Chapter 3.2: Rest in Peace Sakura Lee

41.4K 1.5K 172
                                    

Chapter 3.2: Rest in Peace Sakura Lee

 

CEMETERY

Sakura's Point of View

Dinala ako ni Karol sa puntod ko at napamura na lamang ako na makita ko ang nakasulat doon.

Rest in peace Sakura Lee.

Kinilabutan ako sa nabasa ko. Sh*t! Patay na talaga ako?

"S-Sigurado ka ba na si Sakura Lee ang nakalibing diyan?" nanginginig na tanong ko sa kanya.

Isang tango ang aking natanggap sa kanya. Nang tignan ko siya ay kitang kita ko ang labis niyang kalungkutan.

"Paano ka nakakasigurado na patay na si Sakura?" tanong ko sa kanya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at ilang saglit ay binigay niya sa akin. Halos mabitawan ko ito na makita ko ang aking sarili na nasa loob ng kabaong.

No way! This can't be!

Patay na nga talaga ako?!

Fucking sh*t!

Ilang minuto akong tulala sa aking nakita at hindi makapagsalita.

"Kaya Miss irespeto mo ang kaibigan ko kahit doon na lang."

Tinitigan ko siya. How can I say to her that I'm not dead? Na humihinga pa ako? Iba nga lang ang gamit kong katawan.

Bakit?

Bakit nangyayari sa akin ito?

"Karol!" malakas na tawag ko sa kanya.

"What?" nagtatakang nilingon niya ako.

"Naniniwala ka ba sa soul switching?"

"What?" naguguluhang tanong niya.

Lumapit ako sa kanya. "Maniniwala ka ba kung ang kaluluwa ni Sakura Lee ay pumasok sa katawan na ito?"

"Y-You're kidding," kinakabahan na wika niya.

"Sagutin mo na lang ako!" inis na sabi ko.

"Natural hindi!" inis na sigaw niya.

"Puwes, maniwala ka na ngayon!" at hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang braso. Wala akong pakialam kung ano ang tingin niya sa akin basta desperado na ako.

"Ako ito, Karol si Sakura Lee at dahil sa bracelet na binigay mo napunta ang kaluluwa ko dito sa katawan na ito."

Hindi siya makapagsalita sa mga sinabi ko.

Naiirita na talaga ako! Sino ba kasing tanga ang maniniwala sa sitwasyon ko ngayon?

"Binigay mo sa akin itong bracelet dahil sabi mo nga na anniversary nating magkabigan," napangiwi pa ako nang banggitin ko ang 'magkaibigan'." 'Di ba sa temple mo pa nga ito nabili?"

Hindi pa rin siya nagsasalita at napatitig sa bracelet ko.

Napabuntong hininga ako. Mukhang hindi effective yung sinabi ko. "Okay!" malakas na sabi ko na lang na kinagulat niya. "Naalala mo nung elementary tayo? Di ba may crush ka nun kay Joseph at nagconfess ka pa nga sa kanya pero tinanggihan ka niya. Naiihi ka pa nga nun sa kahihiyan tapos----"

"Stop!" malakas na tili niya kinagulat ko. "Paano mo nakuha ang lahat na impormasyon na yan? Sino ka ba? Hindi magsasabi si Sakura ng mga secrets namin. Bakit nasa iyo yang bracelet na binigay ko kay Sakura?"

"Yun nga Karol! Hindi mo ba naiisip na bakit alam ko ang nangyari sa buhay mo? Karol mahirap man paniwalaan pero ako ito si Sakura Lee at dahil sa binigay mong bracelet napunta ang kaluluwa ko sa stupid na katawan na ito."

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon