Subtitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon